NAPANGITI ako ng malaman ang binalita sa akin ni Leonard ."Thanks 'cuz . I owe you this ." Sabi ko dito habang pinagmamasdan ang litrato na pinadala nito sa akin .
"Wala 'yun . Basta ba dalhan mo ako ng pasalubong mula Madrid , okay na ." Leonard replied .
I chuckled with his request . "Sige , basta paki na lang sa kan'ya ah ?" Sabi ko dito bago tapusin ang tawag .
Lumabas ako ng opisina ko para kumustahin si Angelica na kasalukuyan namang nagpapahinga matapos ang normal delivery ng isang buntis na pasyente n'ya . Napailing ako kasi bakas sa itsura nito ang pagod .
Pero bago pa ako makalapit ay dumating si Gil na lagi naman n'yang ginagawa . Kukumustahin ko sana ito ng may lumapit sa akin na nurse mula sa Emergency Room .
"Chairman Cross , we have an emergency ." Natatarantang sabi ng nurse kaya naman nagpatiuna na ako sa ER at naabutan ko ang nagwawalang pasyente . Dahan-dahan akong lumapit gayundin si Karlo Montreal na s'yang Neurology Director ng ospital at isa rin itong neurosurgeon na pinagmamalaki namin tulad ni Angelica na kasalukuyang kumukuha ng Pediatrics ngayon bukod sa pagiging OB Gynecology Directress nito sa Cross Hospital .
"What happened here ?" Karlo asked but I just shrugged my shoulder .
"No idea . But I bet she is depressed about something ." Sabi ko at saka kinuha ang record ng pasyente na inabot sa akin ng nurse na sumundo rin sa akin kanina .
Binasa ko iyon at napailing na lamang dahil sa mga nabasa ko . "What's up ?" Karlo asked but I gave him the record at saka lumapit sa pasyente habang lihim kong hawak ang isang syringe sa aking kanang kamay na nakatago sa hospital robe ko .
"Ms. Nievez , can we at least talk ?" Tanong ko dito at saka ito tumigil at tiningnan ako .
"Douglas ? Is that you ?" Maluha-luha nitong tanong at ng akma ako nitong yayakapin ay narinig ko ang mga yabag na agad ko namang pinatigil sa pagtaas ng kamay ko . Nakangiti kong hinarap ang babae kaya naman umamo rin ang mukha nito .
She have hallucinations that I am her lover who left her alone . Based on the records , nagkaroon ito ng miscarriage kaya nakaapekto na rin ang pangyayaring iyon sa dalaga dahil na rin sa nangyari sa kanila ng kasintahan n'ya .
"Can we talk ?" I asked her habang inaabot s'ya gamit ang kaliwang kamay ko . Inabot n'ya iyon at naluluhang niyakap ako .
"Douglas . I have a news to you , we're having a baby ." Lumuluhang sabi ng babae . I looked down dahil ramdam ko ang sakit na nararamdaman nito .
Ganito ba talaga ang pagmamahal ? Nakakabaliw ? Kung sabagay , tingin ko papunta na rin ako doon dahil sa kan'ya .
"I am not Douglas . I am Raphael ." Sabi ko dito kaya humiwalay ito sa akin . Nabalot ng pagtataka ang mga mata nito pero nagbago iyon at naging galit iyon .
"You're not Raphael ! You're Douglas !! Don't lie to me !" Galit nitong sigaw pero kalmado lang ako .
Chill lang Raphael . Ipakita mo sa babaeng iyon na nasa Pilipinas na nagbago ka na . You can now handle love problems . You can now be a Love Guru .
"Listen to me , will you ?" Nakangiti kong tanong dito . I signalled my crew to get ready after this . Nurses are still treating the patients and some are treating the incoming patients . Hindi ko alam kung bakit parang mas madaming pasyente ngayon pero ang Cross Hospital ay hindi magpapatalo sa pagiging maagap ng mga tauhan namin at pagiging advance ng technologies namin , thanks to CETE na hinahandle ni Phoenix at sa RGC ng mga Rotterdams na sumusuporta sa Cross Hospital na nakakalat sa buong mundo at hinahandle ko .
"Tell me that you're Douglas , don't pretend that you're not ." Pagpupumilit ng babae kaya napahinga ako ng malalim at saka tiningnan s'ya .
"He is not here Ms. Nieves . I am a doctor and not an actor . He left you Ms. Nieves and if he really abandoned you and your baby , he is a jerk . I want to help you with all of my strength and effort . Please , just trust me Ms. Nieves . I will help you forget that asshole . Please ." Pakiusap ko at kita ko ang paglambot ng mukha nito at ang pagdaloy ng luha sa mga pisngi nito .
Napaupo ito mula sa hospital bed at saka umiyak ng umiyak . Niyakap ko ito at hinimas ang likod nito . "Why ? Why did he leave me ?" She asked , still crying .
"Stop crying , he's not deserving with your tears . Trust me Ms. Nieves , I will help you ." I said before injecting the sedative from the syringe I am holding in the side of her neck .
Ang paghagulgol ay napalitan ng hikbi . Her breathing became even and she snore a little bit . Sinenyasan ko na ang mga tauhan ng psyche ward na gawin na ang dapat gawin para mailagay na si Ms. Nieves sa ward ko . Inalalayan ko ang ulo nito at saka hinayaan ang mga tauhan ko na dalhin ang natutulog na si Ms. Nieves sa psyche ward na makikita sa building na nakahiwalay sa main building ng Cross Hospital .
Napaupo ako sa hospital bed at saka hinilamos ang palad ko sa mukha ko . Dahil sa'yo , nagbago ako ! Dahil sa'yo , pakiramdam ko ay kailangan ko ng magpa-admit sa psyche ward ng hospital ko .
"Wow . What was that ?" Usisa ni Karlo pero umiling lang ako at pumunta sa café ng ospital para magkape .
"Stop messing up with me Montreal . I am sleepy ." Sabi ko dito .
"Then sleep . No one will stop you from resting ." Pagrarason ni Montreal pero sinamaan ko lang ito ng tingin .
"Tss ." I hissed and then he left me alone at the café .
I am suffering with Insomnia dahil sa babaeng iyon . Lagi na lang akong naghihintay ng balita ukol sa kan'ya . Nakakainis nga dahil sa isang babaeng katulad n'ya ay nasasayang ang mga oras na dapat ay itinutulog ko na lamang .
Krriiing !! Krriiing !!
"Hello ?"
"Hey Cerebro , kumusta na ? Nakita ko si Karlo kanina at nabalitaan ko 'yung nangyari kanina , okay ka lang ba ?" Nag-aalalang bungad ni Angelica na ikinangiti ko .
"Okay lang ako . 'Wag kang mag-alala . Napatawag ka ?" Tanong ko dito habang hinahalo ang kape na in-order ko .
"I want you to fired those slut nurses from ER ." She said with her pissed tone .
"Drop their names and I will talk to them immidiately . Magkakape lang ako dahil inaantok ako ." Sabi ko dito at saka tinapos ang tawag .
Makalipas ang ilang segundo , natanggap ko na ang mensahe ni Angelica about the two nurses she is referring to . Napangisi ako . Mukhang napikon ng husto si Angelica sa dalawang ito . Pang-ilang nurses na ba itong pinatanggal n'ya ?
Tumayo ako at saka inubos ang kape ko sa isang lagok . Medyo mainit pero kaya ko ng tagalan iyon . Ang mainit na pagguhit nga ng alkohol ay nakakayanan ko , kape pa kaya ?
It's time for me to wake up and do my duty as a Chairman of this place .
BINABASA MO ANG
Loving A Psycho (Cross Enterprise Series #3) | Completed
RomanceBEST BLURB from DAISY BOOK AWARDS 2020 Genre: Romance Sa dami ng mga kaso na lagi na lang hinahawakan ni Raphael , isa lamang ang naging kakaiba na gusto n'yang humagalpak ng tawa . A woman walked inside his clinic with her hilarious case . Alam n'y...