Chapter 13

118 8 5
                                    


HINDI pa rin ako makapaniwala na naririto si Raphael sa harapan ko. Gusto kong sumigaw o kaya naman ay sugurin s'ya para yakapin--teka, ano ba itong iniisip ko?

Ehem! Maghulus-dili ka Naomi, nasa Amerika ka man isa ka pa ring dalagang Pilipina... Yeah!

Tumikhim ako at hinarap s'ya. Pero nadi-distract ako sa kagwapuhan at katikasang tinataglay nito sa suot n'yang tuxedo. "Baka naman matunaw ako n'yan, Ms. Kendrick." Napakurap ako sa sinabi nito--teka, linya ko iyon!

"H'wag kang feeling gwapo Raph. Nakakakilabot." Pang-aasar ko rito.

Tinawanan n'ya lang ako at saka nagpalinga-linga sa kapaligiran. "You have a very good taste with your furnitures Ms. Kendrick. Kapareho mo ang kapatid mong si Cairo." I rolled my eyes when he started to praise the furnitures.

"Call me Naomi. And may I know why are you here?" Tanong ko rito, but he just chuckled.

"Lem'me guess. You're iritated because I am just focusing my attention to the furnitures and not to you, right?" Bahagya pa akong nagulat sa sinabi nito pero iningusan ko lang s'ya.

"You're a psychologist psycho, Raphael Cross kaya alam ko na magaling ka sa gan'yan. Pero masyado ka yatang bilib sa sarili mo para sabihing big deal sa akin ang pansinin ako."

Tumayo ako at naglakad palapit sa kan'ya. He is 190.5cm while I am 172.7cm kaya naman bahagya lamang akong nakatingala sa kan'ya. Kita kong natigilan s'ya dahil sa pagkakalapit naming dalawa. Umabante ako ng umabante hanggang sa maupo s'ya sa couch ng opisina habang ako naman ay nananatiling malapit sa kan'ya.

"S-syempre naman. Kailangang may c-confident ako dahil i-isa akong d-doktor." Pautal-utal nitong paliwanag.

Lihim akong na-disapoint dahil hindi iyon ng inaasahan ko. Masyado s'yang propesyonal para lang mapansin ang mga pahiwatig ko.

Aaminin ko na crush ko na s'ya noong araw na una kaming nagkita. Pero natakpan iyon ng inis dahil sa ginawa n'ya sa akin noong araw ring iyon. Alam ko na mayroong rason si Raph kung bakit nagawa n'ya iyon kaya naman hindi ako lubos na nagpakain sa inis ko noon pero ang ginawa n'ya ring iyon ang naging dahilan para kaayawan ko ang mga lalaki dahil na rin sa ginawa ni Billy sa akin.

Tumango-tango ako at saka lumayo sa kan'ya. Tumalikod ako sa kan'ya at tinungo ang mini refrigerator ko sa opisina para makakuha ng iinumin. Habang naghahanap, hindi ko mapigilang ikuyom ang aking kamao at kagatin ang labi ko.

Ano bang iniisip mo Naomi? Bakit mo gustong yakapin ang lalaking iyon?

Aminado akong namiss ko s'ya pero iba marahil ang pakay n'ya kaya naririto s'ya.

Huminga muna ako nang malalim bago ko s'ya harapin dala ang isang bote ng rose wine at wine glass. "Ano nga pala ang sadya mo rito? Why did my brother bothered to send you here?" Pormal na tanong ko rito habang sinasalinan ang mga baso nang rose wine. Umupo ako sa upuang kaharap ng kan'ya at saka tiningnan s'ya nang diretso.

Tinikman n'ya ang inabot kong rose wine sa kan'ya at tumingin sa akin ng may paghanga. "Kakaiba ang taste mo sa wine, Naomi. I'm amused." Nakangiti nitong puri sa akin.

"Thanks for the compliment, Raph but can you tell me why you're here?" Tanong ko at naging seryoso ito.

"Cairo asked me to talk to you." Nagbago ang timpla ko nang marinig ang sagot nito.

Bakit pa ba ako umasa?

"Nag-aalala lang ang kapatid mo sa'yo Naomi. I also want to help you kung nahihirapan ka na. Intindihin mo naman sana." Tumayo ako at naglakad papalayo rito pero hinablot n'ya ang pulsuhan ko at pinaharap sa kan'ya. "Naomi."

"Hindi ko kailangan ng tulong Raph. Magsasabi naman ako kung hindi ko na kaya eh. Just leave me alone!" Pagtataas ko nang boses dito.

"Kailan? Kailan ka pa magsasabi sa amin? Pag sumuko na ang katawan mo? Pag napariwara ka na dahil lagi mo na lamang sinasarili ng lahat?" Napakagat-labi ako habang pinagmamasdan ang maitim n'yang mga mata.

Iisa lang naman ang gusto ko eh, 'yung sabihin mong naririto ka dahil gusto mo.

"Wala ka nang pakialam Raphael. Hindi tayo magkaano-ano kaya tigilan mo ako." Hindi ko na napigilang pumiyok dahil gusto ko na talagang umiyak sa harapan n'ya.

Narinig ko ng pagbuntong-hininga ni Raphael. He hold my cheeks and let me face him. "I care about you Naomi. I really care about you kaya nga nagpunta ako rito nang sabihin sa akin ni Cairo ang mga pinagdadaanan n'yo." Pinagdikit n'ya ang aming noo at mariing pumikit.

Napapikit na rin ako nang maramdaman ko ang paglapit ng mukha n'ya sa akin. The next thing I know, we are now sharing a passionate kiss inside my office. His soft lips that moving againts mine that made me feel something in me. His kisses I immediately responded with the same passion and gentleness he is giving. We broke our kiss and look at each others faces.

Agad akong humiwalay at tinakpan ang aking mukha. Narinig ko na lang ang paghalakhak ni Raphael na tinapunan ko naman ng masamang tingin. "Your so cute, Naomi." Anito kaya naman hinampas ko ito sa kan'yang braso pero sa halip na masaktan s'ya ay ako ang nasaktan dahil sa tigas ng braso nito.

"Nakakainis ka!" Inis kong bulyaw rito. Hahampasin ko pa sana s'ya nang hawakan n'ya ang kamay ko. Hinila n'ya ako at mahigpit na niyakap.

"Nasaktan ka na nga eh. H'wag mo nang dagdagan ang sakit na nadarama mo." Natigilan ako sa makahulugan n'yang mga salita. "Hayaan mong sagipin kita sa sakit na nadarama mo."

"Raph."

"Hayaan mong makabawi ako sa'yo. Alam kong wala akong karapatan na mag-demand sa'yo pero sana, papasukin mo ako sa buhay mo, at sana buksan mo rin ang puso mo."

"Tss." Itinulak ko ito, natawa naman ito at saka muling umupo. Hinila n'ya ako ulit kaya naman napa-upo na rin ako sa tabi nito.

"Seryoso ako Naomi. Seryosong-seryoso."

Hindi ko alam ang sasabihin ko o irereact ko. Hindi ko rin alam kung maniniwala ako o hindi. Naguguluhan ako dahil gusto nang puso kong maniwala habang pilit na kumokontra ang isip ko. Para silang nagtatalo sa isag debate at ako naman ang judge na nabibingi na sa pag-aaway nila.

"Ms. Kendrick, Mr. Theo Becker is here for your meeting."

Bumangon ako at saka kinuha ang mga files ko. Inayos ko rin ang itsura ko bago muling harapin si Raphael. "Wait for me here. I need to close this deal. Pag may kailangan ka, ask my secretary o kaya naman ay tingnan mo ang refrigerator ko." Bilin ko bago s'ya iwan.

After this, after I close The Ozone deal. Hahayaan ko na ang sarili ko na maging masaya sa isang kaligayahan at pangakong hindi ko alam kung may kahahantungan.

A.N: Last update ko na o muna ito. Pasensya na kung bitin ah? Hindi ko naman kayang ipabasa sa inyo ang isang update na pilit hohoho stay safe guys :)

Loving A Psycho (Cross Enterprise Series #3) | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon