Chapter 7

171 10 1
                                    


MABILIS na lumipas ang limang buwan at narito ako , naghahanda na sa pagreview ng mga bago kong estudyante sa grade three sa RMES .

Sa apat na taon ko ng pananatili sa RMES ay nasanay na ako sa ganitong sistema . Tuturuan mo ang mga bata na malinang sa mga bagay-bagay at pagkatapos ng halos isang taon n'yong pagsasama , ay aalis din sila sa poder mo para harapin ang buhay sa susunod na baitang . Para bang ako ang inahing ibon at sila ang mga maliliit kong supling na dadating ang panahon na lilipad sila mula sa'yo , lilipad sila papalayo sa'yo .

Pedro became my top one and Lyka is the top two in the recognition . At ang valedictorian at salutatorian in that year are my students kaya naman sobra ang saya ko noong makita ko sila na magtapos ng araw na iyon . Walang pagsidlan ang kasiyahan ko noon na napuno rin ng kalungkutan ng kinailangan na nilang lisanin ang silid-aralan kung saan kami nagsamang lahat sa loob ng halos isang taon .

Tgey are always visiting me here lalo na pag recess na nila . Hindi pa rin nila ako kinalimutan tulad ng iba .

And now , I am facing a new chapter in my career as a teacher . New faces , new system but old ways of teaching .

"What is our galaxy ?" Tanong ko sa mga estudyante ko as oral recitation , tulad ng nakagawian ko bago ang exam .

"Ma'am !!" Sabay-sabay na sigaw ng mga estudyante ko .

"Phil , cam you answer my question ?" Tanong ko sa estudyante ko na mukhang distant sa kan'yang mga kamag-aral .

Luminga-linga ito at saka walang ganang tumayo ito . "Milkyway , Ma'am ." Sagot nito at saka ito umupo ng pabagsak .

It bothers me because Phil is always like this . Parang laging walang gana mag-aral . Gustuhin ko man na hindi ito pansinin , guro pa rin ako at hindi ko iyon mapipigilan .

Nang magre-recess na ay napagdesisyunan kong kausapin ito . "Phil , pwede bang maiwan ka na muna ?" Tawag ko rito , tiningnan n'ya ako ng walang gana n'yan mata at saka ito naglakad palapit sa akin . Umupo ito sa upuan na malapit sa mesa ko at saka tahimik na pinanuod ako nito na mag-ayos ng gamit ko . Hinintay ko na makalabas lahat ng kaklase nito bago ko ito simulang kausapin . "Phil , may problema ka ba ?" Mahinahon kong tanong dito .

"Wala po ." Anito pero alam ko na nagsisinungaling ito .

Tumayo ako mula sa upuan ko at saka naglakad patungo rito . Nakangiti ko itong hinarap , naging mailap ang mga mata ni Phil pero nanatili lang ako na nakangiti sa kan'ya . "Ano man ang gumugulo sa iyong isipan , alam mo na narito lang ako para makinig at tulungan ka ." Sabi ko rito at saka nilingon ang kumatok sa pintuan ng silid .

"Ms. Kendrick ."

"Sige na Phil . Pakakatandaan mo ang aking sinabi , okay ?" Sabi ko dito at saka hinarap ang punong-guro ng paaralan . Nakita ko ang pag-aalinlangan ni Phil pero hindi ko iyon pinansin .

Mr. Oscar Ramos may be terrifying in a glance pero alam ko na hindi iyon ang tunay n'yang ugali . Everyone do have their own good and bad atittudes , like Cairo , Angelica , my father Guilford and me .

"Hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa , Ms. Kendrick . I want you out of my school premises right now ." Sabi nito na ikinaawang ng labi ko .

"Come again , Sir ?" Para akong nabibingi sa mga narinig ko . May nagawa ba akong mali ?

"You are fired ." Anito na naging dahilan para mabuwal ako .

Pero bago ko pa maramdaman ang malamig na sahig ng silid ay may isang pares ng braso ang sumalo at umalalay sa akin . Hindi ko na iyon pinansin dahil pakiramdam ko , literal na gumuho ang mundo ko sa nalaman ko .

Loving A Psycho (Cross Enterprise Series #3) | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon