Chapter 26

94 4 0
                                    


"HONEY! May bisita tayo!" Tawag ni Phoenix kay Angelica. "Halika at umupo ka muna rito. May bisita rin kasi ang asawa ko." Dagdag ni Phoenix at saka ako nito pinaupo sa bakanteng sofa na katapat n'ya lang.

"Okay lang." Matipid kong sagot dito at saka ako sumandal sa upuan.

"Anong masamang hangin ang nagdala sa kapatid ko rito?" Tanong nito pero pumikit lang ako.

"Hangin ng kapaguran, Phoenix. Iyon ang nagdala sa akin dito." Pag-amin ko at ramdam ko na nagseryoso ito.

"Ano ka ba naman kasi? Pwede ka naman magpahinga eh. Magdadalawang buwan ka nang walang tigil sa pagtatrabaho, nalilimutan mo na ang sarili mo." I chuckled because of what he acts right now.

Kadalasan kasi, the Phoenix I know will torment you more, tease you more but now, he is now worrying about me that is too rare for him to be. 'Iba talaga ang may asawa na.' Sa isip ko at hinayaan na n'ya akong makatulog sa upuan kung saan ako nakaupo.

Dalawang buwan na rin pala ang lumipas. I wonder, how is she?

Hindi naman naging mahirap para kay Naomi na tanggapin ang nararamdaman ko para sa kan'ya. I courted her two weeks before Clovis and the Cross Enterprise came into the picture. Isama mo pa ang gunggong na nagngangalang Paul Parker na gumawa ng eksena.

Hindi ko alam kung ano ang sinabi n'ya noon kay Naomi but it bothers me when she started to avoid me. Kinakabahan ako, natatakot ako na baka mauwi sa wala ang lahat-lahat.

Hindi na rin ako pinatahimik ng trabaho at ni Eliza na hanggang ngayon ay hindi pa rin tanggap na may nahanap na akong iba. She cheated on me before but it seems like ako pa ang may kasalanan kung bakit naghiwalay kamaing dalawa.

'Pagod na ako. Please Naomi, save me from the darkness.' I thought like begging for her presence.

"Oy si Utak andito pala." Nagmulat ako ng mata at kahit pagod ako, pilit pa rin akong ngumiti sa kaibigang matagal-tagal ko ring hindi nakita.

Nanganak na ito sa panganay nilang si Uriel na malaki ang hawig kay Phoenix. Pero matapos ang binyag nito ng ikatlong buwan n'ya ay hindi ko na muling nasilayan ang bata.

"Nasaan ang pamangkin ko?" Pagod na tanong ko rito.

Kita ko ang pag-aalala sa mga mata nina Phoenix at Angelica pero pinilit ko pa ring magbiro dahil hindi ako sanay sa mga tingin nila.

"Ano ba? Ako lang 'tuh. Hindi naman ganoon ka-big deal ang taglay kong alindog, napapanganga pa talaga kayo ah?" Biro ko kaya naman ay nakatanggap ako ng mag-asawang mura sa dalawa na nagpatawa sa akin ng malakas.

I am dead tired, all I wish is to see her and ask her what happened to us. Becauae I know, there is an us between Naomi and I. I don't want to lose her. Ayoko, hindi ko kaya.

Si Naomi na marahil ang buhay ko. Pag wala s'ya, I am a complete mess at pag nand'yan s'ya, para akong nasa alapaap sa sobrang saya. Kuntento na ako sa kung sino man s'ya. Mapa-teacher man, mapa-CEO ng isang shipping lines, may tattoo man o wala, mapadalagang Pilipina man o mapa-Amazona, I love everything that is Naomi. I love her to the fact na hindi ko na namalayang hulog na hulog na ako sa kan'ya, to the point na hindi na ako makabangon pa mula sa pagkakahulog.

This is love, right?

Kung love nga talaga ito, masasabi kong masarap sa pakiramdam, masakit na masaya. At kung true love man ito, I want to feel it with Naomi only.

"Ange?" Napamulagat ako ng marinig ang pamilyar na boses na iyon. Mula sa pagkakayuko'y dahan-dahan akong tumingala at nakita ko nga s'ya, na may karga-kargang bata.

"KUMUSTA naman kayo ni Raphael?" Tanong sa akin ni Angelica.

Bumisita kasi ako rito dahil sa dalawang bagay. The first one is to relax, to unwind and the second is, I want to know Raphael's past and how is he doing. Nag-aalala na kasi ako rito dahil mula nu'ng huli kaming mag-usap ni Paul, napilitan akong lumayo at iwasan s'ya dahil sa nalaman ko.

"He almost killed his ex when she cheated on him. He can do it to you because there is no exemption between you and Eliza. Friendly advice my dear, but you must keep your distance to him because Raphael is mine only."

Totoo kaya na may gusto si Paul kay Raphael? Tanggap ko pa kasi 'yung sa nangyari kay Eliza dahil mula sa malayo, umaalingasaw talaga kamalditahan n'ya at hindi malayong nasaktan ng husto si Raphael kaya n'ya nagawa iyon. But he didn't kill her, that's the important for me. Naaalala ko pa 'yung mga sinabi n'ya noon kay Raphael nu'ng magpunta ako sa ospital nila para sana makasabay na s'ya sa pagsusukat ng damit para sa kasal nila.

"But why can't you just spend your time with me? You have no girlfriend nor wife. But even you have one, I'll still do this thing to you until you give up and give your everything to me."

Alam ko naman na masyadong mataas ang standard ng isang Cross. Mga magaandang niallang sila na may iba't-ibang ugali at personalidad. Kaya naman nagtataka lang ako, bakit at kailan pa nagustuhan ni Paul si Raphael? Bakit hindi n'ya sinabi sa akin ang tungkol sa tunay n'yang katauhan? Bakit sa ganitong paraan pa? He seems like threatening me, and to be threatened by him is indeed scary.

"Hindi ko alam kung anong gagawin ko Ange. I love him but I am scared." Pag-amin ko.

Hinawakan ni Angelica ang kamay ko habang ang kabila'y hawak ang tsupon ng anak n'yang si Uriel na hindi pa ganoon karunong maghawak ng feeding bottle. "Whatever that is bothering you, let it be pero h'wag mong hahayaang masira kayo dahil d'yan. If you love him, be selfish. Ariin mo s'ya kung kinakailangan dahil minsan ka lang maka-encounter ng tulad n'ya."

"Angelica."

"Whatever your decision is, alam mong nandito lang ako, I will back you up and support you." Anito kaya naman'y napaluha na ako sa saya.

Ang swerte kong magkaroon ng kaibigang tulad ni Angelica.

"Honey! May bisita tayo!" Napalingon kami sa pinanggalingan ng boses, si Phoenix iyon.

"Pakibantayan na muna si Uriel. TingnaN ko lang kung sino ang bisita namin." Paalam n'ya at saka n'ya inabot sa akin ang tsupon ni Uriel.

Naiwan na kami ng bata sa kwarto, pero bigla itong umingit hanggang sa humikbi na ito. Nataranta ako kaya naman binuhat ko na lang ito para ihele.

Malaking bulas si Uriel kaya naman ang limang buwan n'yang gulang ay mapagkakamalan ng anim o pito sa haba nito.

Napangiti ako habang karga s'ya, natahimik ito at natulog ng muli.

'Ganito rin kaya ka-cute ang magiging anak ko?'

Sana, kung magkaka-anak lang din ako, sana ang ama n'ya ay si...

'Teka? Nasaan na 'yung bruhang iyon?'

Lumabas ako karga ang natutulog na si Uriel. At pagkakita ko sa mag-asawang kapwa naka-upo sa couch at nakatingin sa kung sinuman ng puno ng pag-aalala ay tinawag ko ito.

"Ange." Tawag ko sa kaibigan ko.

Pero sa hindi inaasahang pangyayari, isang hindi inaasahang tao ang nasa harapan ko ngayon.

"Raphael?"

Loving A Psycho (Cross Enterprise Series #3) | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon