Chapter 3

235 12 6
                                    


"CAN someone tell me what is the meaning of a verb ?" Tanong ko sa mga mag-aaral ko bilang oral recitation na rin para sa nalalapit nilang final examination sa darating na March .

As a star section adviser , lahat ng pressure ay nasa akin . Pero hindi ko hinahayaang hilahin ako pababa ng pressure na ito . Oo , maaaring baguhan pa lamang ako pero agad akong naka-angat sa karamihan dahil naging adviser agad ako ng star section ng grade three students dito sa Rizal Memorial Elementary School hindi dahil sa koneksyon at dahil sa pang-aakit ko kuno sa mga head kundi dahil sa pagsisikap at pagti-t'yaga ko . Kaya pinagbubuti ko talaga ang lahat para lang walang masabi ang magiging guro nila pagdating ng oras na makalipat na sila .

Dati , ang pagtuturo sa akin ay dahil sa impluwensya ng kaibigan kong si Angelica na napakahilig sa bata . Pero ngayon , nag-iba na ang lahat , I want to teach this kids dahil gusto kong malayo ang marating nila . Dahil aminin ko man sa hindi pero mahal ko ang mga estudyante ko .

Minsan , pupuntahan ako ng mga students ko na graduating na para magpasalamat . Pero wala akong dapat na matanggap mula sa kanila na kahit ano pa , dahil ang mapagbigyan lang ako na turuan sila ay sapat na para ako ang magpasalamat sa kanila .

"Verb is a word that describes the action of the noun ." Sagot ni Lyka .

"Very good. " Puri ko dito at saka nagtawag muli ng ipapa-recite amit ang flash cards na may pangalan ng mga estudyante ko . "Krista , can you give me some examples of verb ?" Tanong ko dito .

Tumayo si Krista na pumapangalawa kay Pedro sa buong seksyon . "Do , ride , hug , bow and cook ." Sagot nito na taas-noo .

"Good ." I shuffled the flash cards and pick another name . "Tiffany . Can you please tell me what is noun ?"

"Noun is the subject in a sentence , it may be a name of a person , thing , place , and events ." Napalingon kami sa sumagot at isang matangkad na lalaki ang nakatayo sa may pintuan ng kwarto . His hair is blonde while his eyes are blue . Matikas ito at gwapo na para bang nagkatawang-tao itong si Don Juan ng Ibong Adarna .

Tumikhim ako at nag-iwas ng tingin . Sino ba itong asungot na ito ?

"Excuse me ? Who are you ?" Tanong ko dito pero hindi ito sumagot . Pumasok lang ito at umupo sa bakanteng upuan ng estudyante kong absent .

"Sir. Kayo po 'yung Manong na nagpabigay ng bulaklak kay Ma'am , 'di ba ?" Tanong ni Shiela na ikinasamid ng lalaki .

Napatingin ako dito at kita ko ang pag-iwas ng tingin n'ya . He is mumbling words na hindi ko maintindihan .

"Kung ikaw ang nagpadala , salamat ." I simply thanked him then faced my students na mukhang alam na ang salitang kilig sa murang edad .

I am not into this , flings , courtship , commitments and relationship . Panira lang ito ng mga plano ko sa buhay , panira lang ito sa lahat .

I shuffled the flash cards and pick a name from it . "Pedro , can you please compose a sentence with verb and noun in it ?"

Tumayo si Pedro at saka nagsimula na itong magsalita . "Ms. Kendrick is so professional in teaching her students ." Anito na ikinangiti ko .

"Xyrine , what is the noun in Pedro's sentence ?" Sinenyasan ko si Pedro na umupo na after marking his flash card .

"Ms. Kendrick po ." She answered .

"Bryan , what is the verb in the said sentence ?"

"Teaching po Ma'am ." Sagot nito .

Napangiti ako dahil alam ko , alam kong wala ng makakapigil pa sa mga estudyante ko para makapasa sa final exam . "Do you have any questions about the final exam ?" Tanong ko .

Loving A Psycho (Cross Enterprise Series #3) | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon