MABILIS lang na lumipas ang panahon.Lahat ng bagay ay may katapusan, lahat ng tao ay kailangan na ring magpahinga at piliing ika'y iwanan. Hindi patungkol sa saya ang buhay, mayroon ding sakit na iyo'y matatamasa. Sakit na magpapatibay sa iyo bilang tao, sakit na magiging dahilan para ika'y magpatuloy at bumangon.
Mag-iisang taon na rin ang nakalipas mula nang huli kaming magkasama ni Angelica. Naging abala ako dahil sa biglaang pagsabak sa akin ng aking lolo sa negosyo nang buong pamilya. Hindi na ako nakabisita pa sa kan'ya at nakibalita, pero alam ko, na sila na ni Phoenix at nagbabalak na rin na magsimula nang bagong buhay na magkasama sila bilang magkatuwang.
Napabuntong-hininga ako habang pinagmamasdan ang mga papeles sa aking harapan. Sa loob ng mga panahon na nakatuon ako sa gusto nang aking lolo, mabilis kong natutunan ang lahat. Pero hindi ko naisip na isang malaking hakbang pala ito mula sa aking propesyon na pinili ko nang iwanan.
"Ms. Kendrick, Sir Enrique is here." Sabi nang sekretarya ko mula sa intercom.
Napabuga ako ng hangib at saka ako tumayo mula sa aking swivel chair at kunin ang hand bag ko mula sa isang upuan na malapit sa aking lamesa. Tiningnan ko muna ang aking sarili sa salamin sa aking lamesa at saka inayos ng kaunti ang aking itsura.
I am wearing a black turtle neck dress na may maluwang na long sleeves. Nakasuot din ako nang kulay itim na five inches stilletos na pumapares naman sa damit ko. Inayos ko rin ang mga nakalaylay na hibla nang buhok ko mula sa pagkaka-ponytail ng buhok ko. Medyo makapal na rin ang lipstick ko na kulay pula.
Naisip kong madami na pala ang nagbago. Lalo na 'yung pagkawala nang mga mahal namin sa buhay.
Pinilig ko ang aking ulo at huminga nang paulit-ulit bago ko hinarap ang direksyon papunta nang pintuang palabas ng aking opisina. Sinalubong ako ni Enrique na tipid na nakangiti sa akin.
"Hi 'teh." Bati nito sa akin. Tumango lang ako at saka hinarap ang sekretarya ko na pinapanuod kami.
"Kung sino man ang maghanap sa akin, tell them to get their own appointment. Pag personal naman, tell them to come back tomorrow. I will spend my time with my family." Bilin ko rito.
Yumukod ito sa akin at nakangiting sumagot sa akin. "Yes, Ma'am!"
Tumango lang ako at saka ako nagpatiuna sa paglalakad kasunod si Enrique at ilang bodyguards namin.
May pupuntahan kasi kami na importante. Kasing importante nang kompanyang ito. Ang Maximus Royale Shipping Line ang kompanya na pinamana sa amin ng mga lolo't lola namin bago nila kami tuluyang iwan isang buwan na rin ang nakakalipas.
Noon ko lamang napagtanto kung bakit ganoon na lamang ang kagustuhan ng aming lolo na si Maximus Kendrick na pag-aralan ko ang negosyong ito, dahil pahiwatig nila iyon na malapit na silang mawala sa mundo at nakakasama lang ng loob na wala kami sa kanilang tabi nang mamaalam sila sa mundo.
Si Kuya Cairo dapat ang hahawak ng MRSL kung hindi nito mas pinili ang propesyon na nais n'ya. Si Enrique naman ay masyado pang bata para humawak ng ganitong klaseng negosyo.
Pagkababa ko nang kotse ay inalalayan na agad ako nang kapatid ko na si Kuya Cairo. Nakapormal itong tuxedo habang seryoso lang itong nakatanaw sa kawalan, alam ko na close n'ya sila lolo at lola kaya ramdam ko rin ang paghihinagpis n'ya sa pagkawala nila.
Kapwa kami humarap sa dalawang puntod na magkatabi, inilapag ko ang basket ng bulaklak sa tapat ng kanilang mga lapida at saka pumikit ako upang mataimtim na manalangin para sa kanilang mga kaluluwa.
"Alam ko na masaya na kayo kung nasaan man kayo. Lolo, lola maraming salamat sa lahat-lahat. Alam kong hindi ako perpektong tao pero pinadama n'yo sa akin na perpekto ako gaano man ako ka imperpekto sa mata ng mga tao. Mamimiss ko kayo lolo, lola. Magpahinga na kayo dahil oras na rin na ako na ang mag-alaga sa mga kapatid ko na alam kong nagluluksa rin sa pagkawala n'yo. Mahal na mahal ko kayo, lolo at lola. Salamat sa lahat." Panalangin ko at saka ko binuksan ang aking mga mata na ang kaharap ko na ang kanilang mga lapida.
Gusto kong umiyak pero kabilin-bilinan ng lola kong si Gracelyn Kendrick na ayaw n'yang may umiiyak. Kaya naman, kailangan kong lunukin lahat ng kalungkutan ko na gusto nang sumambulat sa pamamagitan ng mga luha ko.
"Okay ka lang?" Tanong ni Cairo sa akin habang nakaharap pa rin s'ya sa mga lapida.
Tumango ako at saka tumikhim bago magsalita at s'ya'y harapin. "Don't you worry about me, Kuya Cairo. Okay lang ako." Sabi ko rito at saka ako tumingin sa bughaw na kalangitan. "Sa tingin mo? Pag nakuha ko ba ang deal na iyon, matutuwa kaya sila lolo at lola?" Tanong ko rito na ang tinutukoy ay ang isang malaking shipping deal ng isang malaking kompanya na gusto nang partnership sa kompanya namin.
"Kailangan mo ba nang tulong?" Tanong sa akin ng kapatid ko.
Umiling ako bilang pagsagot pero sa totoo, kaialangan ko nang tulong, hindi sa trabaho kundi sa mga bagay-bagay na gumugulo sa isipan ko. "No need. Kaya ko pa naman."
Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Cairo kaya naman napatingin ako rito. Bakas sa mukha nito ang pag-aalala at lungkot, gayundin ang pangungulila. "Namimiss ka na ng Pilipinas, Hail. Umuwi ka na muna kahit once a month lang oh. Nag-aalala na ako lalo na at magkahiwalay tayong dalawa."
Ngumiti ako dahil ramdam ko ang pag-aalala n'ya sa akin pero sinumpa kong hindi ako uuwi ng Pilipinas hanggang sa dumating ang oras na may magawa akong malaki sa kompanya, lalo na ang parating na deal na kasalukuyan kong inaasikaso.
"Mukhang wala akong magagawa kundi ang papuntahin ang pinagkakatiwalaan ko sa kaso mong iyan. Asahan mo s'ya next week, at sana maging okay ka na sa presensya n'ya."
"Don't be a worrywart, Kuya Cairo. Hindi bagay sa'yo." Pabiro kong saway rito.
We spend that day and night bonding, kumain kami sa labas at namasyal. Napapangiti na lamang ako sa tuwing magbabalik sa aking balintataw ang kanilang masasayang mga mukha. Mga mukha na hindi ko na naman makikita sa loob ng ilang buwan at taon dahil sa pagpili ko na manatili rito sa Amerika para sa MRSL na sa katunaya'y isang sikat at malaking kompanya na sa buong mundo. The company may not need a rookie like me, but I can tell that an under dog can still achieve the impossible things human can't imagine. At isa na ang pag-close ko nang The Ozone deal ngayong darating na Miyerkules.
"Ma'am, you have a visitor." Napatigil ako sa pagbabasa nang papeles sa sinabi nang sekretarya ko.
Sino naman? Wala naman akong inaasahang bisita ah?
"Anong kailangan? Personal o business issue?" Tanong ko rito.
Naiirita na kasi ako sa sekretarya ko. Hindi ko malaman kung tulog ba ito aa tuwing magpapaliwanag ako nang dapat nitong gawin pero palagi na lamang kaming ganito. Parang back to zero tulad noon.
"Personal Ma'am. He said that Mr. Cairo Kendrick sent him here." Anito kaya naman napa-ayos na ako nang upo.
"Let him in." Sabi ko at saka inayos ang aking sarili. Bahagya pa akong napahikab dahil ilang gabi na akong walang tulog kakaaral sa mga dapat kong pag-aralan para sa meeting ko with the The Ozone CEO.
The Ozone is a well-known company. Hindi lang sa Amerika kundi pati sa Asya. They are into car, apparels, and furnitures industry kaya naman todo effort talaga ako para makuha ko ang deal na ito.
Bahagya kong hinilot ang sentido ko nang bumukas ang pinto. At sa paglingon ko, agad na umawang ang labi ko sa isang hindi inaasahang panauhin.
"Hi." He said with his famous yet rare charming smile.
I feel my heart started to pound fast. I am breathless with his simple smile.
Shucks! Anong nangyayari sa'yo?
"R-Raph?" Tawag ko rito.
Ngumiti ito na sinundan ng makalaglag-panty nitong pagkindat. "Long time no see Naomi."
Ano ito?!
BINABASA MO ANG
Loving A Psycho (Cross Enterprise Series #3) | Completed
RomanceBEST BLURB from DAISY BOOK AWARDS 2020 Genre: Romance Sa dami ng mga kaso na lagi na lang hinahawakan ni Raphael , isa lamang ang naging kakaiba na gusto n'yang humagalpak ng tawa . A woman walked inside his clinic with her hilarious case . Alam n'y...