"SIGURADO ka ba na okay ka na ?" Nag-aalalang tanong sa akin ni Kuya Cairo .Tumango ako bilang sagot at saka muling nagtalukbong ng kumot . Hindi pa rin kasi akk nakakamove on sa mga nangyari sa akin .
Sino ba kasing hindi mabibigla na ang pinakagusto mong gawin sa buong buhay mo ay inilayo sa'yo dahil sa pakikipagsabwatan ng taong ginagalang mo ?
But in the brighter side , nalaman ko kay Kuya Cairo na matagal na akong binabantayan ni Raphael , ang psychiatrist na tinawanan ako dahil sa problema ko noon kay Billy . Matagal na raw itong nasa Pilipinas mula Spain , at ang dahilan ng pagbalik nito ay para makabawi sa akin .
Gusto kong kiligin pero may parte sa akin na taas-noong sinasabing , dapat n'ya lang gawin iyon dahil nagkasala s'ya . But I can't help but to smile ng marinig ko ang mga katagang iyon sa kan'ya tatlong gabi na ang nakakaraan .
"Ilabas mo na ang lahat ng saloobin mo . Alam kong nagkamali ako noon , pero nandito ako , kasama pa ang mga pinsan ko para lang suportahan ka at bumawi sa mga nagawa ko ."
He is like a living prince charming in a shining armor sa mga sinabi n'ya pero , tama lang naman siguro na manatili lang akong ganito hindi ba ? 'Yung walang pakialam sa mga lalaki ? Pero bakit ganu'n ? Parang nagbabago ang ihip ng hangin sa tuwing maaalaa ko ang mga kataga na binitiwan n'ya nu'ng gabing iyon ?
I shake my head to erase all those thoughts . Pero agad akong tumigil ng mapagtanto kong wala na pala akong gagawin sa araw na iyon at sa mga susunod pang araw .
Kring ! Kring !
Napabalikwas ako upang sagutin ang tawag . I saw her name na nagpangiti sa akin .
"Oh , Ange napatawag ka ?" Masigla kong bati rito .
"Kumusta ka na ? I missed you already Hail ." Anito na nagpangiti sa akin .
"Ano namang problema mo at napatawag ka sa akin ?" Pagtataray ko rito pero tumawa lang ito .
"Mr. Chairman told me na magbakasyon daw ako ng isang buwan . Anong gagawin ko ?" Pagmamaktol nito .
Angelica is the kind of person na mas gugustuhin pang maging abala kaysa sa magpahinga . Workaholic s'ya kahit pa ubod na ito ng yaman . She was my schoolmate since high school . OB Gynecology ang course na ti-nake n'ya samantalang ako ay Education .
"Edi magbakasyon ka . Anong problema doon ?" Rinig ko ang pagbuntong-hininga nito .
"My life sucks ." Anito kaya naman ay may naisip na akong pwedeng gawin na pwedeng magbigay sa amin ng solusyon sa mga problema namin .
"Pupunta ako d'yan . Then , pumunta tayo ng Japan ." I said that made her silent .
"P-paano 'yung --"
"Don't mind it Ange . Ang mahalaga ay makapagrelax tayong pareho ." Putol ko sa sasabihin nito then I ended the call to prevent myself to hear her complain and object .
Tumayo ako at saka naghubad para maligo , tumalikod ako sa harapan ng life-size mirror ko at pinagmasdan ang tattoo ko na apat na taon ng nasa likuran ko . Ngumiti ako ng mapait , dahil remembrance ang tattoo na ito sa mapait na nangyari sa buhay pag-ibig ko noon . Hindi iyon kalakihan pero sapat na ang laki nito para mapansin ito ng walang kahirap-hirap . It's a tribal tattoo of a rose na sumisimbolo sa pagmamahal ko na nasira noon at nag-iwan ng malaki at malalim na pilat dahil sa matinik na katotohanan ng pag-ibig .
I dialed Paul's number at saka nagpatulong para sa mabilisang pag-alis ko patungong Madrid .
"You can use my private plane ." Alok ni Paul .
BINABASA MO ANG
Loving A Psycho (Cross Enterprise Series #3) | Completed
RomanceBEST BLURB from DAISY BOOK AWARDS 2020 Genre: Romance Sa dami ng mga kaso na lagi na lang hinahawakan ni Raphael , isa lamang ang naging kakaiba na gusto n'yang humagalpak ng tawa . A woman walked inside his clinic with her hilarious case . Alam n'y...