Chapter 27

100 6 5
                                    


"RAPHAEL?" Tawag ko rito.

Halata sa kan'yang mga mata ang pagkabigla, at hindi ko maitatangging ganu'n rin ang aking nadarama sa mga oras na ito.

I came here to unwind mula sa walang katapusang trabaho ko sa opisina. Pero ito ako ngayon, kaharap ang lalaking nagpapagulo rin sa sistema ko sa mga oras na pilit kong inaabala ang aking sarili.

Ayokong masaktan ang kaibigan ko pag mas pinili ko si Raphael kaysa sa aming pagkakaibigan. Lalo na at may gusto pala siya kay Raphael. Ayokong masaktan si Paul. Kahit na sabihing kakailanganin kong isakripisyo itong nararamdaman ko kay Raphael.

"Sa sinasabi mong iyan sa akin Hail. Hindi mo man lang ba tatanungin si Raphael? H'wag mo sanang isipin na magiging masaya si Raphael sa nais mo dahil sa pagmamahal mo sa kaibigan mo. Oo, kaibigan mo si Paul pero sa ginawa n'ya sa'yo, sa tingin mo ba, iniisip ka n'ya? Think about it Hail. Kapatid mo ako kaya ito ang sasabihin ko sa'yo bilang pagsuporta ko sa inyo ni Raphael, be selfish. H'wag mo ng ulitin ang ginawa ni Tito Michael, h'wag mo ng palampasin pa ang pagkakataong maging masaya ka."

Naaalala ko ang mga sinabi ni Kuya Cairo sa akin ng ikinuwento ko ang mga sinabi sa akin ni Paul noong mag-date kami ni Raphael.

'Do I really need to hurt someone to reach my hapiness?' I asked myself.

"You look good Naomi. Bagay sayo maging isang ina." I turned to Raphael na nakatingin sa akin,

"Itulog mo na 'yan Utak. Si Uriel ito, anak ko. Kaya h'wag kayo mang-ari ng anakng iba. Gumawa kayo!" Iritableng saway ni Angelica saka nito kinuha si Baby Uriel mula sa akin. At sa paglapit naming dalawa, kinindatan ako ni Angelica. "Oh s'ya maiwan na namin kayo, gagawa kami ni Phoenix ng baby number two." Sabi ni Angelica at ito namang si Phoenix nakangiting tumayo at sumunod na sa asawa.

Leaving me... With Raphael.

Alanganing kumilos ako para umupo sa isang couch pero ng lalagpasan ko na sana si Raphael ng agad ako nitong hinila at sinalo gamit ang mga bisig n'ya. Napa-upo ako sa may hita n'ya that makes everything for me feels awkward.

"R-Raph." Tawag ko rito pero sa halip na sumagot sa pagtawag ko sa kan'ya, niyakap n'ya ako at saka sinubsob ang kan'yang mukha sa aking balikat.

This position of us, I can say that it is really awkward. Nakaupo ako sa hita n'ya at s'ya namang yakap n'ya sa aking baywang. Para kaming... Mag-asawa.

Pakiramdam ko ay biglang uminit ang mukha ko. Am I blushing?

Pilit kong tinakpan ang mukha ko gamit ang mga kamay ko pero mahigpit na naka-ipit ito mula sa pagkakayakap sa akin ni Raphael.

'Oh holy crap! I'm trapped!'

"Don't cover it sweetheart. You're cute when you blush." Pakiramdam ko ay tumigil ang lungs ko sa pag-iinhale ng oxygen sa sinabi nito.

'Ohmooo! Walang ganyanan Cerebro kinikilig ako!'

"I love you Naomi. I really love you sweetheart. Please h'wag mo na akong layuan. Ikamamatay ko." He emotionally said habang nakasubsob pa rin ang mukha nito sa balikat ko.

Parang pinipiga ang puso ko ng maramdaman ko ang labis napaghihirap, lungkot at pangungulila sa boses ni Raphael. At para rin itong dinudurog sa isiping ako ang dahilan nito.

"Tell me what's wrong. Babaguhin ko anuman iyon. Just please, don't leave me hanging Naomi. Please." Pagmamakaawa nito at saka ko naramdaman ang pagyugyog ng balikat nito na senyales na umiiyak ito.

I bit my lip to surpress all the tears by watching Raphael crying for me. Doon ko napagtantong, hindi ko kayang saktan o pakawalan man lamang si Raphael.

I'm already fallen for him. I'm already fallen inlove with him to thr fact that I don't know how to get up anymore from this feeling I have for him.

Tama si Kuya Cairo. You needed to be selfish from time to time for you to be able to gain what is your happiness. At sana, makamtan iyon ni Paul na hindi kailangang umabot sa puntong kasuklaman n'ya ako dahil sa pag-ibig ko sa lalaking ninanais n'ya.

And my happiness is infront of me. Hugging me so tight and crying for me. The man who conquered everything even his biggest fear just to be with me and make me happy. The man who did some creepy stuffs just to see and stalk me. This man whom I see myself with for the rest of my life. The man who is named as Raphael Cerebro Cross, the only one.

Tinanggal ko ang pagkakapulupot ng braso nito sa aking baywang. Ramdam ko na nalungkot ito ng husto pero sa halip na hayaang may tumulo muling luha sa kan'yang maiitim na mga mata ay dumukwang ako at hinalikan s'ya. Naramdaman ko ang kan'yang pagkabigla pero agad din itong sumagot sa akin sa pamamagitan ng mahigpit na yakap at mapusok na halik.

I moan for the taste of his soft lips but I just ignore what idea popped in my mind dahil ayokong isipin naman n'ya na basta-basta lamang ako na pag hinalika'y bibigay na sa kama at bubukaka.

'Dalagang Pilipina ako 'nuh?'

"I love you Naomi." He said huskily and I find it sexy.

Pinakatitigan ko ang mga mata n'ya na matiim na nakatitig sa akin na tila naghihintay ng kasagutan. Hahalikan ko pa sana s'ya ulit dahil para akong naadik sa labi n'ya pero pilit n'ya akong nilalayo dahil sa kasagutang alam ko na gusto n'yang marinig.

Hindi lang ito ang una naming halikan pero nakakaadik kasi talaga. Pero ito s'ya ngayon, parang birhen na ayaw magpahalik sa akin.

"Pa-virgin ka pa? Ang arte mo ako na nga ang hahalik sa iyo." Reklamo ko.

"Virgin pa ang eyes ko 'nuh. Ni-rape mo nga labi ko eh 'yan tuloy hindi na s'ya virgin." Anito na ikinatawa ko. "Anong nakakatawa?" Tanong nito na lalong nagpalakas sa aking paghalakhak. "Ano nga kasi? Pag hindi mo sinagot kung ano nakakatawa, hindi kita lalahian bahala ka d'yan." Anito na ikinairap ko.

"Bakit? Anong akala mo sa sperm mo? Dugong bughaw? Ano ka alien? Ano bang mahihita ko sa isang tulad mong sinasaltik pag nalahian mo ako, aber?" Tanong ko rito.

"Madami." Tipid nitong sagot.

'Ang hangin.'

"Tulad ng?" Tanong ko.

"Gwapong anak, syempre--"

'Jusme! Nasobrahan!'

"-- gwapong asawa--"

'Hindi rin bilib sa sarili eh 'noh?'

"-- masaganang buhay--"

'Edi ikaw na may pera.'

"-- at... Buhay na kasama ako na magmamahal sa iyo, magiging tapat at magiging iyong personal na alipin na susunod sa iyo habambuhay."

I look at him and I saw that behind his exhaustion, is the love and honesty with his words.

"Raph." Tawag ko rito.

"Mahal na mahal kita Naomi. Ngayon lang ako naging cheesy at corny sa tanang buhay ko. At ngayon lang ako naniwala sa pagmamahal, ngayon lang at dahil iyon sa iyo mahal ko. Please, answer me if you--"

"I love you."

A.N: Abangan ang nalalapit na pagtatapos ng Loving A Psycho... Thanks for the support.

Loving A Psycho (Cross Enterprise Series #3) | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon