PAGKAPASOK ko nang meeting room ay sumalubong sa akin ang isang matangkad na lalaki, isang matandang lalaki at isang bata at sexy na babae. I assume they are the people of The Ozone na haharap sa akin. Nakangiti pero seryosong nakatingin sa akin ang lalaking matangkad. Wala akong kilala sa kanila dahil pangalan lang nila ang alam ko. Pero I don't who is who.I bowed in front of them to give some respect like my lolo taught me. "Everyone deserves to be respected regardless to his/her imperfections."
"Good morning, I am the CEO of the Maximus Royale Shipping Line. I am Naomi Hail Kendrick." Pakilala ko sa aking sarili, tumango-tango ang matangkad na lalaki at bumaling sa matandang lalaki na kan'yang katabi.
"She's pretty." Bulong n'ya sa matanda na walang sawang tumango-tango lang. Bumaling itong muli sa akin at maluwang na nginitian. "I am The Ozone's CEO. I am Theodore Becker. Call me Theo for short." Pakilala nito kasabay nang paglahad n'ya nang kamay.
I accepted it and we shaked hands.
Pero sa sandaling nagdikit ang kamay nami'y nag-iba na ang timpla ko nang may maramdaman akong hindi maganda sa paghawak n'ya sa kamay ko. I looked at him with a simple smile bago bawiin ang kamay ko na parang gusto na n'yang iuwi.
Gwapo ka sana, kaso mukhang hindi tayo magkakasundo sa parteng iyan.
Inilabas ko ang mga papeles at kontrata tulad ng napag-usapan namin. Pero ganu'n na lang ang pagtataka ko nang hindi iyon galawin ni Theo. Tiningnan ko s'ya at ganu'n na lang ang pagkagulat ko nang makita sila nang babae na naghahalikan sa harapan ko.
Ipinikit ko ang mga mata ko at hinilot ang sentido ko. Ganito na ba ang mga lalaki ngayon? Napaka-unprofessional pag may kasamang babae? Huminga ako nang malalim upang pakalmahin ang aking isip.
Theo Becker is known to be a playboy businessman. Kadalasa'y ginagamit n'ya ang pagiging lalaki n'ya para makuha ang nais n'ya, babae man o negosyo.
I am disappointed because of my grandfather's high expectation to this company. And the type of his schemes are pointing at me. All of his woman and I has a common denominator. At ayokong mabiktima nang ganito dahil gusto ko pang malaman kung ano itong nadarama ko kay Raphael.
Sa pagmulat ng aking mga mata ay sumalubong sa akin ang nakangising lalaki. Habang ang babae naman ay mukhang nabitin dahil panay ito yapos kay Theo na nakangisi naman sa akin.
Tumikhim ako at saka s'ya malamig na tiningnan. Ayoko kasi sa lahat ay ganito, bilib sa sarili dahil iniisip nila na sila ang mas nakakaangat sa amin. I don't like people who is mocking at me, I don't like people who don't know what are they're priorities. And all of that is pointing at the guy in front of me. At hindi ako plastik na tao para magkunwari na ayos lang ang ganitong gawain n'ya sa harapan ko. He may have done this to all of his meetings with female CEO's, hindi ito uubra sa akin dahil I am still not a fan of a specie called human males.
"Are you done?" I asked him coldly.
Mukhang hindi iyon in-expect ni Theo kaya naman napakagat-labi ito. Pero sino ba ang niloko n'ya? Alam ko na alam n'ya na kung gaano ako kapropesyonal sa maikling panahon ko na pamamalagi sa MRSL. And he is biting his lip just to seduce me. Pero wala iyong epekto sa akin, dahil iisa lang naman ang lalaking kilala ko na maaaring bumaliw sa akin sa simpleng gawaing ito, at ang lalaking iyon ay nasa opisina ko.
"If you're done, then let's finish this meeting. Sign the contra--"
"-- I will not sign the contract." Natigilan ako sa sinabi nito. Tiningnan ko s'ya at seryoso lang s'yang nakatingin sa akin. Ngumisi naman ako dahil sa totoo lang, inaasahan ko na ito base na rin sa pag-aaral ko sa pagkatao n'ya sa loob ng halos kalahating taon.
BINABASA MO ANG
Loving A Psycho (Cross Enterprise Series #3) | Completed
RomanceBEST BLURB from DAISY BOOK AWARDS 2020 Genre: Romance Sa dami ng mga kaso na lagi na lang hinahawakan ni Raphael , isa lamang ang naging kakaiba na gusto n'yang humagalpak ng tawa . A woman walked inside his clinic with her hilarious case . Alam n'y...