NAPABUNTONG-HININGA ako habang nakatingin sa kalangitan . Isinilid ko sa aking bulsa ang mga kamay ko habang ninanamnam ang malamig at sariwang hangin ng buong kapaligiran .Ano ba ang nagawa ko at bakit nararanasan ko ito ?
Muli akong napabuntong-hininga at saka napagdesisyunan ko ng pumasok sa loob ng tahanan ko .
Malapit na pala akong kumaway at mamaalam sa kalendaryo . Pero 'di tulad ng mga babae , hindi ako maghahabol sa edad ko para makahanap ng mapapakasalan . Hindi ako tulad ni Clovis at ni Phoenix na patay na patay sa babae , ang masaklap , iisa lang ang kanilang kinababaliwan .
Celine is beautiful , she is charming pero hindi na ako nangahas pa kahit crush ko s'ya noon . It's just a puppy love at hindi ako kailanman mapapaluhod ng mga babae na walang sawang nag-iinarte sa mga walang kwentang bagay .
No one can make Raphael Cerebro kneel and beg for mercy and that emotion I hated the most .
Ang tanging babae na minamahal ko , ay ang aming ina na si Lucille Dominguez . She will be my first and forever love -- if forever really do exist . I can't call myself as bitter , ayoko lang matulad sa pinsan at kapatid ko na hindi na pinaiiral ang isip dahil puro na lamang sila puso , puso , puso na walang ginawa kung hindi maghatid ng sakit sa mga tao .
I am logical , nothing more , nothing less . Kaya nga utak ang kahulugan ng ikalawang pangalan ko na Cerebro . I want to rule in the Psychiatry world like my number one Psychiatrist inspiration -- Johnathan Rotterdam .
"Anak , sa tingin mo , okay lang kaya ang kapatid mo ?" Nag-aalalang tanong ni Mama sa akin .
Bakas ang kaba at takot sa kan'yang mukha . Paano ba naman kasi ? Nagtago ang magaling kong kapatid at tinangay si Celine . Kaya naman galit na galit si Clovis na nagpunta sa bahay namin dahil nalaman nito na nagsisinungaling ako sa kan'ya na hindi ko alam kung nasaan naroroon si Phoenix . Alam ko na mali ako , pero kapatid ko si Phoenix , I will protect him kahit pa sabihing mali ang kunsintihin ito sa obsesyon nito kay Selena .
Selena and Celine is just a certain person , Abuelo kept her and betrothed with Clovis . Pero sa pagdating ng kan'yang ama , na-aksidente ito dahil din sa katangahang taglay ni Clovis .
"To be honest ? I don't know ." Pagtatapat ko sa aking Mama .
"Nasaan na ba kasi 'yang kapatid mo ?" Nanggagalaiting tanong ni Papa -- si Alfred Cross .
"Alam n'yo kung nasaan s'ya ." Sagot ko kay Papa na nagpatahimik dito . Tumayo ako at saka naglakad pabalik-balik . I am frustrated . "Hindi ko lang maintindihan kung bakit baliw na baliw 'yang si Phoenix kay Selena . Ano bang meron at para bang mababaliw na ang kapatid ko pag hindi naagaw si Selena kay Clovis ?" Tanong ko sa mga magulang ko .
They both heaved a sigh , they are also frustrated . "It's love , anak ." Mama answered pero tumawa na lamang ako ng pagak .
"It's not love , Mama . I am a psychiatrist and I know that he is just obsessed with Selena dahil sa kabaitan nito . Wala ng iba ." Paliwanag ko kaya hindi na sila sumagot pa .
Umupo ako at napahilamos sa aking mukha gamit ang mga palad ko . Isa si Phoenix sa problema ko ngayon .
"Naturingan kang psychiatrist pero isa kang taong walang modo ! Malasain ka sana !!"
That girl .
Mula ng makilala ko ito , puro na lamang kamalasan ang nangyari sa buhay ko . Hindi man ako noon naniniwala sa swerte at malas , pero ngayon , magbabago na iyon dahil nangyayari na ang kamalasan na sinumpa n'ya sa akin nu'ng araw na iyon .
BINABASA MO ANG
Loving A Psycho (Cross Enterprise Series #3) | Completed
RomanceBEST BLURB from DAISY BOOK AWARDS 2020 Genre: Romance Sa dami ng mga kaso na lagi na lang hinahawakan ni Raphael , isa lamang ang naging kakaiba na gusto n'yang humagalpak ng tawa . A woman walked inside his clinic with her hilarious case . Alam n'y...