IBINABA ko ang aking gamit sa harapan ng bahay na matagal ko ng hindi nabibisita dahil sa dami ng aking ginagawa. Bumaba ako sa golf car na naghatid sa akin mula sa daungan at pinagmasdan ang kapaligiran. Mapait akong napangiti ng parang tubig na bumuhos ang lahat ng aking alaala sa lugar na ito."Daddy Michael!!" Masayang tawag ko sa aking kinikilalang ama na kapatid ng aking ama na si Guilford Kendrick.
Lumingon ito sa aking direksyon at masayang sinalubong ako ng mahigpit na yakap at halik sa aking pisngi. Hindi pa s'ya nakuntento at pinupog pa ako ng halik kaya naman ay napapikit ako at humagikhik.
Limang taon pa lamang ako ngayon at mas masasabi ko na mas close ko ang tiyuhin ko kaysa sa sarili kong ama. Lagi kasi itong... mailap sa akin.
"Ang aga mo naman nagising aking prinsesa. Kumusta ba ang naging tulog mo?" Magiliw nitong tanong.
Mula noon, dito na sa isla nanirahan ang aking tiyuhin lalo na noong hindi s'ya siputin ng kan'yang magiging asawa sa mismong araw ng kanilang kasal sa hindi malamang dahilan. At kada dadating naman ang bakasyon, pumupunta ako rito para makasama s'ya.
"Mas gusto ko sana Daddy na katabi kita. Kaso umalis ka kaya ayan tuloy, may itim itim na mata ko." Pagpapaawa ko dlrito kaya naman tumawa ito na lalong nagpahaba sa nguso ko.
"Sorry na aking prinsesa. Huwag kang mag-alala dahil hindi na iyon mauulit." Anito kaya naman ay niyakap ko ito, naramdaman ko na parang nagulat ang tiyuhin ko pero niyakap n'ya rin ako pagkatapos.
Masasabi kong ang mga panahon na iyon ang pinakamasayang alaala na mayroon ako bago s'ya nawala na parang bula.
Taon-taon, sinisikap ko na bumisita para masilip ang kabahayan at ang pag-asa na makikita s'ya rito sa paborito n'yang lugar. Pero taon-taon, palagi akong nabibigo at nawawalan ng pag-asa.
Mula ng dumating ang batang lalaking iyin sa buhay namin, matapos ang taong iyo'y hindi ko na s'ya nakita na ikinalungkot rin ng aking lolo at lola.
Noong lamay at libing nila, umasa pa rin ako na darating s'ya. Pero wala pa rin. Wala ni anino n'ya.
"I am sorry Mistress but Master Michael isn't here yet." Pilit akong ngumiti kahit gusto ko ng umiyak.
'Bakit wala pa rin s'ya? Nasaan na ba s'ya?'
I really missed my Daddy Michael.
"It's okay, I want to stay here for a week because my life in the city is kinda toxic." Pilit akong ngumiti sa mayordoma na si Miss Raquel na siyang namahala sa pangangalaga sa bahay ng aking tiyuhin.
"Okay, Mistress Hail, please let me assist you. And please enjoy your vacation." Nakangiti nitong saad.
Pagkapasok sa kabahayan ay pinigil ko ang sarili ko na maiyak dahil ang buong kabahayan ay nanatili sa kung ano ito noong una ko itong nakita.
Ang buong araw ko ay inubos ko sa paglalakad-lakad sa paligid. Umaasa pa rin na magisnan ko ni anino ng aking tiyo.
"Nasaan ka na ba kasi Daddy Michael?" Tanong ko sa hangin habang pinagmamasdan ang dalampasigan na nakapalibot sa buong isla.
Wala pang isang minuto'y nakaramdam ako ng presensya at nakarinig ako ng kaluskos mula sa mga halamanan. Nagpalinga-linga ako habang kumakabog ng malakas ang aking dibdib. Kinakabahan ako, na baka may biglang lumabas mula sa mga ito at bigla akong...
"Aahhh!!" Sigaw ko ng may ahas na biglang lumabas sa halamanan at kagatin ako sa aking braso na aking hinarang sa aking mukha.
Aabutin ko sana ito para hilahin paalis sa akin ng may nauna nang gumawa nito para sa akin. Pero hindi ko na nasilayan ang mukha nito, tanging pamilyar na pigura na lamang ang aking naaninag sa lumalabo ko ng paningin. Ang pigura na matagal ko ng hinihintay at hinahanap, ang taong matagal ng nawalay sa aming pamilya. At ang tanging tao na bukod sa aking mga kapatid at ina, ay minamahal ako ng sobra-sobra.
"SIGURADO ka ba sa nalaman mo, Raph? Siya talaga 'yung babaeng iyon?" Hindi makapaniwalang tanong ni Leonard.
"Ay hindi, hindi ako sigurado. Kakasabi ko lang 'di ba na s'ya nga?" Iritado kong singhal dito.
Mula nang madiskubre ko na si Naomi nga ang batang si Naomi na nagligtas sa akin mahigit dalawampung taon na ang nakakalipas, ay hindi na ako natahimik. Lalo na ng malamab kong umalis ito bigla pagkatapos ng kasal nila Angelica at Phoenix.
"Pasalamat ka mabait ako, kung hindi inuntog ko na iyang ulo mo." Sabi ni Leonard pero inirapan ko lang ito saka tinungga ang serbesa na nakahain sa aking harapan.
"Saan 'yung mabait? Nasa ingrown mo?" Pamimilosopo ko.
"Na-ah, I am kind, and not just in my ingrown, its all of me." Pagmamayabang nito.
Umakto ako na masusuka na sinundan ng malakas na pagtawa. Tumingin sa akin si Leonard na nakakunot ang noo.
"Bakit ka tumatawa?" Tanong nito kaya naman lumakas lalo ang pagtawa ko.
"You mean... may ingrown ka? Ako na naaawa sa ingrown mo kasi sa'yo s'ya tumubo." Ganti ko rito at nakita ko ang halos pag-usok nito sa sinabi ko kaya naman mabilis akong kumaripas ng takbo palabas ng bahay.
Natigilan ako ng nakalabas na nga at ng salubungin ako ng malamig na ihip ng hangin. Napahawak ako sa dibdib ko kung nasaan naroroon ang bahagi na tumitibok at nakalaan para lamang sa kan'ya.
Kinakabahan ako, natatakot ako sa hindi malamang dahilan.
Tumingala ako at pinanuod ang pagkuti-kutitap ng mga bituin sa madilim na kalangitan.
'Naomi, ayos ka lang ba? Nasaan ka na ba? Namimiss na kita. Sana, magpakita ka na.'
Hindi ko man gawain, nanalangin ako sa Maylikha na panatilihing buhay at maayos ang lagay ng babaeng nagpatibok sa aking puso. Dahil hindi ko alam kung anong mangyayari aa akin, pag nawala pa s'ya sa akin.
Kamalian ang layuan s'ya dahil sa takot ko at sa mga bagay na hindi ko makontrol. Naniniwala ako, na si Naomi lamang ang gamot para maibsan na ang sakit na nadarama ko sa loob ng mahabang panahon.
At kung mabigyan man ako ng pagkakataon na muli s'yang mayakap at makasama, hindi na ako magpapabebe pa, hindi ko na s'ya pakakawalan habang ako ay humihinga.
BINABASA MO ANG
Loving A Psycho (Cross Enterprise Series #3) | Completed
RomansBEST BLURB from DAISY BOOK AWARDS 2020 Genre: Romance Sa dami ng mga kaso na lagi na lang hinahawakan ni Raphael , isa lamang ang naging kakaiba na gusto n'yang humagalpak ng tawa . A woman walked inside his clinic with her hilarious case . Alam n'y...