Chapter 23

99 5 23
                                    


ILANG beses pa akong napalunok habang tinitingnan ang karagatan. Nasa Amerika ako at pupunta ako ngayon sa isang pribadong isla na sakop nito kung saan naroroon si Naomi.

"Sigurado ka ba talaga sa gagawin mong ito, Sir? Alam naman natin na--"

"H'wag kang mag-alala. Kakayanin ko ito para lang makasama s'ya." Putol ko sa sinasabi ni Zandra na halata ang pag-aalala sa mukha.

Hindi ko naman s'ya masisisi, dahil sa tagal ng paninilbihan n'ya sa akin bilang private investigator, ay alam na n'ya ang tungkol sa phobia ko na nagsimula mahigit dalawampung taon na ang nakakalipas.

"Ganoon ba s'ya kahalaga para ibuwis mo pa ang buhay mo makasama lang s'ya?" Malungkot na tanong ni Zandra.

"Oo Zandra, sobrang halaga nga n'ya." Sagot ko rito.

"Paano kung... hindi kayo pareho ng nararamdaman? Anong gagawin mo Sir?"

I smiled and look at this blondie with a pair of rare gray eyes girl. I pat her shoulder before returning my gaze to the blue sea.

'Paano nga ba kung hindi tugma ang aming nararamdaman?'

"Hahabulin ko s'ya saan man s'ya magtungo. Patutunayan ko sa kan'ya ng paulit-ulit na mahal ko s'ya. Hanggang sa dumating ang araw na, mahalin n'ya rin ako." Madamdamin kong litanya.

Nabalot kami ng katahimikan. Tanging alon lamang ng karagatan ang ingay na naririnig naming dalawa. Kung tutuusin, maganda ang karagatan pero kung hindi lang siguro nangyari ang aksidenteng iyon, siguro masaya akong naglalakbay sa ibabaw ng karagatan magpahanggang ngayon. Pero kung hindi rin nangyari ang aksidenteng iyon, hindi ko makikilala ang batang Naomi at ang lalaking iyon na kapwa sumagip sa buhay ko.

The accident may be a blessing in disguise. Nagka-phobia man ako, nakilala ko naman si Naomi.

"Patawarin mo sana ako sa gagawin ko Sir." Napatingin ako kay Zandra pero bago pa ako makapagsalita, I felt a pain in my neck before I turned unconscious.

'What the hell was it?'

HABANG nakaupo sa buhanginan, nakakita ako ng isang yate na papalapit sa daungan ng isla namin.

Kinabahan ako sa isipin na baka mga pirata iyon pero sa pagkakatanda ko, ang mga pirata ay hindi sumasakay sa mamahaling yate tulad ng nakikita ko.

Sa palabas nga na pinapanuod ko, nakakatakot ang mga barko nila, makalat at halata na walang babae sa kanilang crew kasi ang dugyot nila. Ang tanging kagandahan sa kanila ay 'yung crush kong aktor na kapitan nila.

'Wait lang. Ano bang connect ng babae sa kalinisan ng isang pirate ship?'

Simple lang, dahil mas madaming bahay na malinis at maayos dahil sa kalinisan ng mga babae. Kaya nga babae lang ang qualified na tawaging maid kasi nga babae lang ang magaling sa gawaing bahay. At proud akong... magaling ako magluto.

'Anong connect nu'n?'

"Hindi kasi ako magaling maglinis kaya nga magaling lang ako magluto." Nakanguso kong sagot sa tanong ng isipan ko.

Natigilan ako ng ma-realize ang ginagawa ko.

"Ah! Hindi porque dalawang araw na ang nakakalipas mula ng marinig mo ang boses ni Raphael ay magkakaganito ka na! You're already insane Naomi!" Litanya ko sa aking sarili.

Hindi ko na namalayan ang paglapit ng isang babae sa akin. Mahaba ang blonde na buhok nito at may makinis na balat, tan ito kaya naman nakaramdam ako ng hiya at inggit dahil sa ilang araw ko ng pananatili sa islang ito, hindi man lang ako tinatablan ng sunburn kahit nagbibilad na ako araw-araw. I looked at her red lips, pointed nose and gray eyes. Mapapa-sana all na lang ang blue eyes ko sa magaganda n'yang mga iris.

"Excuse me, ikaw ba ang babaeng ito?" Tanong nito kasabay ng paglahad nito ng isang papel na may pangalan at 1×1 picture.

Medyo na-disappoint ako dahil sa lahat ng pictures na ipapakita nila sa akin ay ang picture ko noong nagtatrabaho pa ako bilang isang guro. Naalala ko tuloy ang mga gunggong na pinagkaisahan ako.

Tumayo ako at doon ko napansing mas matangkad ako dito, dahil nakasuot ito ng five inches stilletos habang ako ay tsinelas lang kaya nagkapantay kaming dalawa.

Pinagpagan ko ang puwetan ko at ang aking buong palda na nalagyan ng mga buhangin saka ko s'ya hinarap na nakangiti. "Yes I am, I am Naomi Hail Kendrick. And you are?"

Inilahad nito ang kan'yang kamay kasabay ng pagpapakilala nito. "I am Zandra Denise Brace. I am Mr. Raphael Cross' employee." She said.

I awkwardly accepted her hands habang ang isip ko ay lutang kakaisip kung kaanu-ano ba talaga ito ni Raphael. I feel my chest is tightening kaya naman walang pasabing naghubad ako sa harapan n'ya leaving me with my bikini at saka ako tumalon sa tubig. I feel my body is hot and suffocated. Hindi ko alam pero nasasaktan ako, naiinis, at nayayamot. Is this what they call jealousy?

Zandra chuckled as she is watching me. I am about to ask her but a roaring voice of a familiar person stopped me.

"ZANDRA!! ANONG GINAWA MO?!!!!" Kasabay noon ay ang pagngisi ni Zandra habang nakatanaw sa yate kung saan naroroon ang lalaking sumisigaw.

She winked at me and say, "Don't be jealous. Our relationship is professional, nothing more and nothing less. Dinala ko lang s'ya rito despite of his thalassophobia dahil alam kong ikaw lang naman magpapatino sa may saltik n'yang utak. I used sedative para hindi s'ya mamatay sa paglalayag namin. Kaya, ikaw na bahala sa kan'ya, eeskapo na ako at baka masayang beauty ko na hindi pa nakakaranas magkaroon ng date." Anito sabay takbo papunta sa isa pang yate lulan ang isang lalaki.

'Teka, bakit parang nakita ko na ang lalaking iyon na kasama ni Raph at kasama sa kasal ni Ange?'

A man popped in my head. It's Raph's cousin, Apollo!

"ZANDRA! BWISIT KA!!" Umahon naman ako sa tubig at pinuntahan ang yate na lulan ang lalaki na mukhag tinalo pa ang leon sa lakas ng boses nito.

"H'wag ka ngang maingay. Dadayo ka na nga lang, mag-iingay ka pa sa isla ko." Masungit kong saway rito.

Humalukipkip ako habang pinapasadahan ako ng tingin ni Raphael mula ulo hanggang paa. I saw him gulped, once, twice, thrice and countless times ng dumako ang mga mata n'ya sa dibdib ko. Kinuha ko ang damit ko at ibinato sa mukha n'ya.

"Bastos! Walang modo! Manyak! Siraulo!!" Tili ko rito habang nag-iinit na ng husto ang mukha ko habang tinatakpan ko ang dibdib ko ng braso ko.

"Sorry na. Masyado kasing... malaki." Anito kaya naman lalong uminit ang mukha ko ng makita ang pilyong ngiti n'ya.

"Bwisit ka! Bumalik ka sa pinanggalingan mong manyak ka!!" Sigaw ko dito.

"Ano ka ba? Hindi na ako magkakasya sa t'yan ng nanay ko." Pamimilosopo nito.

"Bahala ka na nga d'yan. Maiwan na nga lang kitang manyakol ka." Sabi ko at maglalakad na sana ako pabalik sa bahay ng tumalon ito mula sa yate at mula sa likod ay niyakap ako nito ng mahigpit.

"Sorry na, hindi na mauulit. Hindi na kita aasarin kahit cute ka pa pag nagagalit. Hindi ko na pasasamain ang loob mo, mahal ko." Anito at para akong naestatwa sa mga sinabi nito. "I love you Naomi, I really do." He said as he turned me to face him before kissed me gently.

Pero hindi rin nagtagal ang mainit na halikang pinagsasaluhan namin ng makarinig kami ng pagtikhim mula sa likuran ko.

"Naomi, Raphael."

Para akong nasa horror movie na dahan-dahang lumilingon sa tiyuhin ko. 'Patay!'

Loving A Psycho (Cross Enterprise Series #3) | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon