Chapter 15

113 7 9
                                    


TAHIMIK ko lang na pinapanood si Naomi na abala sa mga papeles. Gusto kong tulungan s'ya dahil sa pagkansela n'ya mismo nang isang malaking deal sana sa kanilang kompanya. Pero hinihintay kong s'ya ang mag-open nito.

Nagtaka talaga ako noon ng pumasok ang sekretarya n'ya na sinasabing pinapapunta ako ni Naomi sa meeting room. Pero nu'ng makita ko na hawak s'ya nang mayabang na Theo na iyon, naramdaman ko na para bang gusto kong putulin ang kamay ni Theo at ipangsampal sa makapal n'yang mukha ang mga iyon. Kaya kahit papaano ay nagpapasalamat ako na pinatawag nila ako sa meeting room dahil napag-alaman ko rin sa sekretarya n'ya na isang sikat na babaerong businessman ang Theo Becker na iyon at ang target nito ay si Naomi.

Sino na ba kasi ang hindi mahahalina at matutukso sa babaeng ito? Eh sobrang sexy at ganda pa naman kahit sabihin pang prangka ito at may kagaspangan ang pag-uugali nito paminsan-minsan. She is perfect in my eyes.

Sa isang taon na hindi ito nagpakita aminado ako na hinanap-hanap ko ito. Aminado ako na namiss ko ito nang husto pero kailan lang ako sinagot ni Cairo na nasa Estados Unidos si Naomi at pinamamahalaan ang iniwang kompanya nang kanilang lolo at lola, ang sikat na shipping line sa mundo, ang Maximus Royale Shipping Lines. Tulad ng Cross Enterprise, kalat na rin ang MRSL sa mundo kaya naman hindi sila mahihirapan sa mga investors.

Pero nagkaroon ng problema noon ang MRSL dahil sa isang manlolokong investor. Rason na maaaring dahilan kung bakit inayawan ni Naomi ang The Ozone, ang isa sa malaking kompanya sa US dahil sa export products nito tulad ng pagkain, damit at iba pa. Nagkunwari lang ako na walang alam dahil alam kong mayabang ang Becker na iyon.

Gusto rin ng Cross Enterprise na magkaroon ng partnership sa MRSL. Kaso naudlot iyon ng mamayapa si Abuelo matapos ang unang kaarawan ng anak nila Clovis at Selena na si Calvin. At ngayon may pagkakataon na ako para matulungan si Naomi at ang kompanya naming dalawa.

"Okay ka lang ba?" Nag-aalala kong tanong dito.

Tumingala s'ya sa akin at pilit na ngumiti sa harapan ko. "Oo. Okay lang ako pero..."

"Pero ano?" Usisa ko.

Nag-aalangang tumingin sa akin si Naomi na parang may nagawa s'yang kasalanan. "I swear, wala sa plano na gamitin kita para makatakas kay Theo. Hindi ko naman kasi inaasahang dadating ka kasabay nang meeting namin eh. Sorry talaga."

Pinakatitigan ko s'yang mabuti bago ngumiti. I brushed her hair with my fingers at saka hinawakan ang baba nito at inangat ang tingin nito sa akin. "Don't worry too much Naomi. Okay lang sa akin iyon at alam ko naman na hindi mo iyon sinasadya." Sinsero kong pahayag.

Tiningnan ako ni Naomi na tila hindi makapaniwala kaya naman kinindatan ko ito na naging dahilan para sumilay ang mumunting ngiti sa kan'yang labi. "Sorry talaga ah?"

"Wala nga 'yon. At saka, nagpapasalamat pa nga ako na ako ang naisip mong ipatawag. Kinabahan talaga ako nu'ng malaman kong iyon pala ang lalaking kakausapin mo." Umupo ako sa couch na kaharap sa lamesa ni Naomi.

"Akala ko ba hindi mo s'ya kilala? Bakit parang kilalang-kilala mo s'ya?" Tanong ni Naomi na nagpangisi sa akin.

Sabi na nga ba't mag-uusisa ka.

"I know him, not personally. We are still in the same field. I am the CEO of Cross Chain of Hospitals and he is the CEO of The Ozone. Nasa medical field man ako, I am still a businessman kaya naman natural na kilala ko ang mga kompanya na nangangarap maging kalebel namin."

"Ang yabang." Umingos si Naomi kaya naman napatawa ako nang mahina, ang cute n'ya kasi pag ganito s'ya, nagrereklamo o kaya ay naiinis.

"Hindi ako mayabang, totoo kasi ang mga sinasabi ko." Depensa ko sa aking sarili.

Nangalumbaba s'ya at tumingin sa magandang skyscraper ng building. It's breathtaking dahil nakikita mo ang mga building na nakikipagtagisan sa taas.

"You know what? I have a proposal to you." Lumingon sa akin si Naomi na parang gulat na gulat.

And I know, matutuwa sina Clovis sa gagawin ko.

"On behalf of my cousin who is the main CEO of our company. I want to propose to you a partnership between Maximus Royale and Cross Enterprise." Kita ko ang paghigit ng kan'yang hininga sa aking sinabi. Tumingin s'ya sa akin na parang nagtatanong kung sigurado ba ako. Pero buo na ang loob ko. We really want MRSL's partnership noon pa man, at gagawin ko ito bilang handog sa namayapa kong Abuelo na si Charleston Rey Cross.

"Hindi nga?" Hindi makapaniwalang tanong ni Naomi.

"Don't worry, labas ang personal life natin dito. I am doing this for my late Abuelo." Nakangiti kong sagot sa kan'ya. "Pero, kailangang mag-date tayo pagbalik ko." Agad namang tumango si Naomi na ikinangiti ko pa lalo.

I received a text message na nagpasimangot sa akin. Inuutusan na naman ako ni Angelica. Bakit ba sa akin pinapadala ang mga tuyo na iyon mula sa Pinas? Umaabuso na talaga itong mga ito.

"BAKIT ba kailangang ako pa ang gumawa n'yan? Nakakairita kaya." Inis kong reklamo sa kapatid kong si Phoenix na tinatawanan lang ako habang kinukuha sa compartment ng kotse ko ang styro boxes na naglalaman ng mga tuyo na mula pa sa Pilipinas.

"Alangan namang ako, eh ayaw nga ni Angelica na hindi ako makita kahit saglit." Pareklamong tugon ni Phoenix kaya naman binatukan ko ito na s'ya namang nagpangiwi sa kan'ya dahil sa sakit kuno.

"Sasagot ka pang bwisit ka! Kitang abala ang tao, ako pa itong pinepeste nin'yo? Alam n'yo ba na kaunting tuyo na lang ay mangangamoy na ang private plane ko?" Reklamo kong muli habang papadyak-padyak pa.

"Ayaw mo nu'n? Hindi ka na gagasta nang air freshener. May instant scent na ang eroplano mo." Pamimilosopo naman ni Phoenix kaya sinamaan ko ito nang tingin.

"'Yang mga nand'yan good for six months kaya h'wag n'yo ako pestehin dahil abala ako!"

"Ano ba kasing pinagkakaabalahan mo? Babae 'nuh?" Usisa nang chismoso kong kapatid.

"Kailan ka pa nagkaroon ng pake sa buhay ko Phoenix Skye?" Iritado kong tanong dito.

"Ngayon lang." Sagot nito kaya naman binato ko na ulit ito nang bimpo na nasa loob ng kotse ko.

"Bilisan mo at babalik ako sa Amerika! Dalian mo!"

"Taeng-tae? At saka anong gagawin mo sa US eh wala namang problema sa mga branch natin doon. At saka bakit ka ba nagiging sadista?" Sunod-sunod na tanong ni Phoenix.

"Ngayon lang." Panggagaya ko sa sinagot n'ya kaya nakita ko ang pag-irap ni Phoenix. "H'wag mo ako irapan at dudukutin ko iyang mga mata mo nang hindi mo na makita magiging anak n'yo ni Angelica!" Pagbabanta ko kaya naman ngumiti ito nang peke at saka sinenyasan ako na okay na ang lahat.

I closed the compartment and waved my goodbyes to him. Pinaharurot ko ang kotse ko papunta sa bahay ko para magpahinga kahit saglit.

NAGISING ako na butil-butil ang pawis sa buong mukha ko. Mabigat ang paghinga ko at nanginginig ako. Nasapo ko ang aking ulo at mariing ipinikit ang mga mata ko.

Matagal na iyon pero bakit ba hindi natitigil ang bagay na iyon? It haunts me every night, it haunts me everyday I see it. Natatakot ako, natatakot ako.

Kinuha ko ang cellphone ko na nakapatong sa side table ko at tinawagan ang isang tao na sana'y makapagpakalma sa akin.

"Uhmm. Hello?"

"N-nagising ba kita? S-sorry t-tatawag--"

"--Okay ka lang ba Raph? Are you shaking or what?" Bakas sa boses nito ang pag-aalala kaya nama'y napakagat-labi na lamang ako.

"I.. I have this nightmare. Y-'yun lang." Half lie, half truth.

"Tell me, are you really okay? I am worried." She worriedly asked at napangiti ako kahit paano. Natigil na rin ang panginginig ko, sabi na nga ba.

"I'm okay now. Sorry kung naistorbo kita huh? Sige, matulog ka na." Paalam ko rito bago ko tapusin ang tawag.

I lay down on my bed and close my eyes. Alam ko na sa pagkakataong ito, hindi na ako dadalawin ng bangungot na iyon. Kailanma'y hindi na ako matatakot as long as Naomi is there for me.

Loving A Psycho (Cross Enterprise Series #3) | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon