Chapter 24

91 4 6
                                    


PAKIRAMDAM ko, nasa isa akong paglilitis. I am alone with Naomi's uncle who seems like not taking me seriously.

Nagkakape lang ito habang nanunuod ng telebisyon samantalang ako, ay parang tuod na nasa isang sulok habang hinihintay ang pagpataw n'ya sa akin ng kaparusahan na naiisip n'ya.

'Ano kaya ang gagawin n'ya sa akin? Ayoko pang mamatay

Isasabit n'ya kaya ako patiwarik habang hinahampas ng latigo ang aking katawan hanggang sa maubos ang dugo ko?

Nangilabot ako sa naiisip ko. 'H'wag naman sana.'

Papauwiin kaya n'ya ako sa pinanggalingan ko na hindi gumagamit ng bangka o yate?

Gusto ko ng mahimatay sa naiisip ko. 'Takot nga ako maglayag, lumangoy pa kaya sa karagatan?' Ni hindi ko nga alam kung ano ang pumasok sa kukote ni Zandra at sinedate pa n'ya talaga ako para makarating dito.

Ipakain kaya ako ng tiyuhin ni Naomi sa pating? Sa piranha? O kaya naman ay sa isang sea monster?

'Mamamatay ka na nga lang, nag-iisip bata ka pa Raphael.'

Hindi ko maiwasang mangilabot sa mga naiisip ko, pero s'yempre, maliban sa huli na mukhang nasingit lang kakanuod ko sa mga horror movies na may isda kuno na gagawin kang buhay na skeleton within a short period of time.

Huminga ako ng malalim, 'ano ba itong mga iniisip ko?'

Tumingin ako sa tiyuhin ni Naomi na prenteng nakaupo sa couch nito. Mukhang matanda na ito mula sa pinakahuling beses na nakita ko ito mahigit dalawampung taon na ang nakakalipas. May puting buhok na ito na nagsisimula ng dumami pero ang balat nito ay tulad pa rin ng dati, makinis pa rin at walang kulubot. Mababakas pa rin ang tikas nito sa pagdaan ng panahon. 'Sana sa pagtanda namin ni Naomi, ganito rin ako kagwapo.'

Para akong timang na napangiti na lang habang iniisip ang magiging kinabukasan namin ni Naomi. Nakatira kami sa isang malaking bahay na may modern design, s'ya ang pipili ng furnitures habang ako naman ang magbubuhat ng mga gamit kasama ang mga maskulado kong mga pinsan at kapatid. Tapos, dadaan ang mga panahon at magkakaanak rin kami at ang magpapangalan sa kanila ay ang maganda at mapagmahal nilang ina. Walang araw at gabi siguro na hindi ako magiging masaya kung si Naomi lang rin naman ang magiging ilaw ng aking tahanan.

Nagpapasalamat ako kahit paano kay Zandra na kahit nangahas s'ya na i-sedate ako at iwan dito ay talagang dinala n'ya pa rin ako kay Naomi.

Pero...

Kakaltasan ko s'ya ng sahod dahil sa kapangahasan n'ya.

'Hehehe.'

"Alam mo ba kung bakit ka naririto?" Nagising ako sa pagmumuni-muni ng magsalita ang tiyuhin ni Naomi.

Hindi ito nakatingin sa akin pero mukhang napansin n'ya na nababaliw na ako kakahintay sa kan'ya. 'Hindi naman siguro nabawasan pogi points ko 'di ba?'

"S-saan po?" Nauutal kong tanong na nagpahagalpak sa tiyuhin ni Naomi sa kakatawa.

I am admitting it. Nakakahiya!

Humarap ito sa akin pagkatapos patayin ang telebisyon na puro commercial na lang ata ang pinalalabas. 'Bakit ba ang mga network ng T.V ngayon ay halos pinapanuod sa mga viewers ang mga isangkaterbang commercial tapos maikli lang ang time sa mismong palabas? Nasaan ang husti--'

Focus!

I need to be focused, nakasalalay ang kinabukasan ko sa pag-uusap naming ito.

"Bakit ka naririto sa isla ko?" Tanong ng tiyuhin ni Naomi.

Umayos ako ng upo at diretso kong tiningnan ang lalaking nasa harapan ko. He is intimidating, I admit it but for Naomi, kahit leon pa ang kaharap ko, magiging matapang ako, ipaglalaban ko s'ya at ang nararamdaman ko para sa kan'ya.

"To follow where my heart and life is." I said.

He grinned and crossed his legs. "Bakit? Nawala mo ba? Bakit dito mo hinahanap sa isla ko?"

"I didn't lost it. But I am afraid that if I let this chance slip away from my hands, I will completely lose her." I seriously answered him.

"Her? I thought you are looking for your heart and life, but why it turned out that it's not an it but a her?" Tanong nito.

Alam ko naman na sinusubukan n'ya lang ako, but I am not that dumb for me to never recognize it. I will answer his questions, straught from my heart.

"Because, my heart and life. Is Naomi, herself." I answered him and he clapped his hands thrice before looking at me with a wide smile.

I am a bit nervous kasi iba ang ine-expect ko sa nakikita ko.

"Kilala mo ba ako, hijo?" Biglang tanong nito.

Natigilan ako pero nakuha ko na rin kung ano ang gusto n'yang itanong, but I will play his trick na ginamit n'ya. Because, come on! Nasaan ang salitang 'fairness' 'di ba?

"Bakit ko naman kailangang kilalanin kayo?" Tanong ko at natawa ang matanda.

"I like you. I like that tongue of yours." Anito.

"I am sorry Sir but I like your niece and not you. And I can offer my tongue to her and not to you." Pamimilosopo ko.

"Then make her happy with that tongue of yours." Makahulugang tugon nito.

'What?!'

"With your sweet talks." Dagdag nito at doon lang ako nakahinga ng maluwag dahil ayoko talagang napapasukan ako ng rated SPG na ideya kung si Naomi lang din naman. I want our first honeymoon be intimate and memorable, 'nuh.

"I will not use my tongue and mouth to make her happy, Sir. I will use my heart, instead." Sabi ko at ngumiti itong muli.

"I know." He said and looked up above.

"Thank you, by the way for saving me more than twenty years ago. I may have thalassophobia, but I am still thankful that you saved me, dahil sa pagsagip n'yo sa buhay ko noon ay naging tulay upang makilala ko si Naomi noon at makilala s'yang muli ngayon." Litanya ko.

"Wala iyon. Masaya na ako na ikaw ang magiging son-in-law ko soon." Anito at muntik na talaga akong mahulog sa kinauupuan ko sa sinabi nito.

"Po?" Tanong ko at natawa pa itong bahagya pero parang may mali, may mali sa mga mata n'ya para s'yang, malungkot.

May ngiti sa labi n'ya pero puno ng kalungkutan ang mga mata n'ya and it worries me. Tingin ko ay stressed ito, or should I say, depressed ito about something.

"Can I share you a secret?" He asked and I nod. "Dahil magiging son-in-law na rin naman kita, at tiwala naman ako na hindi mo sasaktan ang prinsesa ko. Ipagkakatiwala ko maging ang sikretong ito sa iyo." He said.

"Salamat po sa tiwala n'yo." Kinakabahan ako, ano kaya ang sasabihin nito?

"Naomi isn't my niece. She is my daughter." He said and everything turned silence. Pero hindi namin inaasahan ang pagpasok ni Naomi.

Loving A Psycho (Cross Enterprise Series #3) | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon