Chapter 18

103 7 21
                                    


"RAPHAEL?" Kinakabahan kong tawag dito. Kumurap-kurap ito at saka umiwas ng tingin. Nilagok n'ya ang laman ng kan'yang baso at saka ito nagsalita.

"Alam mo ba na nakipagkumpitensya pa ako noon sa mga pinsan ko para lang sa Cross Enterprise? Nakipagkumpitensya ako para sa babaeng iyon na hipag ko na. Pero hindi ako nakipagkumpitensya dahil mahal ko s'ya at makuha ang Cross Enterprise. Kundi para mapansin ako ng aming Abuelo na namayapa na. I didn't need anything from him actually, all I want is his attention he was giving to my cousin Clovis." Lumagok itong muli at nagpatuloy na naman sa pagkukwento.

"I even supported my brother to take her away but it made everything worse. The day that everything is in a perfect chaos, you came and suddenly, everything turned okay. I actually do not believe in love, no, I just don't want to believe that it exists because I don't want to be like my cousins and my brother who is crying over heels of somebody. I don't want to be like my patiens who are turning crazy and mad because their loved ones left them." Tumigil itong muli at ngayo'y humarap naman s'ya sa akin. "But now that I am feeling it, the fear of falling so deep is building inside me?" Tanong nito.

Natameme ako at hindi mawari ano ang isasagot. 'Ano nga ba ang dapat kong isagot?'

"B-bakit mo ako tinatanong Raph? Hindi naman ako ang nakakaranas n'yan." Sagot ko.

Nakita ko na natigilan si Raph. Ininom n'yang muli ang laman ng kan'yang baso at saka tumingin sa malayo.

Hindi ko alam pero may nag-uudyok sa akin na bawiin ang sinabi ko dahil na rin sa lungkot na nakikita ko ngayon sa kan'yang mga mata. Bakit pakiramdam ko, may mali akong nasabi sa kan'ya?

"B-BAKIT mo ako tinatanong Raph? Hindi naman ako ang nakakaranas n'yan." Natigilan ako sa naging sagot n'ya.

Mag-aassume na ba ako na baka wala s'yang nararamdaman man lang sa akin? Mag-aassume na ba ako na, wala na talagang pag-asa ang pagtingin ko sa kan'ya?

Malinaw naman ang pinahiwatig ko 'di ba? Pero bakit ganito? Parang, wala lang sa kan'ya ang mga sinabi ko?

Pinikit ko ang aking mga mata at pinilit nanmatulog, paminsan-minsa'y sinisilip ko si Naomi na naka-upo pa rin sa tabi ko na tila nag-iisip. Lihim akong ngumiti nang mapait, 'h'wag mo nang isipin ang aking sinabi, Naomi. Mas makakabuti ito sa pagitan natin.' Sa isip ko hanggang sa tuluyan na nga akong makatulog.

Hindi ako... Makahinga. Pilit ko mang galawin ang katawan ko para makaaho'y hindi ko magawa. Minulat ko ng kaunti ang aking mga mata pero kadiliman ng ilalim ng karagatan ang aking tanging nakikita.

Ito na ba ang katapusan ko? Dito na ba matatapos ang buhay ko? Hindi ko na ba makikita si Mama? Si Papa? Si Phoenix? Si Abuelo at ang mga pinsan ko?

Ito na ba ang katapusan ko?

Naaninag ko ang liwanag sa 'di kalayuan. Ito na ba ng tinutukoy na sundo ng mga namayapa na?

Pilit kong inabot ang liwanag at isang babae lang ang aking nakita. Pero bakit ganito? Nakita ko na ba ang batang ito? Bakit kahawig n'ya si...

"RAPHAEL CEREBRO!! Gumising ka! Cerebro! Gumising ka na d'yan pakiusap. Ihahagis kita pag hindi mo minulat iyang mga mata mo!! Cerebro ano ba? Masamang magbiro nang gan'yan!! Cerebro paano na ako pag nawala ka? Cereb-- ay may butiki!!" Napasigaw si Naomi sabay kandirit ng makitang nakadilat na ako.

Naging tahimik lang ako habang pinagmamasdan ang babaeng kaharap ko na halos lumuha na nang dugo magising lang ako. 'Bakit ganu'n? Kamukha n'ya talaga 'yung batang iyon?'

"Oyy Cerebro ayos ka lang ba?" Nag-aalalang tanong ni Naomi.

Bumangon ako tahimik na tumango. Kita ko ang pag-aalalang labis sa kan'yang mga mata. Namumugto rin iyon na parang galing sa isang buong magdamagang pag-iyak. Tumayo ako at kinuha ang coat ko at walang pasabing nilisan ang lugar na iyon.

Kung si Naomi man ang batang iyon, tiyak na pinaglalapit na kaming muli nang tadhana.

AGAD akong nagpunta sa airport para umalis ng Amerika. Kailangan kong layuan si Naomi hangga't kaya ko pa.

'Kaya ko nga ba?'

Aaminin ko na nahulog na nga ako sa kan'ya pero hangga't kaya ko pa, sisikapin ko na hindi mahulog sa kan'ya nang sobra dahil naniniwala ako na hindi ako ang karapat-dapat para sa kan'ya. Hindi karapat-dapat ang isang tulad ko na maihahambing na sa isang psychopath na tao, na maihahambing na bilang isang baliw na tao. And Naomi don't deserve a partner like me.

"What do you want?" Tanong ko sa bagong dating na si Eliza, isa sa mga doktor ng ospital namin sa Colmenar Viejo.

"Doctor Cross, can't you just be happy that I am spending my time to visit you?" She asked in her flirty way. She walked toward me and tried to touch me but I stand up and walked away from her.

"I do appreciate your effort if you'll spend your time to your patients and not to me." Sabi ko rito habang sinusuri ang mga records ng mga pasyente ko sa psyche ward.

"But why can't you just spend your time with me? You have no girlfriend nor wife. But even you have one, I'll still do this thing to you until you give up and give your everything to me." Anito habang dahan-dahang naglalakad palapit sa akin.

Sinubukan n'yang hawakan ako pero iniwasan ko lamang s'ya. Hinabol n'ya akong muli at pinilit na hawakan pero natigilan s'ya nang makita ako.

I don't like Eliza, there is this woman I want but I need to protect her by avoiding her. I don't do flings like my brother and my cousins do because I still respect woman because I have a mother and a cousin that I treasure. Eliza is just my ex who cheated on me, she is just my past, nothing more, nothing less.

"If you want to survive and be able to get out of here in my office, you better start to run and avoid me Eliza. We are already done years ago, so get lost or else..." I paused and look at her face, I smirk that made her feel fear, "I will repeat what I did, years ago after you cheated on me." Babala ko rito bago ako muling bumalik sa aking upuan para basahin pa ang ibang files na nasa ibabaw ng lamesa ko.

Pagkalabas ni Eliza, nakaramdam ako nang kapayapaan sa paligid. Aminado ako na may nagawa ako noon na hindi kaaya-aya pero hindi naman na siguro ako aabot sa puntong uulitin ang kasalanan ko matagal na panahon na ang nakakalipas na ako lamang at si Eliza ang nakakaalam.

Muling bumukas ang pintuan, hindi ko iyon pinansin dahil panatag naman akong nurse lang iyon ng ospital. "What do you want?" Tanong ko habang nakatuon ang aking atensyon sa papeles na hawak ko.

Wala akong sagot na natanggap kaya nama'y ibinaba ko ang papeles na hawak ko at hinarap ang taong tahimik na nakatayo lamang sa harapan ng lamesa ko.

Nanlaki ang mga mata ko nang magsalubong ang paningin namin. 'Anong ginagawa n'ya rito?'

"Naomi?"

A.N: Sorry kung ngayon lamang po ako nakapag-update ulit. I am currently translating Cross Enterprise 1 for Webnovel. Salamat po sa patuloy na pagsuporta sa akin. 😄😄

Ano kaya ang ginawa ni Raphael noon? Ano kaya ang kinalaman ni Naomi sa nakaraan ni Raphael?

Comment down your guessessssssssss xD

Loving A Psycho (Cross Enterprise Series #3) | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon