Chapter 28

96 6 9
                                    


EVERYONE is curious ng mang-imbita si Raphael sa isang salo-salo. Simple lang ang salo-salo pero sapat na iyon para sa mga taong inimbitahan.

Naroroon ang pamilya n'ya, mga pinsan, mga sister-in-laws n'ya na sina Celine at Angelica at ilan sa ma kaibigan ng mga ito like Guillermo, Karlo and... Paul.

Kaibigan din pala ni Paul si Celine kaya naman naririto ito. I feel uneasy all of a sudden at ramdam iyon nila Tatay, Daddy Michael, Enrique at ni Cairo na tanging sinabihan ko about sa sinabi sa akin ni Paul.

My family is here and also with Raphael's. Hindi ko maitago ang hiya pero mahigpit akong pinababantayan ni Raphael kila Zandra at... Apollo?

"Mahal na mahal ka talaga ni Sir. Akalain mo iyon? Ako na mula sa intelligence unit n'ya ay magbabantay ng babae n'ya?" Reklamo ni Zandra na hindi ko mapigilan na matawa dahil mukha namang gusto nito ang ginagawa n'ya.

"Ang ingay mo talaga. Stop babbling Zandra kung ayaw mong--"

"Anong gagawin mo sa akin? Tigilan mo ako Apollo badtrip pa ako sa iyong bruho ka." Naiinis na putol ni Zandra kay Apollo namukhang natutuwa naman na asarin ang babae.

"Ang iingay n'yo. Ano bang problema n'yo?" Sabay kaming napalingon kay Cedric na may kasamang magandang babae.

'Parang nakita ko na ang babaeng ito noon. Saan ko ba ulit s'ya nakita?' Pag-iisip ko ng makita ang babaeng may kulay pilak na buhok at kulay lilang pares na mga mata na nakatayo sa tabi ni Cedric na halata ang iritasyon sa mukha.

"Ced tone down your voice, baka matakot sila sa inaasta mo." Saway ng babae sa kan'ya.

Bumuntong-hininga si Cedric at saka humarap sa babae na halata ang sopistikasyin sa tindig pa lamang nito. Mapapa-sana all na lang ako. "Okay, okay. Sorry Belldandy, nasanay lang siguro ako. Alam mo naman sa clinic ko. Ang gagaling ng mga nurses ko." May halong sarkasmong sagot ni Cedric sa babaeng tinatawag n'yang Belldandy.

Ah! Kilala ko na s'ya! She is Viola Belldandy Bently ang isa sa mga sikat na pastry chef sa France at isa rin sa mga kilala sa adbokasiya sa pagsagip at pag-aalaga ng mga hayop.

Cedric is a veterinarian kaya naman siguro nagkaroon sila ng bond dahil na rin sa similarities nilang ito. 'Sana all.'

"It's okay, just please, watch your tone and your temper. Baka sabihin nila'y dinaig mo pa ang mga gangster sa kanto."

Bigla na lamang tumawa si Apollo. Kapwa kami napatingin ni Zandra sa kan'ya habang si Cedric naman ay matalim na nakatingin sa kapatid n'ya. "Apollo?" Tawag ko rito.

"Wala ito, h'wag n'yo akong pansinin, may naalala lang ako." Natatawa pa ring sagot ni Apollo.

"Tss. Adik." Masungit na sabi ni Zandra.

"Adik? Ako? Tss alam mo naman palang adik ako sa'yo bakit ayaw mo pang sabihin ng malakas?"

"Mamatay ka na Apollo Kendrick Barron!? Mamatay ka na ng matahimik na ang buhay ko!" Mas lumakas ang tawa ni Apollo na sinabayan ng hagikhik ni Cedric.

'Ganito ba ang mga may dugong Cross? Creepy ah?'

"Sweetheart." Natigilan sila ng marinig nila ang malambing na boses ni Raphael. Ngumiti ako at saka ako lumapit, niyakap ko s'ya at gan'un din s'ya sa akin.

"Cerebro bakit ngayon ka lang? Alam mo ba na ang wi-weird ng mga pinsan mo?" Natatawa kong lambing sa kan'ya.

"Weird? Naku sila lang iyon. Pag Barron at Reyes siguro ang apelyido mo na may dugo ka ng Cross, alanganin kinabukasan mo. Buti na lang sa akin ka napunta, alanganin buhay mo sa kanila pag nagkataon." Anito kaya naman natatawa akong humarap sa kan'ya at idinampi ang labi ko sa malalambot at nakaawang n'yang labi.

"Buti nga at sa iyo ako napunta." Pagsang-ayon ko.

"Pinagkakalat mo Raphael?" Tanong ni Cedric.

"Nananahimik kami tapos narinig namin na may sinasabi ka tungkol sa amin." Sabad ni Leonard.

"Alam n'yo, sa mga Barron, si Artemis lang ata matino sa in'yo. At sa mga Reyes, si Ricky lang kaya ano ang pinaglalaban n'yo? Eh totoo namang weird kayo. Tinakot n'yo nga itong sweetheart ko tapos aangal pa kayo." Natatawang sagot ni Raphael.

"Nagsalita ang walang saltik sa ulo." Nakangising sabad ni Zandra na ikinatawa ng malakas ng lahat.

Humaba naman ang nguso ni Raphael at pakiwari'y iiyak ito sa akin. Niyakap n'ya ako at sinubsob mukha n'ya sa balikat ko. "Sweetheart oh, niaaway nila ako." Kunwari'y umiiyak na sumbong ni Raphael.

Wala akong nagawa kundi ang aluin ito. "H'wag kang gumanyan Cerebro at ayoko maging pato ang magiging anak natin sa hinaharap."

Umangat ang mukha ni Raphael na nagniningning pa ang mga mata. Parang kami lang ang naririto, nagsialisan na kasi sila at nagkan'ya-kan'ya na sila sa pagkain. "Nakikita mo ba ang sarili mo na kasama ako sa hinaharap?" Tanong nito.

Ngumiti ako at saka isinandal ang ulo ko sa kan'yang dibdib. "Oo naman, matagal na." Pag-amin ko. "I imagine myself carrying our child on my arms while you are busy with his feeding bottles. I imagine myself watching you playing with them and I imagine myself growing old and dying with you. I can see you as my better half for the rest of my life even you are a psycho." Litanya ko habang nakangiting inaalala ang mga panaginip ko at mga imahinasyon na sana ay maging katotohanan sa pagdating ng panahon.

Ramdam ko ang paghigit n'ya ng hininga pero sa halip na kumalas sa pagkakayakap ay mas hinigpitan ko ito, pilit na kinakabisado ang bawat detalye ng kan'yang katawan na sana, maging pribado lamang para sa akin at kan'ya.

Bigla itong kumalas sa akin at saka lumuhod sa harapan ko. He pulled out a box with a shinibg rose gold ring inside. May luha pa sa mga matani Raphael ng sabihin n'ya ang katagang lahat ng mga babae ay ninanais na marinig mula sa lalaking inaasam nila at minamahal ng lubos.

"Naomi Hail Kendrick. Nasabi mo nang nakikita mo ako na kasama ka hanggang sa pagtanda mo at maging sa kamatayan mo. That is the sweetest confession I received from you. It took my breath away for a minute. Iba talaga ang tama mo sa akin sweetheart. At ang mga imagine-imagine na iyan, gusto kong matupad dahil wala akong ibang nakikita na kasama ko habang buhay kundi ikaw lamang. Mahal na mahal kita Naomi. Can you please say yes for being my Mrs. Naomi Hail Kendrick Cross and be with me for the rest of our lives?"

Wala akong sinayang na panahon, ito na ang kaligayahan ko, to be with Raphael is everything. Tama si Daddy at Kuya Cairo. Be selfish to be happy. And here he is. My hapoiness and the reason for my selfishness.

"Yes, yes I would loved to." Luhaan pero may ngiti sa labi na sagot ko.

Sinuot n'ya sa akin ang singsing at niyakap ako ng mahigpit. Sa panahong iyon, napagtanto kong tahimik na lumuluha ang mga kasama namin habang pinapanuod kami. I saw Paul walked out but maybe, just maybe the day that Paul will accept this will come and I am looking forward to it.

Loving A Psycho (Cross Enterprise Series #3) | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon