PARANG may sariling drum set ang dibdib ko sa sobrang kaba habang lumilipas ang oras at araw sa pagitan naming dalawa ni Naomi. Para akong sasabog sa 'di malamang dahilan, kinakabahan ako na baka..."Let us welcome the groom's best man and his eldest brother Dr. Raphael Cross for his message for the newlywed couple." Sabi ng emcee kaya wala na akong nagawa kundi ang tumayo para magbigay ng mensahe sa kanila ni Angelica.
I smiled a bit before taking a quick glance sa mga bisita including our parents and some of our cousins na nakarating. Balita ko, ang iba naming pinsan like Frederick and Artemis will send a video message for the newlyweds.
I took a deep breath at sa muling pagmulat ko ng aking mata, ay nakita ko si Naomi na tahimik lamang na umiinom ng champagne sa kan'yang mesa.
Gusto ko s'yang lapitan, pero pinigilan ko ang aking sarili sa takot na baka matakot ko s'ya at tuluyan na n'ya akong layuan.
"Phoenix, Angelica. This message I'll say is short but you already knew what is the meaning of this." Leonard and Cedric started to chant the word that made Naomi and Angelica looked at them with deadly glare.
"MBTC!! MORE BABIES TO COME!!" They said in chorus.
Phoenix grabbed a bottle of wine and is about to throw it to the two morons that is laughing like now like a crazy jerks. Angelica stopped her and pinched his cheeks that made him blushed.
'Embarassing, Phoenix. Nakakahiya ka.'
I frowned and say my message quickly. "MBTC guys." I said then I run as fast as I could as Phoenix started to throw us the bottles of wine beside him.
Lahat ng mga bisita ay nagsitawanan dahil sa pag-iwas namin sa mga lumilipad na bote papunta sa amin. Nababasa tuloy ang buhangin dahil beach wedding pa ang ninais ng mabait kong kapatid. Their honeymoon will be in a yacht na pagmamay-ari ng Cross Enterprise.
Umupo ako sa buhanginan ng mapagod na kami nila Leonard at Cedric habang nagpatuloy naman ang seremonya ng reception. Hinihingal na tumatawa sina Leonard at Cedric habang nakamasid sa malawag na dalampasigan.
"Anong balak mo Raph?" Napatingin ako kay Leonard na seryosong nakatingin sa akin.
"Balak?" Ulit ko sa sinabi nito.
"Alam mo Raph, kung ang utak ay maihahambing sa internet connection, masasabi kong tinalo pa ng Pilipinas 'yang bilis ng signal mo." Sarkastikong banat ni Cedric kasunod ang malakas na pagtawa nila ni Leonard.
"Oyy, havey na havey iyang banat mo Ced. Kailan ka pa natuto n'yan?" Tanong ni Leonard.
"Ganu'n siguro pag natamaan na ni kupido si heart." Madramang sagot ni Cedric na nagpangiwi kay Leonard.
"Yuck, ang cornick mo." Anito.
"Makapagsalita naman itong si Leo akala mo ay hindi natatamaan ng nag-iisang babae na nakatunggali n'ya." Ganti ni Cedric kaya naman napasimangot si Leonard.
"'Raulo minu-minuto!" Naaasar nitong sigaw.
"Rivalry lang ang malakas." Banat ko kaya naman lalong lumakas ang loob ni Cedric na tawanan si Leonard na ngayon ay kaunting haba pa ng nguso ay sasadsad na sa lupa ang pinagmamalaki n'yang kissable lips.
"Ipagkalat n'yo." Nakasimangot na sagot ni Leonard kaya naman tinawanan pa namin ito ng tinawanan.
"Naipagkalat na namin Leo. Huwag kang mag-alala." Nakangising sabi ni Cedric kasabay ng paglabas ng cellphone nito na nakaset sa voice recording.
Nanlaki ang mata namin ni Leo. Nag-agawan ang dalawa samantalang ako ay humilata lang sa buhanginan habang pinapanuod ang kalangitan.
Cedric is a well-behaved man among all of us. Pero sa aming lahat, ang pinakaseryoso ay sina Clovis, Frederick at Apollo. Seryoso rin naman ako pero, I am always distracted by her presence.
I can compare Naomi to my greatest fear. I have a phobia and it is all about the ocean. Thalassophobia to be exact and it started when I was ten years old.
I am afraid that when I fell deeper, hindi na ako makakaahon pa. Natatakot ako na baka dumating ang araw na...
"Pwede ba akong tumabi?" Napabalikwas ako ng bangon ng marinig ang boses ni Naomi. Idagdag mo pa na naghigh tide na at ang tubig mula sa karagatan ay nasa paanan ko na.
"Shit!!" Napasigaw ako at mabilis na tumakbo palayo sa takot na baka... Baka lamunin ako ng karagatan tulad noon, dalawampu't tatlong na ang nakakaraan.
Ako ang saksi sa mga nangyari. Lahat ay nagkakagulo. Lahat ay takot. Gayundin ako. Hinanap ko ng hinanap ang mga magulang ko at ang pitong taong gulang na si Phoenix pero wala akong nakita. Natatakot ako.
Naupo ako sa sulok yakap ang aking sariling binti, sinubsob ko ang aking mukha sa tuhod ko at doon ako umiyak ng umiyak.
Ito na ba ang katapusan ko?
Mamamatay ba ako ngayon?
Pero bata pa ako, hindi pa nga ako nakakapag-aral eh.
Gusto ko pang makita sila Abuelo at Abuela.
Gusto ko pang umabot sa punto na makapangasawa at magkaroon ng sariling pamilya pero bakit?
Bakit ako pa?
Bakit ngayon pa?
Ramdam ko ang paggewang ng barko, kumapit ako sa bakal na railings ng top deck. Pilit na tinatatagan ang aking loob at pilit an winawaksi ang posibilidad na baka ito na, ito na ang katapusan ko.
Pero...
Wala na akong nagawa kundi ang umiyak ng malakas ng maramdaman ko na tataob na ang barko. Nakatawag ako ng pansin sa mga pasahero pero mas uunahin nila ang kanilang sarili kaysa sa isang batang estranghero na katulad ko.
Nasaan na ba sila Mama at Papa?
Okay lang ba sila?
Hinayaan ko na lamang ang aking sarili na mahulog sa malamig na karagatan.
Handa na sana akong sumuko at tanggapin na katapusan ko na ng maalala ko si Phoenix.
Kinawag-kawag ko at ginalaw-galaw ang aking maiksing binti at mga braso, pilit na kumakawala sa paghila ng karagatan sa akin pababa.
Nang mawawalan na ako ng malay...
Naramdaman ko ang isang presensya at pares ng braso na pumulupot sa aking batang katawan. Umangat kami at ang liwanag ng haring araw ang nagpamulat sa akin. Pero tinatakasan na talaga ako ng ulirat.
Pero bago ko pa maisara ng tuluyan ang aking mga mata, isang imahe ng batang babae ang nakita ko. "Ayos lang ba s'ya daddy?" Tanong nito sa kan'yang boses na nababakasan ng purong pag-aalala sa batang gulang.
"Oo anak, ayos lang s'ya. Abutin mo s'ya Naomi at kailangan na natin s'yang dalhin sa lungsod para magamot sa pagamutan." Sabi ng lalaki na nakayakap sa akin.
Pero bago pa n'ya ako maabot ng kan'yang maliliit na kamay, nawalan na ako ng ulirat ng tuluyan.
"N-naomi?"
"Ayos ka lang ba Raph?" Nag-aalalang tanong ni Naomi.
Hindi ako magkakamali. Ang babaeng ito. Ang babaeng ito ang batang iyon, dalawampu't tatlong taon na ang nakakalipas.
BINABASA MO ANG
Loving A Psycho (Cross Enterprise Series #3) | Completed
RomanceBEST BLURB from DAISY BOOK AWARDS 2020 Genre: Romance Sa dami ng mga kaso na lagi na lang hinahawakan ni Raphael , isa lamang ang naging kakaiba na gusto n'yang humagalpak ng tawa . A woman walked inside his clinic with her hilarious case . Alam n'y...