Epilogue

257 8 12
                                    


NAKANGITI ako habang nakaupo sa duyan sa aming bakuran habang pinapanuod ang mga halaman at puno na nagsasayawan dahil sa malamig na simoy ng hangin na yumayakap sa akin.

Isang taon na rin pala mula ng magsumpaan kaming dalawa ni Raphael sa harapan ng dambana ng simbahan sa araw ng aming kasal. Isang taon na rin ang nakalipas mula ng una kong ibigay sa kan'ya ang natatangi kong kayamanan. At halos siyam na buwan na rin mula ng...

"Sweetheart, bakit naririto ka pa sa labas? Ang lamig-lamig kaya. Baka magkasipon kayo ni baby.

Yes it is, we have a baby at...

"Sweetheart?" I held my breath for a moment I felt a very painful contraction in my tummy. Napakapit pa ako sa braso ni Raphael na mukhang natakot sa aking ginagawa. Pinagpapawisan ako ng sobra-sobra sa sakit na nadarama. Kasabay noon ang pagdaloy ng pinaghalong tubig at dugo sa aking hita. My eyes widen because of horror. "Sweetheart, ang a-anak natin." Labis ang takot at pag-aalala ko sa aking nakikita.

"S-sige. Hold on sweetheart, just breath in and breath out." Natatarantang bilin ni Raphael sa akin.

"Oh my... Sh*t Cerebro bilisan mo o papatayin kitang demonyo ka!!" Sigaw ko rito kaya naman lalong nataranta ito.

Hindi rin nagtagal ay nakarating na kami sa ospital pero hindi na natigil ang bunganga ko sa pagmumura at pagsigaw sa asawa ko na naiiyak na sa aking sitwasyon. "Sorry hindi ko alam na gan'yan pala kasakit." Naiiyak nitong sabi pero hinila ko lang s'ya at doon humagulgol dahil sa sakit ng contraction ng tiyan ko. Pakiramdam ko ay may mawawasak sa akin anumang oras.

Well, iba 'yung wasak na sinasabi ko sa unang pagwasak sa akin ni Raphael nu'ng honeymoon namin.

"Pag natapos ako rito Cerebro 'di ka na makakaulit sa akin." Umiiyak kong sabi rito kaya naman umiyak din ito sa hindi malamang dahilan.

"Huwag naman gan'yan asawa ko. Gusto ko makatatlo." Humiwalay ako kay Raphael at pinagsusuntok ko ang braso nito.

"Sira talaga ang ulo mo Cerebro! Ikaw dapat ang manganak kung gusto mo makatat--- AAAAHHHHHH!!" Hindi ko na natapos ang pagsasalita ko ng maramdaman ko na ang mas masakit na bersyon ng sakit na nadarama ko kanina.

"Humiga ka na kasi rito Naomi kanina ka pa sinasabihan eh." Sermon sa akin ni Angelica na nakadalawa na.

Wala akong nagawa kundi ang yumakap kay Raphael habang inaalalayan n'ya ako sa paghiga sa stretcher. Sumama s'ya sa loob ng delivery room while whispering to my ear that, "hold on sweetheart, everything will be okay."

And the next thing I knew before I drifted off to sleep because of too much exhaustion is I heard my baby's first cry.

"BLUE, tawagin mo na ang mga kapatid mo." Utos ko sa panganay kong si Michael Blue Kendrick Cross. He is already thirteen years old.

"Opo Dad." Sagot naman nito at saka ito umakyat patungo sa itaas kung saan naroroon ang kan'yang mga kapatid.

It's more than fourteen years since we first exchanged our vows to each other that nothing can seperate us. And my married life is not that bad at all dahil may tatlo akong anak at isang magandang asawa na magaling magluto at magaling magturo ng leksyon sa mga bata.

Bumalik si Naomi sa pagtuturo habang ang kan'yang ama naman na si Daddy Michael ang nagtake over na sa kompanya ng kan'yang magulang. While Cairo, ayun nag-asawa na rin ng isang babae na hindi n'ya alam ay isa palang anak ng pulitiko. Enrique is now a trainee sa kanilang kompanya dahil inaasahan ng lahat na ito naman ang s'yang magtetake over ng MRSL. While me, I am still in service pero pag naririto ako sa Pilipinas, ako ay isang ulirang househusbabd ng aming tahanan na hindi ko ikinahihiya kailanman.

Loving A Psycho (Cross Enterprise Series #3) | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon