Chapter 16

116 5 9
                                    


HINDI ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa mga oras na ito. Paggising ko kinabukasan, nakakita ako ng isang malaking box sa may pintuan ng penthouse ko.

"Ano ito?" Tanong ko sa aking sarili habang sinusuri ang kahon pero ang tanging nakalagay sa card na nakakabit dito ay ang pangalan ko.

Nagpunta ako sa Information Desk, nagbabakasakaling may alam sila sa pagkakakilanlan ng nagpadala nito. "How can I help you, Ma'am?" Tanong ng staff pero sa halip na s'ya'y sagutin, inilapag ko ang malaking kahon sa tapat n'ya kaya naman doon nalipat ang atensyon n'ya.

"I saw this box in front of my penthouse. Do you have any records about this parcel?" I asked her calmly but she just looked at me and smile.

"I am sorry Ma'am but I don't know anything about that. The staff in-charged in the time I estimated that it arrived is already out of the office. I am really sorry Ma'am." She politely apologized so that I just heaved a sigh because of frustration. I looked at the female staff with forced smile and walk back to my penthouse at the 30th floor of this building.

"Anong gagawin ko rito?" Tanong ko sa aking sarili habang naglalakad papuntang elevator.

"Nasubukan mo na bang buksan?" Nahinto ako sa paglalakad at dahan-dahang umikot paharap sa taong hindi ko inaasahan.

"Paul?" Kumindat ito at kinuha mula sa akin ang kahon. Aagawin ko na sana ito nang may nauna nang umagaw sa kahon. We're stunned to see Raph's deadly glare toward Paul. "Raph?" Tawag ko rito at para itong bipolar na biglang lumiwanag ang mukha na bumaling sa akin.

"Yes?" He asked while smiling at me widely.

Anong problema nito?

"Ah, wala. Okay ka lang ba? Bakit nandito ka?" Tanong ko rito at hindi ko maiwasang mag-alala dahil sa sinabi nito kagabi sa telepono.

"Wala naman, nakakalimutan mo ba na may date tayo? Bakit hindi ka pa naghahanda?" Pag-iiba nito sa usapan.

"Ano kasi eh, hindi ko alam kung paano ito ipapaliwanag." Alanganin kong tiningnan ito. "'Yang kahon kasi--"

"Sa akin galing ito." Putol n'ya sa pagsasalita ko, I blinked twice before I realized what he said.

"I-ikaw?" I asked him, stammering because of disbelief.

Tumango si Raph at saka walang pasabi na hinawakan ang kamay ko at hinila ako papasok sa nakabukas na elevator. "I'll pick you up at five. Be simple as possible. Ayokong may mga mata na tumingin sa'yo maliban sa mga mata ko." He said before he pressed the closed button ng elevator.

Gusto ko s'yang pigilan, gusto kong hilahin s'ya papasok ng elevator. Gusto kong papasukin s'ya sa penthouse ko at kausapin. Hindi ko alam kung ano itong nararamdaman ko, pero sana kung tama man ang kutob ko sa pagkakakilanlan ng pakiramdam na ito, hindi sana ako masaktan tulad noon.

SINIMSIM ko ang in-order kong kape habang naka-upo naman sa tapat ko si Paul Parker. I looked at him with my bored face and cross my legs like I used to do whenever I am not in a good state.

"How's Celine?" He asked.

My brows arched with his question like 'what the fuck?' "Why are you asking about my sister-in-law?" I coldly asked but he just chuckled and looked at me like I am the foolish man alive and it is getting in my nerves.

"Sister-in-law? Hindi sana mapupunta kay Clovis si Celine kung hindi kayo mga demonyo na umahas sa kan'ya mula sa akin!" Puno ng pait ang naging tugon nito.

"Is that all?" Walang kainteres-interes kong tanong dito.

"Anong 'is that all?'?" Tumayo ito at sinimulan akong duru-duruin, nagpipigil lang ako na pumikit habang naririnig ko ang mga tao na nagbubulung-bulungan ukol sa amin. "Your family is a heck of bitches kaya h'wag mo akong gagamitan ng gan'yang tono na akala mo ay walang--"

"Tantanan mo si Celine, Paul." Tumayo ako at lumapit sa kan'ya, he caught off his own tongue sa klase nang pagtitig ko sa kan'ya. "Kung ayaw mong makalimutan ko na kaibigan ka n'ya at ni Naomi." Pagbabanta ko, kita ko ang takot at gulat sa mga mata n'ya pero ngumisi lang ito sa akin.

"Sa harap ni Naomi, isa kang anghel na napaka-amo. Pero isa ka talagang demonyo katulad ng pinsan mo. Naituring kayo na mga Cross pero pang demonyo mga ugali n'yo! You're a lunatic psycho, Raphael." Nakangising-aso nitong litanya na nginisian ko naman.

Hinawakan ko ang baba nito at inilapit sa mukha ko, kita ko ang pagtigil ng paghinga nito at pagpapawis ng malapot. Napangisi ako, 'naturingang isang Parker, mukhang silahis naman.'.

"Edi ipagkalat mo. I dare you to shout that out Paul Parker. Because I do dare to shout out that you are an obsessed psycho na naghahabol sa isang babae na minsan ka ngang minahal pero tinalikuran mo dahil hindi mo matanggap na isa sa mga tagapagmana ng Cross ang gusto mo. At sa walong iyon, kailanma'y hindi naging parte nang pagpipilian mo ang nag-iisang babae namin na si Artemis Barron." Nanlaki ang mga mata ni Paul sa siniwalat ko sa kan'yang harapan. Pero hindi ko na iyon pinakatitigan, binitawan ko si Paul at tinawag ang waiter para sa bill.

I paid the bill and leave the place where Paul stayed frozen sa sikreto n'ya na alam ko mula pa noong nakilala ko s'ya.

Matagal ko nang kakilala at kaibigan si Paul. At lingid sa kan'yang kaalaman, alam ko ang kan'yang sikreto na pinipilit n'yang itago sa kan'yang mga magulang. I am not against him. Pero kung guguluhin n'ya ako, I will be his number one enemy pag nagkasira kami ni Naomi.

Pag-uusapan sana namin ang pagpapadala n'ya nang mga bulaklak at regalo kay Calvin at Celine. Walang alam si Clovis dito at gayundin ang hipag ko. Sadyang mas madami lang talaga akong koneksyon sa aming magpipinsan. Ipapatigil ko sana iyon kay Paul dahil ala ko kung anong demonyo ang nasa loob ng isang Cross pag sila'y naagrabyado at nagseselos. At dahil kaibigan s'ya ni Naomi, I want to do a favor for him, but he threw a wrong card to me for me to checkmate him.

"Mali ang Cross na tinakot mo, Parker. Maling-mali na ako ang pinili mo." Bulong ko sa aking sarili habang inaalala ang mukha nito matapos kong sabihin iyon sa kan'ya.

Sino nga ba mag-aakala na ang isang tulad ko na isang psychiatrist at psychologist at the same time ay kayang magkipaglaro sa katulad n'ya? Well, in Paul's case, obsessed na s'ya at wala na sa sarili noon pa. Lumala nga lang ang kalagayan nito nang magpakasal sila Celine at Clovis. Akala n'ya magiging kakampi n'ya si Phoenix na noo'y katulad na n'ya halos, but Angelica came and now, palapit na rin ng palapit ang kanilang kasal. He turned depressed and a living volcano na 'onting kibot pa'y matutuluyan na ito sa pagsabog at pagkahulog n'ya sa bangin ng walang maayos na katinuan.

Napabuntong-hininga na lamang ako, naikuyom ko rin ang kamao ko sa tuwing iisipin na manganganib si Naomi, mapunta man s'ya kay Paul, o sa akin.

Anong gagawin ko?

A.N: I will take this chance para magpasalamat sa mga bumati sa akin at may ginawang gimmick para sa birthday ko kahapon. Nakakataba po talaga sa puso, nakaka-iyak pero alam n'yo naman... I can't cry. Ahaahah XD stalk pa guys, but seriously I really appreciate that. Love you alot :) Happy Reading...

Bakit kaya nasabi ni Raphael na manganganib si Naomi sa kan'yang piling? Abangan ang magiging sagot at ihanda ang in'yong mga tissue at puso sa in'yong mga matutuklasan.

~AL20

Loving A Psycho (Cross Enterprise Series #3) | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon