"TATAY nandito na po ako ." Sabi ko pagkapasok ng bahay .Ibinaba ko ang mga grocery na binili ko at hinubad ang high heels ko ng may sumalubong sa akin na yakap . "Ate ! Miss na miss na kita !" Sabi ni Enrique na nakababata kong kapatid .
Niyakap ko rin ito at pinanggigilan ang pisngi . Sampung taon na ito pero napakalambing pa rin nito sa akin . Sana palagi ka na lamang na bata , Enrique . Tatlo kaming magkakapatid pero ang isa sa amin ay hindi ganu'n ka-close kay Tatay kahit ito pa ang kan'yang dugo't-laman .
Ikalawa kaming pamilya ni Tatay pero kami ang pinaka-gusto ng mga lolo at lola ko . Tatay married my mother dahil mahal n'ya ito at ang pagkakakilala nito sa ina ng kapatid ko ay pagkakamali kuno nito noong kabataan n'ya . But my brother is very close to me , mas close pa n'ya si Nanay kaysa sa sarili n'yang ama't ina na ang turing sa kan'ya ay isang pagkakamali lang .
"Eh si Kuya Cairo ? Umuwi ba o dumalaw man lang ?" Tanong ko dito kasi kasama ko si Kuya Cairo kila lolo at lola , 'yun nga lang hindi kami nagkakasabay dahil sa trabaho naming dalawa .
"Hindi pa Ate . Pero tumawag s'ya sa akin kanina sa telepono , dadalaw raw po s'ya ." Sagot ni Enrique habang hinahalungkat ang groceries .
"Wala d'yan ang marshmallows mo Enrique ." Sabi ko dito kaya naman napanguso ito sa akin saka ko inilabas sa handbag ko ang isang supot ng mga marshmallows na bababalutan ng chocolate . Lumiwanag ang mukha ni Enrique ng abutin n'ya ang paborito n'yang pagkain .
"Salamat Ate ." Anito habang yakap ako .
"Enrique , sino 'yang kausap mo ?" Sabay kaming napalingon ni Enrique sa pinanggagalingan ng boses .
Nangunot ang noo ko ng makita ang isang hindi kilalang babae . Hapit ang suot nitong dress at kita ang pagiging sopistikada nito sa unang tingin . Tumaas ang kilay ko saka binalingan ng tingin ang kapatid ko na mukhang napipi sa isang tabi .
"Sino ka ?" Tanong nito sa akin na ikinatawa ko ng pagak .
"Bakit ako ang tinatanong mo ? Pamamahay namin ito kaya ako ang may karapatang magtanong ng gan'yan sa'yo , sino ka ba ?" Mataray kong sambit dito but she just laughed , 'yung tawa na nakaka-asar .
"I am Guilford's girlfriend ." Anito na nagpatiim-bagang sa akin .
"Erika -- "
I dialed Cairo's number habang nakahawak sa akin si Enrique . "Kuya Cairo . Come here , now ." I said then I immidiately ended the call . Hinarap ko ang ama ko na nakatingin sa akin na parang nagulat na makita ako .
"Naomi --"
"-- don't dare to talk to me Tatay . Sa mga ginagawa mo , pinapatunayan mo lang na pare-pareho lang kayong mga lalaki ." Sabi ko at saka sinenyasan si Enrique na lumabas ng bahay at puntahan ang kotse ko na agad naman n'yang sinunod .
Nakita ko ang paghila ni Erika kay Enrique na agad kong pinaghiwalay . "Sino ka ba at kinukuha mo ang bata kay Guilford ?" Anito na ikinangisi ko .
Nameywang ako at hinarap s'ya . "Ako lang naman ang anak ng Guilford mo . Tanga ka ba o sad'yang napuno ng pangakong napapako ang tenga mo ? Kanina pa kami nag-uusap 'di ba ?" Mataray kong tanong dito .
Isang sampal ang dumapo sa pisngi ko . Tiningnan ko ang babae na ngayon ay nakangisi . Nakita ko ang panlalaki ng mga mata ng Tatay ko pero hindi n'ya pinigilan ang babae . "'Yan ! Bagay 'yan sa'yo !!" Anito at akmang sasampalin ako nito ng may braso na humarang sa kamay nito sa pagdapo ng sampal sa aking mukha . Sabay kaming tumingin dito at hindi nga ako nagkamali .
"Kakamatay lang ng nanay ko pero ito kayo , nakahanap agad ng bago ? Hindi na ba kayo nahiya sa amin ? Kay Enrique ? Alam ko naman na hindi impossible na nakita na ni Enrique ang ginagawa n'yo ng babae n'yo . Pero come on 'Tay , sana namili kayo ng ka-edaran n'yo at hindi ka-edaran namin ni Kuya Cairo ." Litanya ko bago balingan ang babae na napapangiwi na sa higpit ng pagkakahawak ni Cairo sa pulsuhan n'ya . "At ikaw , masosolo mo na ang Tatay namin pero pag may nalaman kami na hindi maganda , ipakukulong kita ." Sabi ko dito bago kinuha ang mga groceries na sana ay para kay Tatay at Enrique . "Dalhin ko na ito , mukhang madami ka namang tahong na makakain sa babae mo . Dadalhin na namin ang kapatid namin ." Paalam ko dito bago kami pumihit . Pero tumigil din ako at sa muli kong pagharap sa babae ay isang suntok ang natanggap n'ya mula sa akin na nagpabagsak sa kan'ya sa sahig .
We left the house at dumiretso sa bahay ng magulang ng magaling naming ama . At least doon , may mapapala kami dahil tanggap kami at wala kaming masasaksihan na mahalay sa bahay na ito .
I know Cairo is angry dahil ikalawang pagkakataon na n'yang nakita ang ama namin na may babae . Pero unlike that Erika , tanggap n'ya si Nanay na namatay lang isang taon na ang nakakalipas dahil sa isang car accident .
"Okay ka lang ba , Kuya ?" Tanong ko kay Cairo na tahimik lamang na naka-upo sa damuhan ng garden .
Naka-upo kami dito habang nasa kwarto na n'ya si Enrique . Our grandparents expected this kaya naman bukas-palad nilang tinanggap si Enrique na tuwang-tuwa naman na makilala ang kan'yang lolo't lola .
"I guess , I am . But you know , I am just lying ." Alam ko , nagsasabi na s'ya ng totoo .
I hugged him to comfort then I rested my chin on his shoulder . Leaving inches between our faces . Huminga ito ng malalim , alam ko kung gaano s'ya nahihirapan dahil ilang beses na ako nakaharap ng mga babae ng Tatay ko mula ng mamatay ang Nanay ko . Pero hindi ko iyon sinabi kay Cairo dahil ayokong maka-apekto iyon sa career n'ya .
"Thanks Hail , kasi nand'yan ka palagi . I can't live without you and Enrique ." Madamdamin nitong mensahe pero ngumiti na lang ako , I want to keep those things from him. I don't want to see him sad and angry. Ayoko .
"Naku , wala 'yun . Sino ba ang magtutulungan kundi tayo tayo lang din naman ." I said as I rest my head on his shoulder while looking at the midnight sky .
"Swerte ng magiging asawa mo , Hail ." Anito na ikina-irap ko lang .
"Duh , as if naman na may lalagpas sa mamasel-masel kong katawan ?" Pagmamayabang ko habang fineflex ang muscle ko dito .
"Adik . May makakalagpas pa rin d'yan sa plat mong muscle ." Pang-aasar nito kaya bahagyang sinuntok ko ang braso nito habang nakayakap pa rin dito .
"Masakit 'yun ah . Mapanaket ka talagang babae ka ." Sabi nito habang umaaktong nasasaktan .
"Hindi ako mapanaket . Maganda ako ." Buong pagmamalaki kong sabi dito.
"Oo , maganda ka kasi mana ka sa kuya mong gwapo ." Pagmamayabang nito .
Napangiti ako , gwapo naman talaga si Cairo eh . Cairo have this chinky blue eyes and blonde hair na pwede mo nang ihambing sa mga prinsipe ng UK pero hindi mo basta maihahambing si Cairo dahil nag-iisa lang ito . And I am proud to tell everyone that Cairo is my brother .
"Oo na . Ang hangin mo naman ." Pang-aasar ko na tinawanan n'ya lang .
I want a life like this , tahimik lang at walang gulo . I want to live like there is no tomorrow with my brothers and my friends na malapit ko ng makita muli .
HABANG nag-uusap ang magkapatid , hindi nila alam na mula sa malayo ay may mga pares ng mga mata na nakatingin sa kanila , nagmamasid sa kanilang ginagawa .
BINABASA MO ANG
Loving A Psycho (Cross Enterprise Series #3) | Completed
RomanceBEST BLURB from DAISY BOOK AWARDS 2020 Genre: Romance Sa dami ng mga kaso na lagi na lang hinahawakan ni Raphael , isa lamang ang naging kakaiba na gusto n'yang humagalpak ng tawa . A woman walked inside his clinic with her hilarious case . Alam n'y...