Chapter 11

141 10 5
                                    


PILIT ko mang kalimutan ang mga nangyari nang nakaraang araw, hindi ko mapigilan ang sarili ko na mapangiti dahil sa lalaking iyon. Pilit kong winawaglit sa isip ko ang itsura n'ya nang mahuli ko s'yang nagsisinungaling sa akin pero mas matigas pa ata ang ulo ko sa may-ari dahil pilit na pinapaalala ng aking isipan ang itsura n'ya na gustong magpahalakhak sa akin ng labis-labis.

"Naomi to Mars." Napakurap ako dahil sa boses ni Angelica na nagpagising sa lumulutang kong kaisipan.

"Talk to turtle." Pambabara ko rito na nagpa-ingos dito. Tumawa ako nang tumawa nang makita ang mala-pato nitong nguso na nanulis ng husto. Binato ako nito nang unan na huli na para aking iwasan. "Bakit ba namamato ka?" Tanong ko rito na ginantihan n'ya lang ng nakakalokong ngisi.

Anyare sa babaitang ito? Ano 'tuh? Sinaltik ng umalis kami sa Colmenar Viejo?

Sa isiping iyon ay nangilabot ako at napayakap sa aking sarili. Muli ko s'yang tiningnan at saka iniunat ko ang aking braso sa kan'ya at pinagkrus ang dalawa kong hintuturo habang nakapikit.

"Anong ginagawa mo, Hail-tot?" Tanong nito, sinilip ko ito at nakakunot ang noo nito habang nakameywang ito sa harapan ko.

"Baka kasi nabaliw ka na nang tuluyan ng umalis tayo ng Colmenar Viejo eh. Ayoko mahawa o kaya'y masapian ng kung ano man na mayroon ka ngayon!" Humagalpak sa pagtawa si Angelica na nagpakunot naman sa noo ko. "Anong nakakatawa, Ange?" Tanong ko sa kan'ya at ng hindi ito tumigil ay sinamaan ko ito ng tingin na nagpatigil sa kan'ya. Maluha-luha pa itong humarap sa akin bago ito nagsalita.

"Ako? Mababaliw? Sasapian? Masyado naman akong maganda para ma-take nila." Pagbubuhat n'ya nang sarili n'yang upuan na nagpangiwi sa akin.

"Sa pagkakaalam ko, maganda ang panahon ngayon para mamasyal, Ange. Pero tingin ko babagyo anumang oras magmula ngayon." Nagpalinga-linga ito at nagmamadaling sumilip sa bintana nang hotel na tinutuluyan namin.

"Maaliwalas naman ah. Paano mo nasabing babagyo?" Nagtataka nitong tanong.

Napa-iling na lang ako at kinuha ang tuwalya ko na gagamitin ko sa aking pagligo. Matalino nga, slow naman. "Masyado ka kasing mahangin Angelica. Slow." Pang-aasar ko rito at nakita ko ang pagkainis nito't paghabol sa akin sa banyo pero bago pa s'ya makalapit, sinara ko na ang pintuan kaya naman walang nagawa si Angelica kundi katukin ako nang katukin.

"Lumabas ka rito bruha! Sinong slow? Lumabas ka rito o kung hindi, papasukin kita d'yan!" Anito at wala akong ginawa kundi ang tumawa habang nakatakip ang malambot na tuwalya sa aking bibig.

"H'wag kang papasok dahil hindi kita papatulan!" Pang-aasar ko rito.

"Baliw!" SIgaw nito.

"Doon ka kay Phoenix mo, for sure papatulan ka nu'n" Nakangisi kong pang-aasar dito.

"Doon ka kay Cerebro bruha ka! Magpacheck-up ka dahil mukhang nababaliw ka na!" Anito at napabulalas na ako nang tawa.

"Ang dami mong alam, lumayas ka nga't maliligo ako!" Pagtataboy ko rito.

"Bilisan mo, maliligo rin ako." Anito at narinig ko na lamang ang papalayo nitong yabag kaya naman nagsimula na akong maligo habang hindi na naman nilulubayan ni Raph ang aking isipan.

MASAYA kaming naglalakad ni Angelica habang binabaybay namin ang daanan papunta sa isang sikat na ramen shop dito sa siyudad ng Tokyo. Masasabi kong masaya pala ang pamamasyal paminsan-minsan. Ngayon ko lang ito nalaman dahil hindi ko naman talaga gawain ito sa pag-iisip ko na sayang lang sa pera ang pamamasyal kung sa isang litro lamang ng gasolina ay makakarating ka na kung saan-saan sa Pilipinas. Mukhang hahanap-hanapin ko ito.

Loving A Psycho (Cross Enterprise Series #3) | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon