"THEN make her take a one month vacation ." Sabi ko sa kausap ko habang patuloy na binabasa ang mga updates ng mga pasyente ko na pinadala sa akin via e-mail mula Colmenar Viejo ."I will make sure that she will take that ." Tugon ni Karlo .
"Good , sige , I need to go I have some reports to check on ." Paalam ko dito bago tapusin ang tawag .
Pinagpatuloy ko ang pagbabasa ko at pag-inom ng kape . Gusto kong matapos na ang trabaho ko sa ibang branches nv Cross Hospital bago ako bumalik ng Colmenar Viejo .
Tama na muna marahil ang pagmanman ko kay Naomi . Tama na muna ang pagtulong ko sa kan'ya , kailangang ang kompanya naman ang asikasuhin ko at hindi ang ibang tao .
Nangako ako na babawi ako kay Naomi , hanggang ngayon ay 'yun pa rin ang nasa isip ko pero hindi mapagkakailang dahil dito sa pagbawi na ito ay napapabayaan ko na ang Cross Hospital . I may have been irresponsible in my treatment toward her before but I still have some priorities to do , and that is to manage the Cross Hospital all over the world .
"HINDI ka na pala magpapapigil , 'insan ?"
"Hindi na . It's time for me to go back to Spain . Ayoko namang mapabayaan ang tamging pina-iingatan sa akin ni Abuelo . Kayo na muna bahala dito , at ikaw na muna ang bahala sa kan'ya , Leo ." Bilin ko sa mga ito .
We are close to each other . Kahit pa nagkagulo kami dahil kay Phoenix four years ago . Pero tatlong taon na mula ng magpakasal sina Clovis at Celine , tingin ko naman ay makaka-move on na ito sa obsession n'ya sa babaeng iyon .
We group hugged and bid our goodbyes as I started to walk toward the entrance o my private plane .
One of the benefits of a CEO of Cross Enterprise branches are a private plane and private landing areas sa buong mundo . We are always travelling dahil na rin sa nakakalat ang Cross Enterprise na ang main o ang puso ay pinangangalagaan ng pinsan kong si Clovis Falcon .
"Four years akong nanahimik matapos n'yo akong gaguhin . Nanahimik ako at naging tapat sa pagserbisyo ko at sa pagturo sa mga bata na kapatid ko na ituring tapos dahil sa tahong na mukha pang talaba ni Carrie , bibigay kayo at sisirain n'yo ang buhay ko ? Magsama kayo sa impyerno !! Mamatay na kayo mga lalaki kayo !! Wala kayong binigay sa'kin kundi sakit sa puso !! Sinusumpa kong lahat ng napaghirapan n'yo ay mabubura at mawawalan ng saysay . Hihilahin ko kayo pababa sa burak ng kahihiyan !!"
Dumungaw ako sa bintana at doon ko nakita ang kalangitan .
I saw Naomi's pain while saying those words . I am guilty dahil isa ako sa mga responsable sa nangyayari dito . I am a psychiatrist , a professional psychiatrist pero tinawanan ko s'ya which is so unprofessional to me . Dinala ko ang problema ko sa trabaho ko na hindi nararapat na gawin ng tulad ko . But I still did it . Kaya nagkukumahog ako ngayon para makabawi .
Sinalubong ako ni Phoenix sa airport tulad ng usapan namin . He is different , but I don't mind it , madami akong problema para usisain pa ang lalaking ito na napakataas ng libido rate sa katawan .
"Saan tayo ?" Tanong nito .
"Rotterdam's ." I simply answered .
Napasin ko na bahagya itong nabigla pero patuloy lang s'ya sa pagda-drive papunta sa bahay ni Angelica . Alam n'ya iyon kahit 'di ko sinasabi ang direksyon .
Magkakilala na ba ang dalawa ?
Pero bago pa ako makapagsalita ay natanaw ko na sina Karlo at Gil na nag-aabang sa amin .
"Wazzup ?" Bati ni Gil sabay hand shake sa akin .
"Si Ange ?" Tanong nito at saka nito niruwestra ang simple pero eleganteng tarangkahan .
BINABASA MO ANG
Loving A Psycho (Cross Enterprise Series #3) | Completed
RomansBEST BLURB from DAISY BOOK AWARDS 2020 Genre: Romance Sa dami ng mga kaso na lagi na lang hinahawakan ni Raphael , isa lamang ang naging kakaiba na gusto n'yang humagalpak ng tawa . A woman walked inside his clinic with her hilarious case . Alam n'y...