Chapter 9

1.7K 29 1
                                    

Sa wakas ay nakarating din sa bahay sina Lenie,
bumaba si James mula sa drivers seat at agad na binuksan ang frontseat at passenger seat,

sa pagkakataon na nito ay d na nya inalalayan si Jonas na makababa,sa halip ay ang ate Lenie na lng ang inalalayan ni James,

"tulog na pla yang bunso mo ate Lenie"

"oo nga eh,nakatulog sa pagod,"

"ako na magbuhat nyan ate Lenie"

"naku wag na,kaya ko pa nmn ito,pki baba na lng ng pinamili nmen at nang makapagpahinga kn din"

"Jonas,pkitulungan mo na lng si James ibaba ang dala ntin,ipapasok ko lng mga bata,"

"opo ate Lenie,"agad nmang pumunta sa likuran si Jonas para sundin ang utos ng ate Lenie nya,ngunit pinigilan sya ng binata na bitbitin ang ilang plastic bag na pinamili nla,

"ako na,kaya ko na yan,"diin nitong tugon sa kanya.

"kaya ko din nmn magbuhat eh"sagot nya sa binata,sabay hablot sa isang plastic bag,

may tensyong mang namamagitan sa knila ay nananatiling kalmante prin ang binata,

Nang maibaba lahat ang pinamili nla Jonas ay ipapasok na sana nito sa loob ng bhay ng bgla syang dinaklot sa braso ni James upang pigilang pumasok sa bahay,

"Jonas kailngan ntin mag usap"

"wla tayong dpat pag usapan James,"madiin nya tugon sa binata.

"iniiwasan mo ba ako?"

"ako ba ang umiiwas huh?!,bitiwan mo ko!bago pa tayo makita ni ate Lenie!,"

sinalubong nya ng matalim na tingin ang binata.

Damang dama ni James ang galet sa knya ng dalaga kaya unti unti nitong niluwagan ang pagkahawak sa knyang braso hanggang sa tuluyan nya itong binitawan.,maya maya ay bumukas ang pintuan at iniluwa si Lenie,

"Jonas pasok mo na sa loob yang mga yan"..at bumaling nmn ito kay James.

"James salamt sa abala ah"nakangiti ito sa binata,

"wlang anuman yun ate Lenie,cge tutuloy na po ako"

"cge mag ingat ka pagmamaneho"
sinipat nya ang dalagita at nakita na itong pumanhik na rin sa taas ng bhay.

Inihatid ng tanaw ni Lenie ang binata hanggang sa nakaalis ito,at tuluyang sinarado ang pinto.

Nakahiga man,ngunit nakatingin lng sa kisame si James,
naninibago sya sa trato sa knya ng dalagita,

ayaw nya na bina balewala sya nito,
ngunit inisip nya na sya nmn tlga ang unang umiwas dto dhil ayaw nyang mahulog ang loob nya rito,

dpat ay maging masaya sya dhil naging matagumpay ang plano nya ,
ngunit nasasaktan sya at parang ayaw magpunyagi ng damdamin nya,

naisip din nya na nagbago na ang damdamin ng dalaga para sa knya,,kaya nagpasya syang tuluyan na rin nyang iwasan ito.

"maybe its about time to let her go"buong pasya nya sa sarili,

nakaramdam man ng panghihinayang at labis na kalungkutan sa desisyon,ay pinilit nyang iwaksi sa isipan nya ang dalagita,hanggang sa tuluyang syang nahimbing..

"Jonas, may inbetasyin ka pla sa debut ni Mecca bket d mo snvi para makabili tau nang maisusuot mo?"untag nmn ng ate Lenie nya habang cla ay nag aalmusa kinaumagahan.

"Naku ate wla nmn ako hilig sa ganyan eh,"

"ikaw tlga bata ka para kang manang,dpat sa edad mong yan ay nakikihalubilo ka sa mga kabataan na katulad mo,"

"eh ate,wla din nmn ako masyado kilala dto eh,si Mecca nakilala ko lng kasi bumili sya sa tindahan"

"kaya dpat naranasan mo yung mga ganyang pagtitipon,para makasalamuha mo ang ibng kabataan dito,"

"nahihiya tlga ako ate pumunta eh"

"mas nakakahiya kay Mecca kung di ka pumunta,at isa pa kasali ka ata sa maikling programa sa debut nya,at isa pa nabasa ko sa inbetasyon kasama si Ricky,kaya may kakilala ka dun,"

"wla din ako masuot ate eh"

"wag kng mag alala my kakilala akong pangpaparenta ng mga gown,paaayusan din kita sa parlor ng kaibigan ko"

"naku ate Lenie,wag na po!nakakahiya po sa inyo,binilhan nyo na po kme ni Almira ng gamet sa eskwela,tpos gagastus ka na nmn para sa debut,masyado na po kalabisan yun,"

"wag kang mag alala,mura lng nmn maningil ang mga yun,d nmn ako gagastos ng malaki,basta pupunta ka sa party,enjoy mo na yung natitirang bakasyon mo"

"kayo po ang bahala ate"khit anung dahilan nya ay tlgang pursegido ang ate Lenie nya na dadalo sya sa party.

"ayan,pumayag ka din,makikita mo mag eenjoy ka dun" halatang mas excited pa si Lenie kesa sa knya,

Maagang makauwe ng bahay si James mula opisina isang beyernes ng hapon,pagkatpos nyang magpresinta ng knyang mga designs para sa bagong itatayong condominium sa parte ng lungsod ,pumuslit sya dhil nagpupumilit kasi si Lara na magdinner date sila,kaya tinakasan nya ito.

Nadaan ni James ang isang compound na tela nag aayos ng mga mesa at sound system,nahagip sa knyang mata ang decorasyon na "Happy 18th Birthday Mecca",bgla nya naalala na may poproxy-han nya pla ang pinsan nya,kaya kailngan din ang presenya nya sa pagtitipon na yun,

"Lenie,saang diwata ba ng Encantadia nakatira ang pinsan mo?"tanung ng baklang manghang mangha sa kinalabasan ng ayos ng light make up ni Jonas,pati ang buhok nitong nilugay ngunit sadyang inalon alon,lalo nagpalakas ng kanyang sex appeal ang kanyang sout na light blue spaghetti strap na fit hanggang beywang at medyo revealing ang parteng dibdib nito na angkop nmn sa knyang hinaharap,
mas lalo pa itong magmukhang elegante dahil sa mga embroidered na maliliit na dark blue na paruparu ang bndang baba ng long gown na lagpas hanggang sakong,na tenernohan ng silver na sandal na d nmn kataasan ang takong nito.

"Jonas para kang diosa sa sout mo!naku ha,Jonas wag ka magpapaligaw doon ah,"bilin ng kanyang ate Lenie na halatang nagbiBiro lng din nmn,

"Si ate Lenie tlga puro biro,"nakangiting tugon nya dito.

"Totoo nmn kasi ang ganda mo,kaya pinaalalahanan lng kita,kasi tiyak na marameng magkanda ugaga magsayaw syo sa party,pero pwede nmn bsta hanggang sayaw lng,ang mahalag ay mag enjoy ka,"

"d nmn ako marunong magsayaw ate,parehas kaliwa paa ko,kawawa lng makakasayaw ko,mamamaga ang paa,"

"hahaha,yun lng!"tugon ni Lenie sa pinsan,

"o sya,,sandali at tatawag lng ako ng tricycle na masasakyan ntin,ihahatid kita doon,"

"susunduin mo din ako ate Lenie pag uwe ah,kc medyo gabe na rin ata matatapos yun,"

"oo nmn,hating gabe na kaya yun matatapos ,mamaya lokoloko yung masaytan mo at dalhin kapa kung saan,susunduin kita sakto sa oras ng uwe,"paniniguro ni Lenie sa pinsan,di pa man nakakalayo ang pinsan at tinawag nya ito.

"ate Lenie",humarap ito kay Jonas at niyakap nya ito.

"salamat tlga ng marame"pabulong nya sa pinsan,

"wla yun,anu ka ba,parang kapatid na ang turing ko sayo,mabait kang bata kaya ako dpat ang magpasalamat sayo,kasi malaki ang tulong mo sakin sa tindahan ko,"

Naluluha naman si Jonas dahil ramdam nya kung gaanu sya tinuring bilang ulisang tunay na kapatid ng kanyang pinsan.

"Teka baka magkaiyakan pa tayo dito sayang kung mabura yang make up mo at malukot yang suot mo"

Sabay silang nagtatawanan habang kumakalas ng pagkayap si Jonas at ang pinsan naman ay lumabas upang kumuha ng kanyang masasakyan pahatid sa debut party.

I Love You Since I Was Sweet 16Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon