chapter 27

1.3K 21 2
                                    

Tatlong linggo na ang nakalipas mula ng
maumpisahan ang renovation sa bahay ni James at isang linggo na lang ang tantya ni Jonas ay matatapos na ang pagsasaayos..

Nag email na rin si Jonas ng mga recommended nyang pictures ng mga furnitures na naaangkop sa bagong ayos ng bahay ng binata ngunit di naman ito nag rereply..

Sa totoo lang lang medyo nalulungkot si Jonas dahil sa loob ng tatlong linggo ay di nya nakita si James dahil ayon kay aling Meding ay naglagi daw ito sa hotel dahil may project daw itong sinisimulan..

Kinahapunan ay naghanda nang pauwe si Jonas ng saglit silang nagkwentuhan ni aling Meding..
sa gitna ng kanilang kwentuhan ay tinawag sya ni Mang Caloy at nagulat sya ng nakita ang binatang kasama neto..

" sir Bryan!a-anung ginagawa mo dito.?"
nakangiti na may halong pagkabigla si Jonas ng makita si Bryan..

"may pinuntahan kasi ako malapit dito kaya naisip ko na dumaan na lang ako dito.."

"Jonas..mukhang kilala mo naman ata itong naghahanap sayo..maiwan muna namen kayo"

"opo Mang Caloy anak po sya ng boss ko..si sir Bryan po"

"Magandang hapon po sa inyo.."
Magalang na tugon ni Bryan sa mga matanda..

"Magandang hapon din sayo..o sya Jonas
maiwan na muna kita maghahanda lang ako ng hapunan.."

"sige po aling Meding.."

At nang nagkasarilinan na ang dalawa ay namayani sa kanila ang saglit na katahimikan..kaya si Bryan na ang bumasag dito..

"Jonas may gagawin ka pa ba?"

"ehm..wala na naman..actually pauwe na talaga ako.."

"sige hatid na kita.."

"naku sir Bryan nakakahiya po baka maabala pa kita.."

"ayan ka na naman tinatawag mo na naman akong sir"

"ay paxenxa na..nakalimutan ko Bryan lang pala.."

"so? are you ready to go?"

Tumango na lang si Jonas bilang pagsang ayon..

Paalis na sana sila ng may pumaradang kotse sa may tapat nila at nakilala nya ang may ari ng sasakyan..

Bumaba ang driver ng kotse at salubong ang kilay nitong nakatitig sa kanya..

"James!?"
bulong nya sa sarili habang ang kanyang puso ay bumiis na naman sa pagtibok...

Nagtaka at naitanung ni James sa sarili kung kaninong kotse ang nakapark sa may tabi ng kanilang bakuran ngunit di na lang nya inabala ang sarili upang alamin pa ang may ari ng kotse at nag tuloy ito sa loob ng kanyang bakuran..

Pagpasok ni James sa kanilang bakuran ay napansin nyang may dalawang nakatayong imahe sa entrada ng kanilang bahay at mukhang sweet ito habang nag uusap at habang papalapit sya ay nakilala nya na si Jonas at si Bryan pala ito..
Naningkit ang kanyang mga mata dahil sa kanyang nasuilayan at sa di maipaliwanag ay bigla syang tinadyakan ng selos..

Habang papalapit si James sa kanilang kinatatayuan ay ayaw tumigil sa kakatambol ng dibdib ni Jonas..

"good evening Mr.Smith"
magalang na tugon ni Bryan..

Ngunit seryoso ang tingin ni James kay Bryan at pumukol ng matalim na tingin kay Jonas..

"what are you doing here Bryan..i guess you'll already knew that Jonas has a job in my place"
derechahang sabi ng binata kay Bryan..

"yes Mr. Smith i was informed..but i guess she's already done with her job for today..and i hope it is not forbidden if i fetch her up.."

Dahil sa sinabi ni Bryan ay nagkasukatan ng tingin ang dalawang binata at naramdaman ni Jonas ang tensyon na namamagitan sa dalawa kaya si Jonas na ang gumawa ng paraan para maibsan ito..

"ahm..Bryan tayo na.."
at bahagya syang tumingin kay James..

"b-bye M-Mr.Smith.."
alangan na paalam ni Jonas..
Tumango na lang si Bryan kay James at ganun din si James..

"damn!"
mura ni James sa sarili dahil di nya napigilan ang sarili sa kanyang panibugho..

Walang imikan sila Bryan at Jonas sa loob ng kotse ng binata at maya maya pa ay nakarating sa sila sa tapat ng apartment ni Jonas..

Bababa na sa si Jonas ngunit pinigilan sya ni Bryan..

"Jonas wait"
seryoso ang mukha ni Bryan..

nagpapigil naman si Jonas at tahimik na nakiramdam sa mga susunod na sasabihin ni Bryan..

Nag ipon ng lakas ng loob ang binata bago ulet ito nagsalita..

"Jonas matanung ko lang may gusto ba sayo si Mr.Smith?"

Nabigla si Jonas sa tanung ni Bryan..

"w-wala..alam mo naman na may girlfriend na yun diba?"

"para kasing nagseselos sya kanina eh.."

"hindi naman siguro,,"

"Jonas lalaki din ako kaya nababasa ko ang mga ikinikilos nya.."

Nanatiling tahimik si Jonas..

"ako Jonas may pag asa ba ako sa puso mo?"
tahasang tanung ni Bryan..

"Bryan ka-kasi.."
nag aalinlangan si Jonas na magsalita kay Bryan..
ngunit di na pinatapos pa ng binata ang sasabihin ni Jonas..

"it's okay Jonas i understand.."
malungkot na tugon ni Bryan..

"I'm sorry.."
bukod tanging nasabi ni Jonas..

"don't worry I'm fine..after all naging honest ka sakin.."
nakangiti ang binata sa kanya..

Kahit panu ay nakaramdam ng relief si Jonas para sa binata..

"friends.."
Sabay abot ni Bryan sa kamay ni Jonas..

"friends"
at nakipagkamay naman ang dalaga sa kanya..

Kahit panu ay naging panatag si Jonas ng maghiwalay sila ni Bryan..
Kung pwede nga lang na matuturuan ang puso ay si Bryan ang una nyang pipiliin pero di nya kayang dayain ang kanyang puso na tanging si James ang isinisigaw..

Inis na pabagsak na humiga si James sa kanyang kama..

"why do i have to get jealous when i supposedly to  ignore her?"
tanung ni James sa sarili..

Ngunit kahit anung gawin na pag iiwas nya sa dalaga ay iba ang kanyang nararamdam sa tuwing nakikita nya si Jonas..

Tulad ng ilang linggo nyang pamamalagi sa hotel..ang buong akala nya ay makakalimutan nya si Jonas ngunit lalo lang pala nyang pinahihirapan ang kanyang sarili dahil kahit saan nya ibaling ang kanyang tingin ay ang mukha ni Jonas ang kanyang nakikita..

"Jonas..how can i forget you.."
malungkot nyang tanung sa sarili..

Sa gitna ng kanyang pagmumuni ay tumunog ang kanyang cellphone at si Lara ang rumihistro dito..

"Lara.."
matabang nyang sagot

"finally you answer my call"
himig na pagtatampo neto..

"sorry..i got busy over does weeks.."

"it's okay..but you have to make it up with me.."
himig na paglalambing ni Lara..

"Lara I'm tired..i need some rest.."

ngunit talagang mapilit si Lara na magkita sila ng binata..

"okay..but i will be in your house tomorrow..we can rest in your bed together.."
may pang aakit na himig ng babae sa kabilang linya..

Sa totoo lang laking sisi ni James kung baket pa ba nya sinagot ang tawag ng babae..tuloy ngayun kinukulit na naman sya neto kaya wala syang nagawa kundi ang sumang ayon na naman dito..

"okay.."
tipid nyang tugon

"oh darling you made me happy..just don't go anywhere tomorrow i will make you relax.."
masayang tugon na may himig pang excitement si Lara..

"okay..bye.."

Dinig nyang may sasabihin pa ang babae sa kabilang linya ngunit di na sya nag abala pang pakinggan pa ito..





I Love You Since I Was Sweet 16Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon