chapter 32

1.4K 34 2
                                    

Hanggang sa opisina ay nakalutang parin sa saya ang isip ni Jonas..

Nakaharap man sya sa kanyang computer ay makapalumbaba syang nakangiti at iniisip ang nakangiting James sa kanyang diwa kaya naman di na nya namalayan ang paglapit ni Bernie sa kanya...

"hoy anung ningitingiti mo jan!?"
pabiglang untag sa kanya ni Bernie..

"ay baklang butandeng!"
ang nabigla nyang nabigkas!

"ay grabe sya!personalan to beks!"
pabirong angal ni Bernie sa kanya ngunit nakangiti naman ang kaibagan dahil alam nyang nagbibiro lang din si Jonas..

"sorry! ikaw kasi nanggugulat ka dyan!"
umayos si Jonas at nagkunwareng may kinakalimot sa harap ng computer..

"hoy beks.. blooming ka ngayun.. mukhang maganda ang awra naten today"
nakangiting usisa ng kanyang kaibigan..

"inborn yang pagkamaganda ko beks..
kaya naman ako masaya kasi kunti na lang at matatapos nako sa project ko"
alibi nya kay Bernie..

"etchosera ka talaga beks..kanina pa kita pinagmamasdan..pangitingiti ka..at mukhang kinikilig pa dyan!kumikislapkislap pa nga yang mata mo eh tapos sasabihin mo na wala lang!?wag mong sabihin na nababaliw kana?"

Patawa tawa lang si Jonas kay Bernie..

"sige na sabihin mo na saken kung sino ba yung iniisip mo?"
maintrigang tanung ni Bernie..

"wala nga beks..sadyang masaya lang ako ngayung araw.."

"Jonas wag ka nang magkaila pa saken..alam kung may nagpapakilig sayo..pero sige huhulaan ko na lang kung sino.."
kunware na nag iisip pa si Bernie at ilang segundo ay nagbanggit ito ng pangalan..

"hmm..si Mr.Mesherep anu?"

"ha!?n-naku hindi ah?"
pinamulahan nya ito ng pisngi at natatawang pinagkaila ni Jonas ang hula ng kaibigan pero ang totoo ay si James na talaga ang sumakop sa kanyang isipan kanina pa..

"naku Jonas kahit magdeny kapa ng 100 times di mo ko malilinlang! kitang kita sayo na nagba blush ka!"
kinikilig naman ang kaibigan sa kanya

natatawa na lang ang dalaga sa reaksyon ng kanyang kaibigan..

Maya maya ay tumunog ang kanyang cellphone at unknown caller ang rumihistro dito..

"hello.. Jonas is on the line who is this?"
masayang bati nya kahit di pa nya alam kung sinu ang kausap..

"Jonas..its James.."
lalong gumuhit ang ubod tamis nyang ngiti ng marinig ang binata sa kabilang linya..

"J-James. napatawag ka..?"
nag aalangan mang tawagan lang ito sa pangalan ang binata dahil kaharap nya ang kaibigan na noo'y kinikilig na nakikinig sa kanilang usapan..

"actually i check your email then i saw your crafts and furnitures proposal and i kinda like it"

"thanks.."

" are you free today so you could help me buy those stuff?

"s-sige..may alam akong na shop na mura at de kalidad na furnitures..text ko na lang sayo ang address at magkita na lang tayo dun.."

"no need..I'm here in front of your office..ready to fetch you.."

"ha!?"
dahil sa narinig sa ay dali daling lumabas sa opisina si Jonas at nakita nga nya ang binata na nakatayo  sa labas ng kanilang opisina..

"hi.."
nakangiting bati aa kanya ng binata nang makita sya neto..

Di maipaliwanag na saya ang naramdan ni Jonas ng makita nya ang binata..pakiramdam nya ay tumigil ang mundo pansantala at bukod tanging si James at sya ang tanging tao ang nanduduon sa mga oras na yun..

I Love You Since I Was Sweet 16Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon