Dahil napa aga ang pagpasok sa opisina ni Jonas ay nagkaroon pa sila ng pagkakataon na magkwentuhan ng kaibigang beki na si Bernie..
"ikaw beks ha..na sayla kita nung party na kasayaw yung mesherep na afam na isa sa may ari ng hotel..infairness bagay kayo"
kilig na pagkukwento ni Bernie kay JonasAng ilang salita na ginamet ni Bernie ay lenggwahe ng mga beki tulad ng "sayla" na ibig sabihin ay nakita at afam na ibig sabihin naman ay lalaki.
"naku beks..aksidente lang yun kasi sinalba lang ako mula dun sa manyakis na nakipag sayaw saken ng una.."
paliwanag ni Jonas sa kaibigan."etchosera ka beks..alam ko na yung mga ganyang eksena kunyare may pa deny deny pa..ang ending baka maging kayo na"
"malabong mangyare yun beks..may girlfriend yun at isa pa di ako type nun"
"panu mo naman nasabi na di ka type nun?nakilala mo na ba dati yun?"
Nabigla si Jonas sa tanung ni Bernie..
At biglang naalala ni Jonas ang tagpo nila ni James sampung taon na ang nakalipas.."gusto pero di mahal..."
ang tangi nyang naibulong sa kanyang sarili."hoy Jonas!baket bigla kang natahimik dyan? ang sabi ko kung nakilala mo na ba yung gwapong lalaki kagabe?"
"H-hindi ah..kagabe ko lang sya nakilala"
Pag deny nya sa kaibigan"eh baket mo nga nasabi na may girlfriend na sya at di ka nya type?"
"ka-kasi anu,,nakilala ko ang girlfriend nya sa paty..Lara ang pangalan"
"Talaga?akala ko walang girlfriend yun..sayang bagay pa naman kayong dalawa"
may bahid na panghihinayang ang tono ni Bernie."kaya wag kana mag ilusyon na magiging kame beks.."
"okay lang yun kasi may isa ka pa namang chance"
kinikilig na ininguso ni Bernie ang binata na kadadating lang at nakangiti ito sa kanilang kinaroroonan."good morning Jonas buti at naabutan kita ngayun"
"good morning din po sir Bryan"
"Jonas naman tayo lang naman dito eh baka pwede Bryan na lang..nakakailang naman kasi ang sobrang pormal mo..eh halos dalawang taon lang naman ang tanda ko sayo"
"sir Bryan nasa place of work po tayo at isa pa di lang naman tayo ang nandito eh.."
"good morning sir Bryan"
nakangiti si Bernie habang binabati ang binata.Pilit na ngumiti si Bryan sa beking kaibigan ni Jonas
"okay i get it..pero sana this time di mo na tatanggihan ang alok kong dinner date,,i heard it from my mom na tapos na ang project nyo sa hotel..so it means wala ka nang excuse para tumanggi"
"o -okay sige "
Tuwang tuwa naman si Bryan nang marinig ang pagpayag ni Jonas sa imbitasyon ng binata.
"yess sa wakas!..i will pick you up after work today para sure talaga na di kana makaaayaw"
parang nanalo sa lotto ang hitsura ni Bryan"sige sir Bryan"
tipid nyang tugon sa binata.Si Bryan ay anak ng may ari ng agency kung saan nagtatrabaho si Bernie at Jonas.
Matagal nang nagpaparamdam ng pagkagusto si Bryan kay Jonas ngunit di pinapansin ng dalaga ang mga palipad hangin ng binata kaya ganun na lang ang pagkatuwa ni Bryan ng pumayag si Jonas na makipag date dito.
Gwapo din naman ai Bryan..matangkad..mabait..ideal man din naman kung ilarawan ang binata ngunit sadyang wala talaga syang nararamdan na pagtatangi para sa binata.
Maya maya ay naagaw ang pansin nila sa boss na si Madam Rusell kung tawagin ng kanyang mga tauhan na naglalakad papasok sa opisina neto na may kasamang napaka gwapo lalaki at kilala ni Jonas kung sino iyon!
"James!?"
paanas nyang nabanggitNapansin si Bryan ang panlalaki ng mga mata ni Jonas sa kasamang binata ng kanyang ina.
"kilala mo ba sya Jonas?"
untag sa kanya ni Bryan.."ha?!h-hindi.."
"sige papasok na ko sa office ko,,pero wag mong kalimutan yung date naten mamaya.ah.."
"opo sir Bryan"
Ubod tamis pang ngumiti si Bryan kay Jonas bago ito pumasok sa opisina neto,dito din kasi nagtatrabaho ang binata bilang Marketing Manager.
Tumango na lang si Jonas sa binata bilang pagsang ayon dito.
Umupo si Jonas sa harap ng kanyang computer na nakapwesto sa kanyang cubicle ngunit nakatitig lang sya sa monitor ng computer..
"Anung ginagawa nya dito?"
tanung ni Jonas sa sarili habang nararamdaman nya ang pagbilis ng tibok ng kanyang puso ng maisip si James."hoy beks..anu iniisip mo? yung date nyo ni sir Bryan o yung mesherep na bagong dating?"
Imbes na nainis ay natawa na lang si Jonas sa kaibigan dahil sa expression ng mukha neto habang nag sasalita.
"parehas di ko sila iniisip..iniisip ko kung anu na naman ang bago nating project"
alibi ni Jonas sa kaibigan."naku beks..puro na lang trabaho nasa isip mo..magka lovelife kana..push muna yung date kay sir Bryan.."
"pumayag na nga ako di ba!?"
"kaya nga nagtaka ako kung baket ka pumayag anu ba nakain mo ha?"
"kala ko ba gusto mo na ako magkalovelife baket ngayun nagtataka ka kung baket ako pumayag?"
mataray na tugon nya sa kaibigan"asus ito naman,,napipikon agad..syempre support ako sayo beshy..ang hiling ko lang naman ay sana makain mo araw araw yung kinakin mo ngayun para magtuloy tuloy ka ng magkalovelife.."
malambing na tugon ni Bernie sa kaibigan.Napatawa na lang si Jonas kay Bernie dahil sadyang naaaliw talaga sya dito at kahit sa anumang bagay at lalo na sa trabaho ay ramdam nya talaga ang buong suporta sa kanya ng kaibigan.
Natigil ang pagkwentuhan ng magkaibigan ng lumabas si Madam Russell mula sa opisina na may hawak hawak na papel at tinawag ang kanilang atensyon.
"Good morning everyone..di lingid sa inyong kaalaman na napaka successful ang interior designed naten sa bagong bukas na hotel sa lungsod kung kaya naman marame mga client ang gustong mag avail sa ating services..at lubos akong magpapasalamat sa sipag at tyaga ninyo..good job guys..."
at nagpalakpakan ang iilang mga empleyado dahil sa tuwa at papuri ng kanilang boss..
"as i continue..here are the lists ng mga bago naten project..i divide it into four team leaders..each project ay may isang team leader at apat na kanyang makakasama..so tignan nyo na itong nakasulat na mga project at sabihin nyo saken kung may papalitan sa mga assigned group nyo.."
Isa isang tinawag ng kanilang boss ang mga asigned team leader sa bawat project..
Napabilang si.Bernie na maging team leader at ang project neto ay sa isang bagong tayong condo unit..
Tinignan ni Jonas ang bawat papel ng mga kasamahan pati ang kay Bernie upang hagilapin ang kanyang pangalan ngunit hindi nya talaga makita ang pangalan nya kung saan sya ma aasign..
"so nakita nyo na ang mga designated projects nyo and im looking forward na mas huhusayan nyo pa ang inyong mga trabaho..Goodluck guys.."
Nalulungkot si Jonas dahil di sya nasali sa mga.projects pero naging masaya naman ito para sa mga katrabaho..
"Miss Melencio..follow me at my office"
ma awtoridad na utos ng boss kay Jonas bago ito pumasok ulet sa kanyang opisina..Napatingin ang kanyang mga kasamahan ni Jonas sa kanya na animoy nagtataka ito na tulad nya kaya upang masagot ang katanungan ay pumunta sya sa opisina ng kanyang boss..
![](https://img.wattpad.com/cover/240115902-288-k185967.jpg)
BINABASA MO ANG
I Love You Since I Was Sweet 16
Romance"Jo-Jonas bata ka pa!at isa pa nakainom ka lang!di mo alam yang ginagawa mo!" Habang patuloy sa pagbaba ng sout na gown ang dalagita.. "James,,mahal kita at kayang kaya kong gawin at higitan ang ginagawa ni Lara sayo" Tuluyan ng bumagsak sa lupa ang...