Chapter 15

1.5K 26 1
                                    

Pagkapaligo ay agad nagtungo si James sa tindahan ni Lenie..
ngunit napansin nyang sarado ito..
sinipat nya ang kanyang relos at pasado alas otso na ng umaga.

"napuyat kasi yun kagabe"

bulong ni James sa sarili at nanumbalik sa kanyang diwa ang tagpo nila ni Jonas sa nagdaang gabe kaya't heto sya ngayun na atat na atat na makausap ang dalagita dahil gusto nya ring malaman neto ang tunay na kanyang nararamdaman kay Jonas na walang halong pag alinlangan.

"sorry sweetbaby kung napaiyak pa kita kagabe pero promise i will make it up to you"

patuloy na pagkausap ni James sa sarili habang naalala nya ang mga pagluha ng dalagita.

Natigil ang pag iisip ng binata ng inuntag sya ng isang babae na sa tantya nya ay nasa mid-afternoon forties na,

"anung kailangan nila?"
usisa ng matanda..ngunit tinitigan sya ni Tiya Myra at namumukhaan sya neto.

"Ah..eh..bibili po sana ako..kaso sarado kaya inantay ko po magbukas"
alibi ni James

"namumukhaan kita ikaw yung binatang sinungitan ni Jonas nung kadadating ko lang dito"
pag alala ni Tiya Myra sa kanya.

"o-opo ako nga po"
napakamot si James sa kanyang batok dahil naalala pa pala ng matanda ang araw na iyun..

"sa tingin ko di ka naman bibili hijo,pero sasabihin ko na rin sayo na kaya hindi bukas ang tindahan ngayun kasi hinatid ni Lenie si Jonas sa terminal,,uuwe na kasi si Jonas sa kanila"

"Ho!"

Nabigla si James sa narinig mula sa matanda..

"malinaw ang narinig mo hijo at kung gusto mo magkaliwanagan kayo ni Jonas bago sya makauwe ay mabuting sundan mo agad sya sa terminal para magkapag usap kayo"

"s-sige po..salamat po"

Magmamadaling tumalikod si James sa matanda.

Napapangiti si tiya Myra sa pagkataranta ng binata dahil nahulaan nya na di naman talaga pagbili sa tindahan ang pakay neto kundi si Jonas.

Naluluha pa si Lenie habang magkayakap sila ni Jonas

"ate Lenie salamat sa lahat ha..hayaan mo sa suaunod na pagsasara ng klase ay dito ulet ako sa inyo magbabakasyon..kung okay lang sayo?"
naiiyak na rin sya dahil namimiss nya ang pinsan.

"anu kaba Jonas,welcome na welcome kayo sa bahay at siguradong namimiss kita nasanay na din ako kasama ka sa bahay"

"namimiss din kita ate Lenie..at wag na tayo magdramahan pa dito baka magkaiyakan pa tayo,,"
biro nya sa kanyang ate Lenie dahil sigurado ding namimiss nya ito pag uwe nya sa kanila.

"oo nga,nakatingin na sila saten.."
natatawang tugon ni Lenie.

"oh sya sumakay kana para makapamili ka ng mauupuan mo"

Umakyat na si Jonas papasok sa loob ng isang aircon bus bitbit ang kanyang gamet.

Pumuwesto sya sa may bintana at nakita nyang kumakaway pa ang kanyang ate Lenie sa kanya at kumaway din sya pabalik dito.

Maya maya pa ay napuno na nang pasahero ang bus at dahan dahan ng umuusad ang bus paalis ng terminal.

Dahil medyo trapik sa mga oras na yun kaya medyo naaaburido si James dahil hinahabol nya si Jonas upang sana ay makausap ang dalagita,

Pagkarating nya sa terminal ay agad nyang hinanap ang dalagita sa mga papaalis na bus at nadidismaya sya kapag di nya nakikita ang dalagita

ng biglang nahagip ng kanyang paningin si Jonas sa bintana ng papaalis na bus kaya agad nya hinabol ang umuusad na bus.

Lihim na nakaramdam ng kalungkutan si Jonas dahil di lang ang kanyang ate Lenie at mga anak neto ang mamimiss nya kundi pate na rin ang lalaking una nyang minahal na sa kasawiang palad ay di sya mahal neto..

"Di ba kaya ka nga umuwe na kasi gusto mo na syang makalimutan?baket ngayun ay may pa emote -emote ka dyan?"emotera ka rin ng taon Jonas!"
kastego nya sa sarili.

Humugot sya ng buntong paghinga at inaliw nya na lang ang paningin sa labas ng bintana nang mahagip nya ang isang lalaking tumatakbo na tila hinahabol ang kanilang sinasakyan
ng matanaw na ito sa side mirror ng bus!

Pumikit sa ng ilang segundo at di nawala ang humahabol na lalaki..

"Si James!si James nga!"
sigaw ng kanyang utak!

Bumilis ang tibok ng kanyang puso at nag ipon sya ng lakas ng loob para matigilin ang sinasakyang bus!

"Manong sandali"
ang kanyang tili!

Bigla namang pumereno ang driver ng bus dahil sa kanyang tili
pati ang ilang pasahero ay napatingin sa kanya

"Baket ineng?may problema ba?"

"M-manong sandali lang po may nakalimutan lang po ako"

"sige dalian mo baka maipit tayo sa trapik!"

"o-opo..sandali lang po ito..salamat po"

Nagmamadaling bumaba si Jonas sa bus at palinga linga sya dahil biglang nawala ang binatang kaninang nakitang humahabol sa bus na sinasakyan nya.

Ngunit kahit anung lingon nya ay wala talaga ang binata..
at sa di sinasadya ay naluluha nyang hinahagilap ng kanyang mata si James..

"hoy ineng?nakita mo na ba ang hinahanap mo?dalian mo at matrapik pa tayo!"
sigaw sa kanya ng konduktor ng bus

agad naman nyang pinunasan ang mata at malungkot na pumanhik ulet sa loob ng bus..

Tatakbong papalapit na sana si James sa humintong bus na sinasakyan ni Jonas ngunit natigilan sya dahil may tumawag sa kanya mula sa likuran.

"James!"

Lumingon sya at nakita nya ang seryosohong mukha ni Lenie.

"a-ate Lenie!"

"Gusto kitang makausap James ng masinsinan.kung pwede sana"

"sige po ate Lenie"

At sumunod si James kay Lenie kung kaya't di na nya nakita pa ang pagbaba ni Jonas sa bus.

Sa isang maliit na karenderia malapit sa terminal pumuwesto upang mag usap sina Jamea at Lenie..

"ito napo ang order nyo"
at ibinaba ng selbedora ng karenderia ang order ni Lenie na dalawang kape na para sa kanila.

"salamat"
tipid na tugon ni Lenie sa selbedora at iniwan na sila nito.

Titig na titig habang walang tigil na hinahalo ang kanyang tasa ng kape.

"nahihilo na yang kape mo sa kakahalo mo James"
untag sa kanya ni Lenie kaya napatingin sya dito.

"Dederechahin na kita James,kahit di nyo aminin saken ni Jonas ay ramdam ko na may namamagitan sa inyo"
mahinahon na panimula ni Lenie.

"ate Lenie ang totoo ay mahal na mahal ko si Jonas at kaya ako nandito ay gusto ko sanang ipaalam sa kanya yun"

"James wala akong anumang tutol sayo dahil kilala kita na mabuting tao pero hindi rin lingid sa iyong kaalaman na wala pa sa hustong gulang si Jonas para pumasok sa isang relasyon"

"alam ko po yun ate Lenie pero maghihintay po ako at igagalang sya hanggang sa pwede ko na syang ligawan ng pormal"

"natutuwa naman ako sa mga magandang hangarin mo kay Jonas James..
kahit pinsan ko lang sya ay parang tunay na kapatid ang turing ko sa kanya..
kaya nakikiusap ako sayo na huwag mo muna syang guluhin sa ngayun,
hayaan muna natin na maabot ni Jonas ang mga pangarap nya,
kung darating ang panahon na magtagpo ulet ang landas nyo at nararamdaman nyo parin na mahal nyo pa rin ang isat isa ay doon nyo masasabi na talagang kayo ang para sa isa't isa."

"nauunawaan ko ang punto mo ate Lenie,hayaan nyo po di ko na po gagambalain pa si Jonas sa ngayun"

"salamat naman kung ganun James..sige at mauna na ako sayo dadaan pa ako sa palengke"

"sige po ate Lenie"

At naiwan si James na nakatitig sa kape
ngunit di nya mapigilan ang mapaluha ng maalala ang dalagitang nagpatibok ng kanyang puso.









I Love You Since I Was Sweet 16Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon