Pag pasok pa lang ni Jonas sa bakuran ni James ay dinig na dinig na nya ang halakhakan at tili ng isang babae na nagmumula sa bahagi ng pool..
Pasimpe syang kumubli sa mga iilang matatas na halaman sa gilid malapit sa pool upang makasiguro na tama ang kanyang hula kung sino ang nandodoon..
Kitang kita ni Jonas ang paglalampungan ni James at Lara sa gilid ng pool at di nya maipaliwanag ang biglang pag akyat ng kanyang dugo sa ulo!
"ang mga walanghiya!"
ang gusto nyang ibulyaw sa dalawa ngunit di nya ito naisatinig"hoy Jonas!anung karapatan mo para magselos?feeling girlfriend ka girl?"
sita ng kabila nyang isip..Ngunit di parin tumitigil si Jonas kakamasid sa dalawa hanggang sa napansin sya ni Mang Caloy na nooy naggugupit pala ng halaman sa kabilang bahagi..
"hoy Jonas anung ginagawa mo jan?
tanung ni Mang Caloy ng pabigla sa kanya"ay lamanding higad!"
ang kanyang nasambit!!Natatawa si Mang Caloy sa kanyang reaksyon ngunit sya ay talagang nagulat sa biglang pagsulpot ng matandang hardenero..
"Mang Caloy naman ginugulat nyo pa ako eh!"
angil nya kay Mang Caloy na sapo sapo ang kanyang dibdib.."Anu ba kasi ang ginagawa mo dyan?baket ka ba nagtatago dyan?"
natatawang usisa ni Mang Caloy..Kunwareng may sinuri si Jonas sa mga inaayos sa paligid ng bahay..
"h-hindi naman po ako nagtatago Mang Caloy..tinitignan ko lang ang mga haliparot este itong pagkapintura ng pader po.."
alibi ni Jonassa ilang linggo na pamamalagi ng dalaga sa bahay ni James ay nagkapalagayan nya ng loob ang dalawang matanda..
ngunit di kombinsido si Mang Caloy at pilyong ngumiti ito sa kinaroroonan nila James at Lara..
"binubusuhan mo sila anu?"
may bahid na panunukso ni Mang Caloy.."h-hindi po..dino double check ko lang po talaga kung maayos ba ang pagkapintura netong mga pader..kayo talaga Mang Caloy tamang hinala kayo"
pabiro nyang sabi sa matanda.."tamang hinala o tama ang aking hinala.."
pang aasar sa kanya ng marandang hardenero"ay naku Mang Caloy..basta ako trahabo lang ang pinunta ko dito..isipin nyo na ang gusto nyong isipin..dyan na nga kayo Mang Caloy may tatapusin pa po ako sa loob"
napipikon nyang tugon sa matanda..paalis na sana sya ng bigla syang tinawag ni James..
"Jonas!"
napahinto sya at bigla syang kinabahan sa pagtawag sa kanya ng binata..
"o ayan tawag ka..di mo na kailangan pang magkubli pa sa halamanan..harap harapan mo na silang makikita"
pabulong na pang aalaska ni Mang Caloy habang papalayo ito sa kanya at dumako sa kabilang panig ng halamanan..Bumuga muna nang malalim na paghinga si Jonas at isang pekeng ngiti ang ginawa bago ito humarap sa binata at lumapit sa gilid ng pool..
"baket nyo po ako tinatawag Mr.Smith?"
Kahit naiilang ay pilit na pinakampante ni Jonas ang sarili upang di sya mahalata ng binata na naaalibadbaran sya sa dalawa..lalong lalo na kay Lara na mas lalong idinikit at ikiniskis pa ang katawan neto sa binata na two piece lang ang sout nung nakaharap sya sa mga ito..
"nakita kasi kitang kausap si Mang Caloy..inisip ko na may gusto kang sabihin sakin at nahihiya ka lang lumapit"
"w-wala naman po Mr.Smith..tinitignan ko lang po kung maayos ba ang pagkapintura ng pader.."
BINABASA MO ANG
I Love You Since I Was Sweet 16
Romance"Jo-Jonas bata ka pa!at isa pa nakainom ka lang!di mo alam yang ginagawa mo!" Habang patuloy sa pagbaba ng sout na gown ang dalagita.. "James,,mahal kita at kayang kaya kong gawin at higitan ang ginagawa ni Lara sayo" Tuluyan ng bumagsak sa lupa ang...