Tatlo na lang silang naiwan na nag iinuman dahil sa di sanay uminom ni aling Meding kaya naman agad itong nagpaalam sa kanila dahil nahilo na ito sa ininom na alak..
Sa gitna nang kanilang kwentuhan ay napag usapan nila ang tungkol sa dalawang matandang mag asawa...
kung anu anu ang mga tinatanung nila Jonas at James sa haba ng pagsasama ng matanda.."alam nyo James at Jonas..napakaswerte ko dyan kay Meding..
napaka bait at maasikasong asawa.."
may himig na pagkalasing na ang boses ni mang Caloy.."kitang kita naman po mang Caloy..napabuti ni aling Meding..
at maging kayo din naman po..""kaya kayong...suriin nyo ang taong magiging katuwang nyo sa buhay..
dahil ako..napaka swerte ko kay Meding...
bukod sa mabait..hindi sya maluho at masaya sa simpleng buhay na kaya kung ibigay..syempre kailangan mahal nyo at mahal.din kayo ng taong gugustuhin nyong makasama sa buhay..""tama ho kayo Mang Caloy.."
pagsang ayon ni Jonas aa payo ng matanda.."natanung nga kita Jonas..ikaw ba'y may nobyo na?"
usisa ng matanda..Napatingin si James sa dalaga at buo ang atensyon na nag aabang sa sagot ni Jonas..
"ha!?...ahm..w-wala po.."
pag aatubili nyang sagot sa tanung ng matanda.."wala kang nobyo?aba!di naman ata kapani paniwala yun dahil sa ganda at bait mong yan?..imposibleng di ka magugustuhan ng sinong lalaki..
baka naman pihikan ka?matanung nga kita anu bang gusto mo sa isang lalaki?""ahm..wala naman po akong high standard pagdating sa magiging boyfriend..
basta mahal ako at mahal ko din sya..
may mabuting aspeto sa buhay..
di naman po ako tumitingin sa panlabas na kaanyuan at antas ng pamumuhay ng isang tao.."
nakangiti ang dalaga sa matanda.."alam mo ineng...
ang swerte ng mapapangasawa mo..
bukod sa maganda kana..
nakikita ko ang kasimplehan mo bilang may bahay..""salamat po Mang Caloy.."
"Ikaw James..
kanina kapa tahimik jan..
anu ba ang gusto mo sa babae?"" ang gusto ko sa babae ay yung simple..
hindi tumitingin sa labas na pang anyo..
hindi naghahangad ng labis sa buhay..
yung tipong simple may bahay at maasikaso saken at magiging anak namen.."
derechong nakatingin ito sa dalaga..Medyo na conscious naman si Jonas sa titig ng binata..
"aba..mukhang pagkapareho kayo ng gustong makasama sa buhay..
baket di na lang kayo ang magnobyo..
kung tutuusin ay bagay kayong dalawa"
derechahang komento ng matanda..nabigla man si Jonas sa suhesyon ng matanda ay natawa na lang ito..
"kayo talaga mang Caloy..puro kayo biro..mukhang madame na ata kayong nainom.."
"sa palagay ko na rin..medyo umiikot na rin ang paningin ko.."
akmang tatayo na ito ngunit natumba ito at agad naman na alalayan ni James.."mang Caloy mukhang kailangan nyo nang po magpahinga..
halika na po hatid ko na po kayo sa kwarto nyo.."
Inalalayan na ng binata ang matanda papunta sa kwarto nila aling Meding.."salamat James anak..hindi man kame biniyayaan ni Meding ng anak ay nagpapasalamat parin ako sa Panginoon at hinayaan nyang mapunta kame sa poder mo.."
"wala po yun mang Caloy..masaya din po ako at nandito kayo para saken.."
At kung anu anu pa ang sinasabi ni Mang Caloy na pasasalamat para sa binata habang pinapasok ni James ang matanda sa kwarto nito..
BINABASA MO ANG
I Love You Since I Was Sweet 16
Romance"Jo-Jonas bata ka pa!at isa pa nakainom ka lang!di mo alam yang ginagawa mo!" Habang patuloy sa pagbaba ng sout na gown ang dalagita.. "James,,mahal kita at kayang kaya kong gawin at higitan ang ginagawa ni Lara sayo" Tuluyan ng bumagsak sa lupa ang...