Chapter 14

1.6K 28 0
                                    

Nagmamadaling pumasok si Jonas sa bahay ng kanyang ate Lenie para di sya maabutan ni James na humahabol sa kanya..

Impit na humahagulgul si Jonas sa likod ng pinto ng pagkasara nya sa rito.
Dito nya ibinuhos ang saket na kanyang nararamdam dulot ng pag ayaw sa kanya ng binata.
Tahimik syang nagdadalamhati ng biglang bumukas ang ilaw....

"Jonas? ikaw na ba yan"

Agad namang pinunasan ni Jonas ang mga luhang naglalandas sa kanyang mga pisngi.

"Tiya Myra kayo pala yan baket gising pa po kayo?" tanung ni Jonas sa matanda habang nakayuko para di mapansin nito ang namamaga nyang mga mata

"Bumaba ako dahil iinom sana ako ng tubig ng biglang may nagbukas ng pinto kaya binuksan ko yung ilaw"

Ngunit pinagmasdan ng matanda ang hitsura ni Jonas na nooy umiiwas na tumingin dito.

"Ah ganun po ba..si Ate Lenie po pala?"

"Tulog na kanina pa..sabi nya kasi wag lang daw i lock muna ang pinto kasi nga ihahatid ka pa ni..sino nga ba yun?"

"Si j-James este kuya James po"

May pag aalangan pa syang banggitin ang pangalang ng binata.

"Oo..yun nga pangalan na binanggit nya saken"

Tipid na ngumiti si Jonas kay Tiya Myra upang ikubli ang totoo nyang emosyon.

Ngunit kahit na pilit itago ni Jonas ang totoo nyang nararamdaman ni ay nahalata parin ito ng matanda.

"Umiiyak ka ba ineng?"

Nabigla si Jonas sa tanung ni Tiya Myra.

"Naku,hindi po...napuweng lang po ako.." at hilaw syang ngumiti sa matanda para makumbensi nyang hindi talaga sya umiyak

"Ah ganun ba,,syanga pala sino naghatid sayo?"

"Si kuya James po"

"Eh..baket wala akong narinig na ugong ng sasakyan?"

"Ah..eh..kasi anu..kasi saktong umalis na po sya nang pagbaba nyo" pagsisinungaling nya.

"Ah..o sige magpalit ka na nang makapagpahinga ka na.."

"Opo Tiya Myra"

At nakayuko pa rin si Jonas habang pumanhik sa kanyang silid.

Hinihingal na hinabol ni James si Jonas ngunit agad naman itong tumakbong papalayo at madaling pumasok sa bhay ng ate Lenie neto.

Alam nyang narinig sya ng dalagita ngunit batid nyang galet ito sa kaya siguro mas pinili na lang na umiwas ito sa kanya.

Lumapit pa ang binata sa tapat ng pintuan at napansin nyang bumukas ang ilaw at mamaya ay pinatay na rin ito kaya alam nyang tuluyan na itong magpapahinga.

"damn you James you made her cry!"
kastigo nya sa sarili..

Inis sa sarili habang humakbang pauwe ang binata ngunit buo na ang kanyang pasya na bukas na bukas ay kakausapin nya ang dalagita at ihahayag nya dito ang totoo nyang nararamdaman at handa syangag antay sa takdang panahon na pwede na nya itong hayagang ligawan.

Halos di makatulog si Jonas dahil sa nangyare kagabe at idagdag pa ang nararamdaman hiya dahil sa lantaran nyang ipinakita ang kanyang kabuuan sa harap ng lalaki na kanyang pinakatangitangi.

Kaya buong nagpasya si Jonas na umuwe na lang sa probinsya upang tuluyang makaiwas kay James.
Agad naman nyang inaayos ang kanyang mga gamet at tuluyang magpaalam sa kanyang ate Lenie.

I Love You Since I Was Sweet 16Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon