chapter 34

1.3K 26 0
                                    

Naabutan ni Almira na nanonood ng palabas  sa telebisyon ang kanyang ate Jonas..

ngunit pansin nya na hindi naman nakafocus ang tingin neto sa palabas at halatang nakatulala lang ito..

"ate ang aga mo yata?"
bungad na tanung ni Almira kay Jonas ngunit parang wala itong narinig..

Kinuha ni Almira ang remote at pinatay nya ang flat scree nilang television saka pa lang natauhan si Jonas...

"baket mo pinatay?"
nagtatakang tanung ni Jonas sa kapatid na kadadating lang..

"kasi naman di ka naman talaga nanonod eh..
nakatulala ka lang..sayang kuryente.."

Bumuga ng malalim na paghinga si Jonas at isinandal ang ulo sa sofa at nakatitig sa kisame..

Ramdam ni Almira na may pinagdadaanan ang kanyang kapatid..sa katunayan ay naririnig nya itong impit na umiiyak sa gabe.

Umupo sya sa tabi ng kanyang ate upang usisain kung anu man ang bumabagabag dito..

"ate may problema ba?"
nag aalala nyang tanung sa kanyang ate.

.ngunit umiling lang si Jonas..

"ate kahit nakababata mo  akong kapatid hindi ibig sabihin nun na di ko maiintindihan ang kung anuman ang pinagdadaanan mo ngayun..magkapatid tayo ate..dapat tayong dalawang ang nagdadamayan.."

Natouch naman si Jonas sa sinabi ng kanyang kapatid..
lumingon sya dito at di na nya mapigilan ang luhang kanina pa gustong pumatak..

Niyakap sya ni Almira upang aluhin..

"tahan na ate..anu ba kasi yun?"

Patuloy si Jonas sa pag iyak habang yakap yakap ang kapatid..

"ate tungkol ba ito kay kuya James?"
napahagulgul si Jonas ng banggitin neto ang pangalan ng binata..

"ate naman..pwede nyo naman pag usapan ni kuya James kung anuman ang hindi nyo pinagka intindihan.."

Kumalas bahagya si Jonas mula sa pagkayap at pahikbi hikbi na lang ito ng iyak..

"wala naman kameng dapat pag usapan kasi wala namang kame..pero mahal ko siya.."
nalulungkot na pahayag ng dalaga kay Almira..

Bagamat nagulat si Almira sa sinabi ng kapatid ay mas nangibabaw ang awa nya para sa kanyang ate..

"baket di mo sabihin sa kanya..para malaman mo kung mahal ka rin nya.."

Humugot si Jonas ng malalim na paghinga bago nagpatuloy sa pagsasalita..

"hindi pwede eh..kasi may nagmamay ari na sa kanya..at ayokong masira ko ang matagal na nilang relasyon.."
mapait itong ngumiti kay Almira..

Isinandal ulet ni Jonas ang ulo sa sandalan ng sofa at nakatingin sa kisame na wala namang tinititigan..

"alam mo Almira..
sixteen pa lang ako minahal ko na talaga si James at lakas loob kong sinabi sa kanya yun..
ngunit di nya tinanggap ang pag ibig ko dahil bata pa ako noon..
pagkalipas ng  10 taon nagkita ulet kame at heto di parin pwede kasi may girlfriend na sya..
ang saket noh..
kasi mamahalin mo ang isang tao sa malayo at kailangang pang kalimutan..
sana hindi na lang kame nagkita ulet.."

Kitang kita ni Almira ang luha na naglalandas sa gilid ng mata ng kanyang ate at ramdam nya ang bigat na nararamdaman neto..

"ate naman..
baka hindi lang talaga kayo para sa isat isa..malay mo may inilaan talaga si Lord para sayo..at yung talagang mamahalin ka at mamahalin ka ng buong buo.."
pag aalo nya sa kanyang ate..

I Love You Since I Was Sweet 16Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon