Natapos na din sa wakas ang renovation sa bahay ni James..
Mga bagong muwebles at ilang furnitures na lang ang kulang at tuluyan ng makikita ang magandang kinalabasan ng bagong ayos ng bahay ni James...
Ilang beses na rin naman syang nag email kay James tungkol dito ngunit wala namang reply ang binata kaya naisip nya na baka sila na ni Lara ang bahalang mag purchase sa mga ito..Nakadama ng lungkot si Jonas dahil sa loob ng isang buwan ay naging malapit sa kanya ang dalawang matanda
Ang kwentuhan nila ni aling Meding...
ang biruan at asaran nila ni Mang Caloy..
ang lahat nang iyun ay mamimiss nya..
at higit sa lahat ay mamimiss nya ang binata kahit ordinaryo lang ang trato nito sa kanya..Bago umuwe..ay nakaugalian na ni Jonas ang siyasatin ang mga natapos nilang gawa bago sya umuwe..
ngunit bigla bumuhos ang napakalakas na ulan kung kaya ninais nya munang patilain ang ulan bago tuluyang umalis sa bahay ng binata..Sa kanyang pagsiyasat ay may napansin syang maliit na patak na pinturang kulay brown na humalo sa pinturang puti sa may itaas na bahagi ng dingding sa may entrada ng bahay..
May pagkapitikolusa talaga si Jonas pagdating sa kanyang trabaho kaya naman kumuha sya ng brush at pinturang puti upang matakpan ang humalong pintura saka hinatak nya ang isang hagdanan upang kanya itong tungtungan para maabot ang mataas na bahagi ng dingding..
Dahil sa maulan at basa ang tiles sa entrada ng bahay..ramdam nyang may pagkamadulas ang sahig kaya dahandahan syang umakyat sa mga baitang ng hagdanan...
Nang nasa itaas na sya ng baitang ng hagdanan ay biglang umuga ang hagdanang kanyang inakyatan!
dali dali syang bumaba ngunit nagkamali sya ng hakbang kaya nahulog sya at bumagsak sa lapag!
hindi agad nakabangon si Jonas dahil naramdaman nya ang saket ng kanyang likuran dulot ng pagkabagsak at sa kanyang pagdilat ay namilog ang kanyang mata dahil ang hagdanan ay pagiwang giwang at mukhang babagsak ito sa kanya!
sa pagkabigla ay di sya nakakilos at ang bukod tangi nyang nagawa ay salagin ng kanyang braso ang hagdanan!Ngunit di ito bumagsak sa kanya..at nang dahan dahan nyang dinilat ang mga mata ay si James ang nakita nya na nadaganan ng hagdanan na tipong hinarang ang likuran neto upang di tuluyang bumagsak sa kanya ang hagdanan..
"James!?"
bulaslas nyang pagkabigla!Kabababa lang ni James sa kanyang kotse ng may narinig syang lumagabog sa may papasok ng bahay kaya naman agad nya itong tinignan..
At laking gimbal nya ng makita nyang si Jonas ang nasa lapag at tipong babagsakan pa ito ng hagdanan!
"My God!Jonas!
sigaw ng utak ni James...Kaagad na tumakbo si James at padagang pumusisyon ito kay Jonas at ang mga matitigas na braso neto ay nakatukod sa lapag kaya naman ang likod neto ang nabagsakan ng mabigat na hagdanan..
"are you alright?"
nag aalalang tanung nya sa dalaga.."o-okay lang ako.."
nanginginig na sagot ni Jonas habang nakikita nya sa mga mata ng binata ang magkahalong takot at pag aalala para sa kanya..Maya maya ay sumaklolo si Mang Caloy upang alisin ang nakadagang hagdanan sa likod ni James..
Tumulong na rin si aling Meding na medyo nininerbyos pa ang matanda ng makita ang kanilang sitwasyon..
Dahan dahang tumayo si James pati na rin si Jonas ng biglang may tumulong pulang likido sa likurang ulo ni James..
"dugo!!"
bakas ang takot sa mata ni Jonas ng makita ito kay James.."Ouch..."
daing ni James habang hawak ang likurang bahagi ng kanyang ulo at ramdam nya na namasa ang kamay nya ng sarili nyang dugo..Agad na lumapit si Jonas sa likuran ni James at nakita nya ang sugat sa likod ng ulo ni James..
"aling Meding pakikuha naman po ng first aid kit nyo may sugat si James.."
pag aalala ni Jonas para sa binata..Agad namang tumalima si Aling Meding at maya maya ay bumalik ito na may hawak na isang puting plastic container na may laman na betadine..alcohol..bulak at kung anu anu pang laman para pang first aid..
"James upo ka dito lilinisin ko yung sugat mo"
pag aalala ni Jonas sa binata..Umupo si James sa may stool habang si Jonas naman ay abala sa paglinis ng sugat ni ng binata..
maliit lang naman na hiwa sa bandang likuran ng ulo ni James ang sugat..ngunit sa parteng ulo ito kaya medyo madugo..Nang masiguro na nalinis at nalagyan na ng bandage ang sugat ni James ay humarap sya dito at humingi ng dispensa kasi nang dahil sa kanya ay nasugatan pa ang binata..
"I'm sorry..pati tuloy ikaw..."
Ngunit pinigil ni James ng kanyang daliri ang labi ni Jonas upang di na ito magpatuloy pa sa sasabihin..
"don't blame yourself..I'm fine..maliit na sugat lang ito"
ngumiti ito sa kanya..Ngumiti na rin sya sa binata at nagkatitigan sila..
Nag uumpisa naman ang pagbilis ng tibok ng kanyang puso at parang hinihigop na naman ng binata ang kanyang enerhiya..
Lumapit si James kay Jonas at humawak sa baba ng dalaga at dahang dahang yumukod upang sana angkinin ang labi ng dalaga ng biglang nauntag sila sa presensya ni aling Meding..
"James ito yung..."
natigilan si aling Meding dahil sa kanyang nasakaihan..Agad namang lumayo si Jonas sa binata at patay malisyang binabalik sa plastic container ang mga ginamet na panglinis sa sugat ni James..
Si James naman ay parang dismayadong humarap kay aling Meding..
"anu po yan aling Meding.."
"ah..eh..basang bimpo para malinis ang mga pumatak na dugo sa leeg mo"
"salamat aling Meding pero mag lilinis na lang po ako katawan.."
may talsik din kasi ng pintura si James dahil natapunan ito ng pintura na nakalagay sa ibabaw ng hagdanan na dala ni Jonas ng umakyat ito para sa magpintura..
"sige anak..pero ingatan mong wag muna mabasa ang ulo mo.."
"opo aling Meding.."
Bago tumalikod ay tumapon muna ito ng tingin kay Jonas at ngumiti naman ang dalaga sa kanya..
"Kahit kaylan ang tanga tanga ko talaga!
pati tuloy si James nasugatan sa katangahan ko..nakakahiya tuloy sa kanya"
panisisi ni Jonas sa sarili.."Jonas magpalit kana rin ng damet may ilan pa naman ako maliit na bestida dyan na kasya sayo"
untag ni aling Meding sa kanya.."h-ho!?..wag na ho nakakahiya naman po.."
"wag ka nang mahiya..kailangan mo talagang magpalit kasi puno na rin ng pintura yang damet mo.."
"sige po aling Meding salamat po.."
Di nagtagal ay may dalang damet at di pa nagagamet na underwear si aling Meding...
pinagamet na rin si Jonas sa isa sa mga guest rooms sa itaas upang makapaligo at makapagbihis..Naabutan ni Jonas na naghahain ng hapunan si aling Meding..kaya naman lumapit sya sa matanda at nagpresenta na tulungan ito..
"aling Meding tutulungan ko na po kayo maghain.."
"naku Jonas kaya ko na ito"
Pansin ni Jonas na nag aayos ng pagkain ang matanda sa isang tray..
"pahiram na lang po ng basahan..pupunasan ko na lang po ang nagkalat na pintura sa lapag.."
Pero ngumiti lang ang matanda sa kanya..
"ang mabuti pa ikaw na lang ang maghatid ng pagkain ni James sa taas at ako na lang magpupunas sa labas.."
May pag alinlangan man ay pumayag na rin sya dahil gusto din nyang magpasalamat ng personal sa binata..
"s-sige po"
Binuhat na nya ang tray at tinungo na nya ang daan paakyat..
"sa may kanan sa dulo ang kwarto ni James.."
pahabol ng matanda sa kanya na kanya namang narinig..

BINABASA MO ANG
I Love You Since I Was Sweet 16
Lãng mạn"Jo-Jonas bata ka pa!at isa pa nakainom ka lang!di mo alam yang ginagawa mo!" Habang patuloy sa pagbaba ng sout na gown ang dalagita.. "James,,mahal kita at kayang kaya kong gawin at higitan ang ginagawa ni Lara sayo" Tuluyan ng bumagsak sa lupa ang...