Chapter 22

1.4K 20 0
                                    

Inis na lumabas ng bakuran nila James si Jonas dahil feeling nya ay masyado itong dominant sa kanya..

"kala naman nya may epek pa sya saken..hoy di na ako yung sixteen years old na Jonas na hahabul habul sayo James! wala ka nang epek saken!"
gigil na bulong ni Jonas..

ngunit sa kabilang banda ng kanyang diwa ay iba ang sinasabi..

"ows talaga?di ako naniniwala sayo Jonas?eh kanina nga lang halos lumuwa na yang puso mo kakatambol ng makita mo si James.."
protesta ng kanyang kabilang utak

Di na mapigilan ni Jonas ang pagkakausap sa sarili kaya't naisatinig na nya ang gustong sabihin..

"ah basta hindi ako naaapektuhan at kahit kaylan ay di maaapektuhan sayo James!..related sa trabaho ko kaya ako nakikipag ugnayan sayo that's all!"
katagang isinasaksak nya sa sarili..

Natigil ang pakikipagtalo nya aa kanyang sarili ng may narinig syang tumatawag sa kanya..

"Jonas!!"

Napalingon sya sa direksyon ng tinig at nakilala nya ang babaeng kumakaway sa kanya ng di kalayuan..

"Ate Lenie"
lakad takbo syang lumapit sa pinsang nasa mid-forty's na ang hitsura..

"sabi ko na nga ba ikaw yan eh..aba!mas lalo ka atang gumaganda ngayun?"

"si ate Lenie talaga,di ba nga ang sabi mo walang panget sa lahi naten"
natatawang tugon nya sa pinsan..

"oo nga pala matanda na talaga ako nakalimutan ko na..halika ka dito sa loob at dito tayo magkwentuhan"

Masaya namang sumunod si Jonas sa kanyang pinsan sa loob ng bahay neto..

Apat na buwan ding hindi nakadalaw si Jonas sa bahay ng pinsan dahil nga sa puspusan ang trabaho neto sa pagsasaayos ng hotel,.
kadalasan kasi tuwing Linggo ay pumapasyal sila ni Almira sa bahay ng pinsan at sa tulong na rin ni Jonas ay napaayos ni Lenie ang kanyang sari sari store na maging convenience store.

Pagpasok nila sa bahay ng pinsan ay tamang tama at nakahain na pala ng panangalian ang kanyang Tyang Myra..

"Mano po Tyang Myra"

"Jonas!buti naman at napadalaw ka halika  at dito kana mananghalian"
natuwa ang tyahin ng makita ang dalaga.

"salamat po Tyang Myra.."
Pumuwesto si Jonas sa harap ng hapag kainan kasalo ang pinsan at ang tyahin.

"Jonas matanung ko lang..baket di ka dumerecho agad dito sa bahay?"
usisa ni Lenie sa kay Jonas

" ate Lenie papunta na talaga ako dito kaya lang naunahan mo na akong tawagin"
alibi nya sa kanyang pinsan pero ang totoo ay nag aabang talaga sya ng taxi para makalayo ng tuluyan sa binata.

"buti naman at wala kang pasok ngayun at nadalaw mo kame"
nakangiting tugon ng Tyang Myra kay Jonas

"actually po may project  ako malapit dito at chenek ko po yung area kaya naisipan kung dumaan dito"

"May project ka dito Jonas?parang wala naman ako nakitang building na bagong tayo lang dito?"

"Ahm..ate  di lang naman mga hotels at condo units ang pagpapa interior design samen ..minsan mga residential house din po"

"at kaninong bahay naman ang aayusan mo dito Jonas?"

"k-kina James po ate Lenie.."

"James ba kamo?! yung pinsan ni Ricky?"

"o-opo ate Lenie.."

"kailan pa sya dumating?"
may bahid na tuwa si Lenie ng marinig na nakauwe na pala ng Pilipinas si James

"hindi ko lang sure kung kaylan sya dumating ate..pero yung agency po kasi namen ang nakakuha ng deal na pag ayos sa hotel na pagmamay ari din,tpos nagkita kame aa hotel"

Di na denitalye pa ni Jonas sa pinsan kung paanu sila nagkita ng binata.

"kamusta naman si James?"

"okay lang naman sya ate Lenie,,baket may problema ba sa kanya?"

Biglang nalungkot ang mukha ni Lenie bago nagsalita.

"kasi nabalitaan namen mula kay aling meding na pumanaw na yung mga magulang ni James kamakaylan lang"

"nakakalungkot naman po pala"
Biglang nakonsenya si Jonas dahil sinusungitan pa nya ang binata..

"tinarayan mo pa Jonas may pinagdadaanan pala yung tao"
Kastego nya sa sarili.

"kala ko ba nagkita na kayo baket di mo alam ang nangyare sa mga magulang nya?di man lang ba kayo nagkamustahan?"

"nagkausap naman kame ate Lenie pero tungkol lang sa trabaho"

"para naman wala kayong pinagsamahan kung di man lang nya nabanggit sayo"

Napatingin si Jonas sa pinsan dahil parang may gustong ipahiwatig ito sa kanya

"pinagsamahan? may alam kaya si ate Lenie sa nangyayare samen ni James?"
tanung ni Jonas sa sarili

"ate Lenie client po namen kasi sya kaya bawal kameng manghimasok sa personal nilang buhay"

"kunsabagay tama ka..o sya kumakain ka ng kumain..masarap yung mechado ni Tyang Myra..pagkatpos naten kumain saka tayo magpatuloy sa pagkwentuhan"

Ngumiting tumango na lang si Jonas sa kanyang ate Lenie..

Hapon na nang nagpaalam si Jonas sa kanyang pinsan at sa tiyahin..medyo matagal kasi na di sya nakadalaw sa pinsan kaya napasarap ng kanilang kwentuhan.

Habang nakasakay sa taxi ay tumunog ang kanyang cellphone at ang kaibigang si Bernie ang nasa kabilang linya.

"hello beks napatawag ka?"

"nasan kanaba?kanina pa tanung ng tanung si sir Bryan saken kung nasan ka?di mo daw sinasagot ang tawag at text nya sayo?"

Saka pa lang naalala ni Jonas na may usapan pala sila ni Bryan na magdate ngayung hapon

"oo nga pala nakalimutan ko"
at natampal pa ni Jonas ang kanyang noo.

"sinu ba naman di makakalimot kung ang mesherep ang kasama mo..mawawala ka talaga sa ulirat"
si James ang tinutukoy na "mesherep" ni Bernie.

"sira! kaninang umaga pa kame naghiwalay noh..napasarap lang kasi ng kwentuhan namen ng pinsan ko kaya nawala sa isip ko yung usapan namen ni sir Bryan"

"ows talaga?maniwala ako sayo..yung mga fanung tipong mala demi-God mahirap iwan agad yun"
halata sa boses ni Bernie na kinikilig ito.

"hay naku di wag kang maniwala..basta ako trabaho lang talaga ang dahilan kung baket ako bakikipag usap kay sir James..

"sige naniniwala nako sayo basta wag mo nang palampasin ang chance mo ngayung gabe at dapat magkaroon ka ng spark  kay sir Bryan.."
may excitement na nararamdaman ang kaibigan para sa kanya..

"anung spark yang sinasabi mo dyan beks?"

"naku Jonas..para kang lumang tao para di alam ang sinasabi ko..kunsabagay  malapit ka na maging antique kaya di mo knows ang mga bagay bagay pagdating sa pag ibig.."

"grabe ka saken beks..anu ba kasi yung spark na yan?"
curious nyang tanung sa kaibigan..

"yung spark ay yung pakiramdam na happy ka pagkasama mo sya..kinikilig ka sa mga pacute nya sayo..at para kang nasa alapaap pagnahahalikan ka nya..ibig sabihin nun may feelings ka para sa kanya.."

"ganun ba yun?"

"yes my dear..kailangan maramdaman mo yun kay Bryan..

Napa isip si Jonas at tinandaan yung mga sinasabi ng kaibigang beki..

o sya bye na tatawagan ko lang si sir Bryan

"okay goodluck at mag enjoy kayo sa dinner nyo..baboosshh.."

natatawang napailing na lang si Jonas sa kausap ng mawala ito sa kabilang linya..

















I Love You Since I Was Sweet 16Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon