Mabilis kong ipinarke ang aking sasakyan nang nakarating ako ng bahay. Bahagya pang nangunot ang noo ko nang nakakita ng ibang sasakyan na nakaparada sa parking lot.
Tumingin ako sa aking relo at napagtantong mag-aalas onse na ng gabi.
Sino naman ang bibisita sa akin ng ganito kagabi?
Prente akong naglakad papasok ng bahay nang mai-lock ko ang kotse. Gano'n nalang ang pagkawala ng lahat ng aking emosyon nang sa halip na si Manang ay tumambad sa akin ang isang taong hindi ko na muling inaasahan na makikita ko.
"Dad," malamig kong usal.
Nakapandekwatro siya nang pagkakaupo sa sofa habang diretyong nakatitig sa 'kin. "Ginabi kana," he spoke.
Umismid ako, pinaikutan ko siya ng mata at naglakad palapit. "Ano bang pakialam mo?" I asked blankly and sat on the one seater couch.
"Where have you been?" kunot-noo niyang tanong sa akin.
I couldn't help, but laughed at what he asked.
"Wow. After six long fvcking years, you are here asking my whereabouts," sarkastiko at malamig kong wika.
"Sophia." He warned.
I rolled my eyes again and stood up from my seat. "Don't ever use that tone at me old man," walang emosyon kong sabi at saka siya sinimulang talikuran.
Anong kamalasan ang humabol sa akin at pinasama ng husto ang gabi ko?
"Prepare yourself. Two months from now you'll marry Mr.Laqueza," he said when I was about to step on the stairs.
Laqueza?
Marahan ko siyang nilingon at inismiran. "So you're the one who sent him." Peke akong tumawa.
"Since wala ka talagang alam sa buhay ko. Hayaan mong ipaalam ko sayo na hindi mangyayari 'yang gusto mo dahil may karelasyon ako," mariin kong sabi at pinakatitigan s'ya sa mata.
"Another thing, wala kang anumang karapatan para pakialaman ang buhay ko. Mula nang iwan mo kami ni Mommy iyon mismo ang araw na tinapos ko ang anumang ugnayan natin. Kaya kung maaari, umalis ka sa bahay namin. You're not welcome here." I then turned my back against him.
How dare he show himself and tell me that bullshit?
Anong akala niya sa buhay ko? Kwento sa isang libro o isang nobelang palabas sa isang telebisyon? Tsk!
Kasal kasal. Pakyuh.
"Ate..." My younger brother called when I reached the front door of my room.
Asta kong pipihitin ang segundura ng pintuan ng sandaling iyon.
Slowly, with my raw smile I looked at him. "Yes?" malambing kong tugon sa walong taong gulang kong kapatid at saka lumebel sa kanya.
"Why are you still awake, Cjay?" dugtong ko at hinaplos ang kanyang mukha.
"Was that Dad?" he asked innocently.
Parang may kumurot sa aking dibdib habang pinagmamasdan ang kapatid ko. "He's not. Matulog kana," I answered and opened my door.
Isinandal ko ang aking sarili sa nakasaradong pintuan at nagpakawala nang malalim na hininga.
Too much for this night.
Tamad kong ibinagsak ang sarili ko sa kama ng maya-maya pa ay nag-ingay ang aking telepono. Kinuha ko ito mula sa bulsa ko at napahinga nang malalim nang nakita ang pangalan ni Joseff—my long time boyfriend on the screen.
BINABASA MO ANG
ATRÓMITOS ORGÁNOSI #1 : POISONER (COMPLETED)
RomanceR18|MatureContent|Romance|Action #COMPLETED - - - One organization; five merciless women. Behind their innocent faces hide their true identities. They can kill without feeling guilty. Mercy? It has never been in their vocabulary. There's only one...