CHAPTER 15

26.8K 1K 32
                                    

"Ma'am, ayos lang po ba kayo?" puno ng pag-aalalang usisa sa akin ng isang pulis at inalalayan akong tumayo.

Hindi naman ako nakasagot sa kanya dahil ang buo kong atensyon ay nasa kapatid ko lang.

Mariin akong pumikit kasabay nang munti kong pagkurot sa sarili, umaasa na sa muli kong pagmulat ay panaginip lamang ang lahat.

Nagsimulang mamuo ang luha ko nang tumambad ulit sa 'kin ang kalunos-lunos niyang imahe.

Bakit?

Bakit kailangang mangyari ito sa kapatid ko?

Nanghihina akong naglakad patungo sa bintana at ginamit ang natitira kong lakas para hilahin ang kurtina.

Mabagal akong naglakad papunta sa p'westo ni Raquel. Kinagat ko ang ibaba kong labi habang pinagmamasdan ang kapatid ko. Bakas ang paghihirap sa kanyang mukha, naroon ang natuyo niyang luha sa gilid ng kanyang mata. Bahagya pang nakaawang ang labi niya habang may tama naman ng bala ang kanyang katawan.

Marahan akong napaluhod at saka ikinumot sa kanyang katawan ang kurtina kong dala.

I looked at her opened eyes.

"B-Bakit?" pumipiyok kong tanong at nagsimulang magtuluan ang aking mga luha na kanina ko pang pinipigilan na bumagsak.

"B-Bakit ikaw pa? Ako na lang sana, Raquel. Ako na lang sana," I whispered and sobbed silently.

"Ipinapangako ko... sa harapan mo, Raquel. Pagbabayarin ko ang gumawa sa 'yo nito," I uttered and gently touched her eyes to close it.

"Hanggang sa muli nating pagkikita sa sunod nating buhay," sabi ko at humikbi nang tahimik.

Aasahan ko na ako muli ang magiging kapatid mo sa sunod na buhay natin.

Ilang minuto akong umiiyak sa tabi ng labi ng aking kapatid nang lapitan ako ng isang pulis.

"Ma'am, kailangan po kayo sa ospital. Kritikal po ang lagay ng nanay niyo kaya kinakailangan ang inyong permiso para sa operasyon."

Wala sa sarili akong tumayo. Hindi ko alam kung ano'ng uunahin ko. Si Raquel ba o si Mommy. Mapait akong ngumiti sa gitna ng pagluha ko.

Mag-isa na lang talaga ako...

Nanghihina akong sumunod sa pulis hanggang sa isakay ako sa isang ambulansya. Hindi ko na naintindi si Cjay ngunit alam kong alam na ni Manang ang gagawain sa kanya.

Mabilis akong nakarating sa ospital at agad akong nanlumo nang nakita si Mommy. She's been sexually abused. Napaiyak na lang ako habang iniisip ang sinapit ng dalawang tao na mahalaga sa akin.

"Mommy. Laban naman ikaw. 'Wag mo naman ako hayaang mag-isa, Mom. 'Wag niyo naman kami pabayaan nang tuluyan ni Cjay," I whispered.







TANGHALI na nang nagising ako. I kept staring at the ceiling as I stayed on my bed for a minute.

Napabuntonghininga ako at pinilit ang sarili kong bumangon. Tamad kong ginawa ang araw-araw kong routine at lumabas ng silid para i-check ang kapatid ko.

I was walking downstairs when I heard some giggles. Nangunot ang aking noo at sinundan iyon ng tingin.

Napatigil ako sa paglalakad at napatitig sa kapatid ko na masayang nakikipagkulitan sa isang matanda.

ATRÓMITOS ORGÁNOSI #1 : POISONER (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon