CHAPTER 36

29.9K 890 206
                                    

Wearing a beaded slim fit lace, white long sleeve mermaid tail bridal dress with a veil in my head— I walked into the carpet while a love song played around the garden.

Isang matamis na ngiti ang aking pinakawalan sa lalaking naghihintay sa akin mula sa unahan.

"Akala ko ba ay hindi ka magpapakasal sa kanya?" Dad leaned his head closer to my ear to mocked me.

I rolled my eyes and giggled. "Matakaw ako kaya pati ang mga sinasabi ko ay kinakain ko."

Sabay naman na natawa si Mommy at Daddy.

"Be happy," Mom said when we reached Matthew's location.

Matamis akong ngumiti at pinigilan ang nag-uulap kong mata. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na maayos na ang aking pamilya.

She cupped my face and looked at Matthew.

"Take care of her." Naroon ang ngiti sa kanyang labi habang ibinibigay ako sa lalaking mahal ko.

Simpleng tango naman ang ibinigay ni Matthew saka pasimpleng nagpunas ng kanyang mata.

Wait, is he crying?

Oh my ghosh.

Tinapik siya ni Daddy sa balikat at nginitian saka sila sabay na naglakad ni Mommy papunta sa kanilang mga pwesto.

Ang ama naman ni Matthew ay tipid na ngumiti sa akin at saka marahan na tinapik ang balikat ko tulad nang ginawa ni Daddy kay Matthew.

"Leon," he uttered.

Nangunot naman ang aking noo sa pagtataka. He let out a chuckle with his deep baritone voice.

"That's my name, hija, welcome to the family."

My mouth formed an O with amusement. Apat na letra lamang ang pangalan niya pero ipinagdamot pa sa 'kin. Napanguso nalang ako habang pinanunuod siyang maglakad patungo sa kaniyang upuan.

Matthew and I stared at each other. Mas lalo kong napansin ang bahagyang pamumula ng kanyang mata na tila kanina pang nagpipigil nang pag-iyak.

"You sabi to me na tears of saya 'yang luha mo not dahil you sisi na to pakasal me." Pagbabanta ko.

He chuckled and shook his head with disbelief. "Hinding-hindi mangyayari."

Napangiti ako at sabay naming nilakad ang kaunting espasyo patungo sa paring magkakasal sa amin.

Our wedding is simple. We held it here in his garden area with the stars and full moon watching us from the above. Tanging malalapit na kamag-anak at kaibigan lamang namin ang nandito.

Bukod sa hindi pa pwedeng ipangalandakan ang presensya ni Matthew dahil sa pagtatraydor niya sa Ktinódis ay mas gusto ko rin na isang simpleng kasal muna ang maganap.

Call me weird pero gusto ko na magkakasabay kaming ikasal ng mga kaibigan ko sa simbahan.

The ceremony goes by until we reached the wedding vows.

Hinarap namin ni Matthew ang isa't isa, mayroon mang belo sa aking mukha ay hindi nakaligtas sa akin ang paninitig ng mata niya. Wala pa man ay ramdam ko na ang pagsabog ng lahat ng aking emosyon habang nakatingin sa namumungay niyang mata.

"Tngna, Sophia, 'wag mo namang konyohin 'yang vow mo!" sigaw ni Shiela mula sa kanyang pwesto na siyang ikinatawa ng iba pang nanunuod.

Pinakyuhan ko naman siya at nakangiti na napailing.

Matthew took a deep breath and hold my hand then gently caressed it.

"It's funny everytime I recalled our first meeting," pagsisimula niya.

ATRÓMITOS ORGÁNOSI #1 : POISONER (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon