CHAPTER 20

26.2K 988 145
                                    

"Ma'am, hindi raw po kayo p'wedeng umalis," pormal at may paggalang na sambit ng isa sa tauhan ni Matthew nang asta akong lalabas ng mansyon.

Awtomatikong umangat ang kilay ko. "And why is that?"

Natatakot at alanganing yumuko ang kanyang tauhan. "Utos lang po, Ma'am, na 'wag kayo hahayaang makalabas," sagot niya sa akin.

As on cue, dumating ang iba niya pang tauhan at sabay-sabay na pumila para harangan ang lalabasan ko.

Napahinga naman ako nang malalim at mariing pumikit.

"LAQUEZAAAA!!!" I shouted in anger and annoyance.

"Napaka palengkera mo naman," wika ng isang boses sa aking likuran.

Ikaw nga productive. Biruin mo araw-araw kang namumunga. Tss!

I rolled my eyes and coldly looked at her.

"Stop messing with me. Hindi mahaba ang pasensya ko," direktang banta ko.

Umangat naman ang kanyang kilay at saka mahinang tumawa.

Vuvu talaga. Nag-joke ba ko?

"Try me then," hamon niya sa akin.

Napangiti ako saka marahang dinilaan ang ibabang bahagi ng labi ko. "Don't temp me. I might do you a favor," I said and smirked in the end.

She crossed her arms and scanned me from head to toe.

"Ano na-insecure ka na ba?" nakangising kutya ko.

Umirap siya sa akin. "Don't be full of yourself. Hindi ka ba aware na nakakasama mo lang siya kasi kailangan ka niya?" she mocked at me.

Saglit akong natigilan, hindi ko naman iyon ipinahalata sa kanya.

So may alam din pala siya.

"Atleast kailangan ako, 'di ba?" panunuya ko pabalik.

"Tsk! Oo, kailangan ka lang niya pero wala siyang pakialam sa 'yo," aniya.

Mula sa gilid ng aking paningin ay nakita ko si Matthew na naglalakad paibaba ng hagdanan.

I stared at the girl's eyes then I smirked devilishly. "Let's see then," I said and take one step backward.

Nakita ko ang pagkunot ng kanyang noo sa pagtataka.

"Oh my ghosh..." Nanghihinang sambit ko habang nakahawak sa aking ulo nang malapit na si Matthew sa amin at umarteng napatumba sa tauhan niya dahilan para aksidente akong hawakan ng lalaki sa likod bilang suporta.

Ramdam ko ang paninigas ni kuya dahil sa nangyari, lalo na at mas isinandal ko pa ang aking ulo sa katawan niya.

Sorry, kuya. Sagot na kita sa kanya mamaya.

"Fvck!" I heard Matthew cursed. Palihim naman akong napangiti dahil doon.

"Don't touch her," malamig at may pagbabanta niyang sabi nang mabilis siyang nakalapit sa amin.

Hinila niya ako mula sa kanyang tauhan at sa kanya isinubsob ang aking katawan.

"Hey, what happened? Are you okay?" he whispered worriedly as he caressed my hair.

"Naliliyo ako," pag-iinarte ko at pasimpleng sinilip si Deynize.

Nakaawang ang kanyang labi habang pinanunuod ako at marahang napailing.

"She's just acting, Matt," she butted in as she pointed at me.

"Stop it, Deynize. Can't you see she's not feeling well," he warned the girl.

ATRÓMITOS ORGÁNOSI #1 : POISONER (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon