CHAPTER 17

27.4K 1K 215
                                    

"Wala ka bang legal na negosyo o trabaho?" nakangiwi kong usisa habang pinagmamasdan siyang nakahiga sa kama at nanunuod ng TV.

It's been a week and I noticed that he's always here in the house. Aalis lang siya kapag dumadating ang kanyang tauhan na si Vexxon para intindihin ang Mafia niya. Kung paano ko iyon nalalaman ay dahil palagi niya akong sinasabihan sa tuwing aalis siya.

Tumingin siya sa akin saka niya dinilaan ang ibabang bahagi ng kanyang labi. Nakita ko ang tuwa sa kanyang mga mata habang nakatitig sa akin na para bang ikinasisiya niya na nagtatanong ako ng bagay tungkol sa kanya.

"I am an engineer too," he stated.

My lips formed an O while looking at him.

Biruin mo nga naman. Hindi halata, ah.

"Mukhang hindi ka magaling. Wala ka ni isang proyekto sa loob ng isang linggo," nakangiwi kong saad.

He chuckled at my statement. I just rolled my eyes then walked towards the bedside table to get my bag. Katatapos ko lang mag-ayos ng sarili dahil plano kong i-check ang club ko ngayon.

I am wearing a black tube top and a high-waist denim pants.

Isinakbit ko ang bag ko at alanganing tumingin sa kanya. Tiningnan niya naman ako nang may pagtataka.

"Stop biting your lips, wife. That's my job not yours," he mumbled.

Agad ko namang kinuha ang unan sa kanyang tabi at pinaghahampas siya.

"You fvcking pervert!" I hissed.

He just laughed at me while defending my blows. Siniringan ko siya nang masama nang napagod na ako kakahampas sa kanya. 'Ayon na naman ang nakakaloko niyang ngisi sa kanyang labi habang sinasalubong ang paningin ko.

"What? May gusto ka bang sabihin?" he asked. This time it became gentle.

Muling nanumbalik sa isip ko ang sasabihin ko kanina.

"Ahmm. I will go and check my bar," mahinang sabi ko at umiwas ng tingin.

Since that night when he took me again, I decided to be open at him. He will be my husband soon, I don't want to be uncomfortable when he's around.

"Okay, keep safe," he said.

Napatingin ako at napatitig sa kanyang mukha. Kumunot naman ang kanyang noo sa pagtataka sa ginawa kong kilos.

"Hindi mo ako sasamahan?" alanganin kong usisa.

"Or pagpapalitin ng damit?" dagdag ko.

Umangat naman ang kaliwang kilay niya at saka pinagmasdan ang kabuuan ko.

For the first time, nakaramdam ako ng hiya dahil feeling ko ay hindi maganda ang suot ko.

"Why? Ayaw mo ba ng suot mo? Do you want me to come with you?" seryoso niyang tanong.

Hindi ko mapigilang mapatitig lalo sa kanya. Napalunok ako at iniiwas ang aking tingin patungo sa bintana ng silid ko.

"It's just, nasanay lang ako na palaging pinagbabawalan sa mga damit na gusto kong suotin pati na rin sa paglimita sa mga pinupuntahan kong lugar," I explained.

I heard him sighed, I looked back at him because of that. Tumayo siya sa kama at naglakad palapit sa akin.

"Gawain mo kung anong gusto mo at makakapagpasaya sa 'yo. I won't take your happiness or freedom. Just know your limit," he said while staring at me.

Muli akong napalunok at tumungo. "Ginagawa mo ba ito dahil wala ka naman talagang pakialam sa akin kaya hinahayaan mo ako?"  mahinang bulong ko at pasimpleng nilalaro ang mga daliri ko.

ATRÓMITOS ORGÁNOSI #1 : POISONER (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon