CHAPTER 19

27.1K 1K 230
                                    

"Daddy told me before, may underground daw itong bahay mo. Is it true?" tanong ko kay Matthew nang nakapasok kami sa mansyon.

Hindi na niya ako buhat ngayon dahil tinablan na ako ng hiya nang pababa na kami ng sasakyan kanina.

"Yeah."

"Can you bring me there?"

Matthew smiled at me, then possessively wrapped his arm around my waist as he lead the way.

Nagtungo kami sa kitchen area at doon ay may tila button siyang pinindot mula sa ilalim ng lamesa.

Slowly, some part of the floor opened. Napasipol ako sa pagkamangha at pananabik.

Paibabang hagdanan ang unang sumalubong sa paningin ko nang tuluyan na ngang natapos ang paggalaw ng sahig. May apat na tauhan sa magkabilang gilid nito, tingin ko pa lang sa kanila ay alam kong bihasa sila sa pakikipaglaban base sa kanilang mga tindig. Malaki ang kaibahan nila sa mga tauhan niyamg nakakalat sa mansyon na tila umaasa lamang sa mga de kalibreng baril nilang dala.

Naunang naglakad si Matthew na agad ko rin namang sinundan. Matapos ang ilang segundong paglalakad ay tuluyan ko na ngang narating ang mismong lugar. Nagkalat ang mga tauhan niya na nagbabantay. Sa gitna ay may tatlong pahabang lamesa kung saan nakapatong ang iba't ibang uri ng baril.

"Dito nakatambak ang mga armas na ginagamit ng mga tauhan ko. Gano'n na rin ang mga isinu-supply namin sa ibang organisasyon," he explained.

Hindi ako umimik at nilapitan na lang ang mga baril at ibang sandata na naroon.

Shotguns.

Rifles.

Handguns.

Daggers.

Napasipol naman ako at napabaling ng tingin kay Matthew na nakasunod sa aking likuran.

"Is this a Damascus Steel sword?" mangha na pagtatanong ko habang nakaturo sa gamit.

Ngumiti siya at tumango bilang sagot.

"Wow," ' ayon na lang ang nasambit ko at marahan na hinawakan ang espada.

"I love it," bulong ko habang nakatitig doon.

"Should I throw it away?" he said huskily under my ear.

Hindi ko naramdaman ang paglapit niya sa katawan ko dahil sa paninitig sa espada. Napalunok ako at pilit ikinalma ang sarili ko.

"W-Why?" I asked, stuttering.

"You love it the first time you laid your eyes on it. Yet here I am, always in your sight, but you can't even like me," he stated and snaked his arms around my waist.

"P-Pumunta na tayo sa iba pa," utal kong wika saka humiwalay sa kanya.

Wala sa sarili akong naglakad palayo at napunta sa isang parte kung saan puro may mga nag-eensayo na mga tauhan.

My mouth parted in shock or should I say amusement?

Damn! His men are hot.

I mentally noted as I scanned them doing combats without their upper clothes.

Ito 'ata ang tinatawag nilang nagpaulan ang langit ng mga abs. Ghosh!

"Wear your clothes!"

A deep and frightening voice rang out all over the place, catching everyone's attention.

Nakanguso akong bumaling ng tingin sa kanya. Sino pa ba? Syempre 'yong sintu-sintong lider ng Mafia.

Basag trip, ampta.

ATRÓMITOS ORGÁNOSI #1 : POISONER (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon