"FVCK!"
Malakas na pagmumura ko kasabay nang biglaan kong paggising dahil sa malamig na tubig na bumuhos sa aking katawan.
Imahe ni Deynize ang agad kong nakita. Nakapamewang siya habang nasa gilid niya ang isang timba na walang laman.
Napansin ko ring nakagapos na ang aking mga kamay gamit ang makapal na lubid mula sa likod ng upuan. Marami ring tauhan na nagkalat mula sa kanyang likuran; puros may malalaking pangangatawan at dekalidad na baril. Nasisigurado kong tauhan na sila mismo ng Ktinódis at ang kanina kong mga napatay ay tauhan lamang ni Deynize.
Mga pipityugin.
"Gising na ang mahal na prinsesa," sarkastiko niyang sambit.
Inirapan ko naman siya, umupo ako nang maayos at saka siya tamad na tiningnan.
Pasimple kong dinama ang telepono sa aking bulsa upang tingnan kung naroon pa rin ito. Palihim akong napangiti dahil mukhang hindi nila ako kinapkapan bago itinali sa silya.
"Mukhang hindi ka man lang natatakot sa 'kin, Sophia," she uttered as she crossed her arms.
Hindi ko maiwasang ipakita sa kanya ang aking pagngiwi.
"Bakit naman ako matatakot sa 'yo, Deynize? Baka nga ikaw ang takot sa 'kin kaya heto at itinali mo ako agad para hindi ako makapanlaban sa iyo," pang-aasar ko sa kanya.
I need to buy time.
Hindi ko alam kung ilang minuto o oras ba akong nawalan ng malay. Ang malinaw lang sa akin ay wala pa akong nararamdamang presensya ng mga kasamahan ko.
Kailangan kong mag-ingat lalo na at hindi ko pa nakikita ang kapatid ko.
She looked pissed by what I've said. Base sa pamumula ng kanyang mukha at paglabas ng ugat mula sa kanyang leeg. After few seconds composing herself, she looked at me then grinned evilly.
"Kung ganoon ay oras na ba para takutin kita ng husto?" she asked playfully.
'Eto ang oras na inantay ko. Ang mapuno siya at ilabas ang kapatid ko.
Delikado ngunit mas maayos na ito kaysa wala akong alam kung nasaan ang lokasyon niya.
Kahit papaano ay umaasa ako sa loob kong hindi muna nila sasaktan si Cjay hanggang hindi nakikipagtransaksyon sa akin.
In the first place, Ktinódis wants me and my masterpiece. Blackmailing is their game. They will just move if you declined their deal.
"Bakit hindi mo ilabas at ipanakot sa akin kung ganoon? Hindi ba at pinagpapantasyahan mong makita akong nahihirapan?" walang emosyon kong hamon.
Napangiti naman siya at marahang pumalakpak.
"Biruin mo 'yon. Hindi ka lang pala matakaw, matalino ka rin. Alam mo, maaari sana tayong magkasundo ngunit masyado kang pangahas. Pati pag-aari ko ay pinakikialaman mo," nanggigigil niyang sambit sa dulo.
Sarkastiko at mahina naman akong tumawa.
Antayin mong makawala ako rito at itutungo ko 'yang mukha mo nang mamatay kang hitad ka.
"Pag-aari mo?" pang-aasar kong tanong.
Umangat naman ang kabila niyang kilay at saka pinagkrus ang kanyang braso bago napalitan ng galit ang kanyang tingin sa akin.
"Oo, pag-aari ko," pagdidiinan niyang usal.
Tumango-tango naman ako at dinilaan ang ibabang bahagi ng aking labi.
"Pasensya kana at naagaw ko ang pag-aari mo. Mukhang hindi ka magaling magtali kaya 'ayan napunta sa tabi ko at kusang itinali ang sarili niya sa akin," I said as I cautiously tried to loosen the rope.
BINABASA MO ANG
ATRÓMITOS ORGÁNOSI #1 : POISONER (COMPLETED)
Roman d'amourR18|MatureContent|Romance|Action #COMPLETED - - - One organization; five merciless women. Behind their innocent faces hide their true identities. They can kill without feeling guilty. Mercy? It has never been in their vocabulary. There's only one...