CHAPTER 9

29K 1.1K 134
                                    

"Gg," usal ko nang nakarating sa parking lot ng bahay.

Napatampal nalang ako sa aking noo habang pinagmamasdan ang isang Lamborghini. Hindi ko magawang matuwa bagamat isang mamahaling sasakyan ang nasa aking harapan.

Sino ba naman kasing mag-iisip bumili ng Lamborghini kung ang dami-daming humps sa kalsada?

Napahinga nalang ako nang malalim at napailing.

"Magpapagawa muna siguro ako ng sariling daan bago ko magamit 'to," bulong ko at saka pumasok ng bahay.

Agad akong napatigil dahil sa pangalawang pagkakataon ay naabutan ko na naman ang ama ko na prenteng nakaupo sa sofa.

"Why are you here?" walang emosyon kong tanong at nagpatuloy sa paglalakad patungo sa hagdanan.

Tawagin na akong bastos pero hindi ko talaga gusto ang presensya niya.

"Bakit sumali ka sa organisasyon?"

Tumigil ako sa asta kong pagtapak sa hagdan nang seryoso niyang sambitin ang tanong na 'yon. Marahan akong tumayo nang maayos at binalingan siya ng tingin. Pinanatili kong malamig ang aking emosyon habang nakatitig sa kanya.

"Wala kang karapatang magtanong," mariin kong sabi .

Tumayo siya sa pagkakaupo at naglakad palapit sa 'kin. "Anak kita kaya may karapatan ako," sagot niya sa akin. Naroon ang munting galit sa kanyang tono.

Pagak akong tumawa at umiling bago siya 'di makapaniwalang tiningnan. "Paano mo nasasabi 'yan sa harapan ko? Anim na taon mula ng walang tumayo na ama sa tabi ko, ni hindi ka nga matandaan ni Cjay dahil wala pa siyang kamuwang-muwang nang iwan mo kami nina Mommy," puno nang panggigigil at pait kong usal.

Lumambot ang ekspresyon ng kanyang mukha at napahinga nang malalim. "I have my reason, Sophia," he voice out.

Mapait akong ngumiti sa kanya. "Sapat ba 'yang rason mo para iwan mo kaming lahat, Dad?" puno ng hinanakit kong tanong.

"Oo," agad niyang tugon at muling nanumbalik ang kanyang seryosong emosyon.

"Kailangan ko kayong layuan dahil mapapahamak kayo kapag kasama niyo ko," pagdugtong niya.

Natigilan ako kasabay nang pangungunot ng noo ko. "Pinagsasabi niyo?" usisa ko.

He took a deep breath before walking back again on the couch. Ako naman ay nanatili sa aking pwesto at mata na lamang ang isinunod sa kanya.

"Ktinódis Syndicate," he uttered.

Awtomatikong nagngitngit ang loob ko pagkabanggit niya palang sa grupong kinamumuhian ko.

"Anim na taon na ang nakakaraan buhat nang pilitin nila akong sumanib sa kanilang sindikato dahil sa taglay kong kaalaman sa mga lason," pagsisimula niya ng kwento.

Oo, siya ang nagturo sa akin noon ng tungkol sa iba't ibang toxins hanggang sa maging expertise ko na 'to.

"Binantaan nila ako na pamilya natin ang magiging kapalit kapag hindi ako sumunod sa kanilang gusto kaya naman agad akong lumayo sa inyo. Gusto kong isipin nila na hindi nila kayo magagawang panakot sa akin dahil balewala kayo sa buhay ko."

"Akala ko noon ay tuluyan ko na silang nalinlang. Ngunit hindi ko inaasahan na pagkatapos ng isang taon..." Pagtigil niya sa kwento at saka malungkot na tumingin sa akin.

"Pupuntahan nila si Raquel at Mommy upang gahasain at patayin," nanghihina kong dugtong sa kanya.

Naghari ang katahimikan sa aming dalawa. Hindi ko alam ang iisipin o mararamdaman ko. Ang tanging alam ko lang ay nananaig ang aking galit sa mga oras na ito.

ATRÓMITOS ORGÁNOSI #1 : POISONER (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon