"Why are you always sleeping there?" he asked when I was about to sleep on the sofa.
Kunot-noo ko naman siyang tiningnan. "Saan ba dapat?" hindi ko naiwasang malungkot nang sandaling sabihin ko iyon.
Ayaw niya bang nakikita ako?
"You should sleep beside me. You're pregnant, you and our baby should be at my side," diretyo niyang sabi sa seryosong tono.
Napaawang naman ang aking labi dahil doon.
Ano raw?
He sighed and tapped the side of his bed. "Come on, Sophia, I want to sleep," he said in dismissive tone.
Wala naman akong nagawa kung hindi ang dali-daling kumilos para makapahinga siya agad. Lutang man sa mga nakalipas na sandali ay hindi ko pa rin maiwasang makaramdam ng kaunting tuwa sa aking dibdib.
Heard that baby? Makakatabi natin si Daddy mo. Natutuwang untag ko sa aking isip kasabay nang munti kong paghaplos sa aking t'yan bago naglakad palapit sa kanya.
Saglit ko pa siyang tinitigan bago ako patagilid na nahiga sa kanyang tabi.
Tngna bakit ako kinakabahan?
'Eto na ba? 'Eto na ba ang tag-ulan?
Fvck!
Iniiling ko ang aking ulo sa maruruming bagay na pumapasok sa isip ko. Naramdaman ko naman ang kanyang paghiga, saglit pang nanigas ang aking katawan sa kaba.
Ptngna talagaaaa.
"Sleep now, Sophia," I heard him mumbled from my behind.
Nasaan na 'yong wife? little monster? Na-ghost na.
Teka, bakit parang ang lapit niya?
Nahigit ko ang aking hininga nang pumulupot sa bewang ko patungo sa aking t'yan ang kanyang braso at idinikit niya ang kanyang katawan mula sa aking likod.
"Goodnight..." He whispered huskily as I felt him lightly caressed my stomach.
Unti-unti ay nakalma ang aking dibdib, muling nasasanay sa kanyang presensya at init.
Somehow, I can feel him changing for this past days. Alam kong sinubukan niya akong alalahanin at kilalanin. Hindi man siya nagtatanong tungkol sa aming dalawa ay ramdam kong gusto niya rin 'yong malaman. Mula nang araw na biglang sumakit ang kanyang ulo ay hindi na namin pa napag-usapan si Deynize, para bang hinayaan niya na itong lumipas at alalahanin nalang sa tamang oras kapag maayos na ang lahat.
"Goodnight," I answered before I closed my eyes and drifted to sleep.
Kahit hindi mo na ako maalala, ayos lang. Mahalin mo lang ulit ako tulad ng pagmamahal mo noon.
Naalimpungatan ako dahil sa pagkalam ng aking t'yan. Nanataling nakayakap sa akin si Matthew at mahimbing na natutulog. Sinilip ko ang orasan na nakakapit sa dingding at ganoon nalang ang aking pagnguso nang nakita ang oras.
1:06am.
Napahinga nalang ako nang malalim at sinubukan ulit matulog ngunit paulit-ulit talagang bumabalik sa aking isip ang isang imahe.
Naiiyak at tahimik akong umungot.
"Damn, baby, bakit ngayong oras pa?" I murmured and touched my belly.
"What's going on? May masakit ba sa 'yo?"
Nagulat ako nang narinig ang boses ni Matthew. Napalingon ako sa kanya at nakita ang seryoso niyang mukha na nakatingin sa akin. Bakas din ang pag-aalala sa kanyang mga mata.
BINABASA MO ANG
ATRÓMITOS ORGÁNOSI #1 : POISONER (COMPLETED)
RomanceR18|MatureContent|Romance|Action #COMPLETED - - - One organization; five merciless women. Behind their innocent faces hide their true identities. They can kill without feeling guilty. Mercy? It has never been in their vocabulary. There's only one...