CHAPTER 22

25.5K 1K 48
                                    

"Where are you going?" bungad sa 'kin ni Daddy nang nakababa ako ng hagdanan.

Mukhang kadadating lang nila. I roamed my eyes around the house para i-check kung sakaling narito pa ang lintang babae na 'yon. Good thing mukhang nakaisip na ring umalis.

"Ate," masayang sambit ni Cjay at nagtatakbo palapit sa 'kin. May hawak siyang isang malaking box na naglalaman ng laruang kotse sa loob.

Bahagya naman akong yumukod para maabot ng kamay niya. He hugged me from my neck then kissed my cheek.

"Look! Daddy bought me this!" puno ng galak niyang sabi.

Napangiti na lang din ako at hinaplos ang mukha niya. "Wow. Ang ganda naman niyan, hayaan mo paglaki mo ibibili ka ni ate nang mas malaki."

Nagningning ang mga mata niya sa kasiyahan at muling nagtatakbo pabalik kay Daddy.

Mabilis siyang binuhat ng ama ko sa kabila ng pagiging malaki at mabigat ng aking kapatid.

"Did you heard it, Dad? Ate will buy me a real car when I grow up," pagbabalita niya rito.

Tumawa si Daddy at tumango-tango. "What car do you want?"

Umastang nag-iisip ang kapatid ko saka unti-unting nanlaki ang mata na tila may pumasok na ideya sa kanyang isip.

"Gusto ko 'yong tulad ng kay kuya Matthew, Dad," he answered.

Napangiwi ako dahil mukhang pare-pareho kami ng mga klase ng kotse na gusto.

"Hmmm. Not bad," kumento ni Daddy saka ginulo-gulo ang buhok ni Cjay. He then looked at me.

"I'll just have a drink with my friends," pagsagot ko sa kanina niyang tanong.

Tipid na tumango si Daddy at ngumiti. "Enjoy and by the way I bought something for you. 'Though... I don't know if you'll like it," alanganin niyang wika at yumuko.

May kung ano sa loob ko na naramdaman ang lungkot niya. I know what he's pointing at that. It's been years so he didn't know the things I preferred now.

Bumuntonghininga ako at naglakad palapit sa kanya. Inangat ni Daddy ang kanyang paningin sa 'kin nang nakarating na ako sa harapan niya.

I gave him a genuine smile and tapped his shoulder. "Anything that comes from you. I love it," I said and took my leave.

Sa mga nagdaang araw, linggo, na nakasama namin siyang muli ay ramdam ko ang pilit niyang pagbawi sa amin. Unti-unti ring napawi ang tampo at hinanakit ko sa kanya.

After all, he's my father.

Plus the fact that I am also craving for his attention.

Mommy... Wake up. Daddy's already here.






Maingay na musika ang sumalubong sa 'kin pagkapasok ko ng aking club. Mabilis kong nakita ang mga kaibigan ko na nakahilera sa barcounter habang may mga hawak na kani-kanilang baso.

"Zup," tipid na bati ni Aycxe dahilan para mapalingon din ang iba sa akin.

Magkakasabay nilang iniangat ang hawak nilang shot glass bilang pagsalubong sa akin.

Pabagsak akong umupo sa dulong bar stool chair na kahilera nila. Katabi ko si Rose habang nasa kaliwa niya si Noella, sa kabila naman ni Noella ay magkasunod na nakaupo sina Shiela at Aycxe.

"Alam mo ang bias mo rin," puna ni Rose habang tahimik akong nagsasalin ng alak sa baso.

Nakaangat-kilay ko naman siyang binalingan ng tingin.

ATRÓMITOS ORGÁNOSI #1 : POISONER (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon