CHAPTER 30

23.7K 886 94
                                    

I woke up to the feeling of someone caressing my face. Marahan kong idinilat ang mata ko, agad napaawang ang aking labi at napatitig sa mukha ng tao na hindi ko inaasahang makita sa aking paggising.

"Mom..." I uttered softly.

Ngumiti siya sa 'kin at muling hinaplos ang mukha ko.

"Glad you are okay now anak," she said.

My tears pooled as I stare at her beautiful face. "I-I am not dreaming right?" I asked, stuttering.

Muli siyang ngumiti sa 'kin at umiling bago ako pinatakan ng halik sa aking noo.

"This is not a dream baby. Mommy's now here. I am sorry, Sophia," aniya at namumungay ang matang tumingin sa 'kin.

Mabilis naman akong umiling at hinawakan ang kanyang kamay.

It's real. Mom's now awake.

"Let's just forget all of it mom. Ang mahalaga ay gising kana at makakasama kana namin nina Cjay," I stated and roamed my eyes.

My mouth parted again as I saw my father on the wheelchair together with my brother at his side. May benda sa kanyang ulo at kaliwang braso pati na rin ang kanyang binti.

Nag-igting ang aking panga dahil nakikita ko ang lubos na pahirap na ginawa ng aking kalaban sa ama ko.

I stiffened in my place when realization hits me.

I got up from my bed even though I still felt a little dizzy. Nagsimulang mangatal ang aking kamay kasabay nang muling paglibot ng aking paningin sa silid.

"S-Si Matthew," utal kong wika 'tsaka sila tiningnan.

Nakita ko ang awa na binibigay ng kanilang mata habang nakatitig sa akin.

"Nasa'n si Dada?" pag-uulit ko sa basag na tono kasabay nang pagpatak ng aking mga luha.

Mabilis akong niyakap ni Mommy at mabagal na hinaplos ang likod ko.

"Wala na siya anak," mahinang sagot ni Mommy sapat lang upang marinig ko.

No...

Pilit akong tumawa kahit pa pumipiyok iyon. Umiling ako nang umiling at kumalas kay Mommy.

"No. Hindi ako iiwan ng lalaking 'yon. He's obsess with me. Hindi niya kaya ng wala ako," pagpapalubag loob ko sa sariling damdamin.

Nakita ko ang pagtapik ni Daddy kay Cjay at inutusan itong ilapit sa akin ang sinasakyan niyang wheelchair. As Dad came at my side, he held my hand tight and planted a kiss on it.

"We are sorry to inform you, Sophia, but Matthew's already dead. Namatay siya sa pagsabog ng gusali kung saan niyo niligtas si Cjay," mahinahon at puno nang pag-iingat na sambit ni Daddy.

Mariin akong napapikit at tahimik na napaiyak.

"I want to see him. Hindi pa siya patay. He's just waiting for me to show up," ani ko at saka tinanggal ang dextrose na nakakabit sa akin.

"Sophia/Ate!" sabay na tawag nila sa akin nang gawain ko iyon at mabilis akong pinigilan sa balak kong pagtayo.

"Stop it, Sophia! Matthew's already buried the day after he died!" pagsigaw ni Daddy habang pinipigilan ako.

Awtomatiko akong natulos sa aking tayo at nanghihinang napaupo.

"C-Come again?" I asked and stared at my father's eyes.

Malungkot ang kanyang mata at bakas ang sakit doon dahil sa nakikitang sitwasyon ko.

"Mag-iisang linggo ka ng tulog anak," Mom spoke and gently touched my face to wiped my tears.

ATRÓMITOS ORGÁNOSI #1 : POISONER (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon