"You look pissed," Aycxe uttered when I came in our HQ.
Kumpleto na silang lahat at ako na lang ang hinihintay. Muli kaming nagsama-sama ngayon para pag-usapan ang bubuuin naming plano.
Basta akong sumalampak ng upo saka inihagis kay Noella ang dala kong flashdrive. Mabilis niya naman itong sinalo at maingat na isinalpak sa kanyang pinakamamahal na gadget.
"Sana all may boyfriend na Mafia Lord," Shiela mocked.
Inirapan ko siya ng tingin at humarap sa unahan nang nagsimula nang lumabas ang iba't ibang litrato ng isang bahay pati na rin ang paligid nito.
"As you can see, nasa isolated na lugar sa Batangas ang kanyang bahay," panimula ko, tumayo ako at lumapit sa screen.
Talking about Leonardo's house.
"Mukha siyang madaling pasukin pero ang totoo ay hindi," I said and pointed at the surroundings.
"Napapaligiran ng mga land mines ang lugar. Isang maling tapak lang ay pupwede tayong mapahamak at masira ang plano," I explained.
"Rose, since ikaw ang malawak ang kaalaman sa mga bomba at iba pang kagamitan. Ikaw ang bahalang mag-locate ng mga ito," Aycxe ordered.
Tipid namang tumango si Rose bilang pagsang-ayon.
"Second," I said then nodded at Noella to pressed the next slide.
Tumambad ang litrato ng harapan ng bahay ni Leonardo.
"Tulad ng mga bahay natin ay puno rin ito ng mga security cameras. Nariyan ang thermal at mga hightech na camera na nakapaligid sa bahay," pagdedetalye ko sabay turo sa bawat sulok na pinagkakabitan niyon.
"Ako na ang bahala r'yan," Noella mumbled and we all agreed to it. Well, it's her expertise.
"May isa pa tayong problema," I said and sighed.
"Since it's an isolated area mayroon silang sariling power source at signal. Kailangan nating mapasok iyon at mapatay para hindi sila makatawag ng iba pang tauhan sakaling sumalakay tayo," paliwanag ko.
"Shiela, magagawa mo bang makapasok at magawa iyon nang hindi napapansin?" tanong ni Aycxe.
Shiela tapped on the table and licked her lower lip.
"Just give me the blueprint, ako na ang bahala," she answered.
"Then, what's next?" Rose asked and leaned back on her seat.
"We'll fight," tipid kong sabi.
"I'll take care of that. Ihahanda ko ang iba nating tauhan para r'yan," Aycxe stated.
"Kailan tayo aatake?" Noella asked then closed the monitor.
"Next week," I answered and looked at them.
"Kaya ba?" dagdag ko. Sabay-sabay naman silang ngumiti at umismid.
"Easy," they said in unison.
Napangiti na lang ako at marahan na napailing.
"In fairness, your soon to be husband is good on providing informations. Iba na rin talaga ang may malaking grupo," Shiela commented and gave me a mocking smile.
"Yeah, mas may kwenta siya kaysa sa pinagtyatyagaan mo," I teased back, half meant.
Natawa naman ang iba naming kasamahan habang napanguso naman siya.
Napabuntonghininga ako at palihim na napailing.
Mabuti na lang tapos na ako sa pagtitiis sa toxic na relasyon.
BINABASA MO ANG
ATRÓMITOS ORGÁNOSI #1 : POISONER (COMPLETED)
RomanceR18|MatureContent|Romance|Action #COMPLETED - - - One organization; five merciless women. Behind their innocent faces hide their true identities. They can kill without feeling guilty. Mercy? It has never been in their vocabulary. There's only one...