Halos paliparin ni Matthew ang sasakyan makarating lang kami agad sa bahay. May mga kinausap pa siya sa kanyang telepono na sa tingin ko ay mga tauhan niya at binigyan ng kani-kanilang misyon na hindi ko na nabigyan pa ng atensyon dahil tanging sa kapatid at ama ko lang umiikot ang isip ko.
'Sana ay walang masamang nangyari sa kanila.'
Paulit-ulit kong hiling sa isip ko kahit pa mayroon sa aking loob na nagsasabing kailangan kong maghanda pagdating ko sa bahay.
Lord... Alam ko na wala akong karapatan na tumawag sa inyo sa dami ng tao na pinatay ko ngunit nagmakakaawa ako, pakiusap, huwag ang pamilya ko.
Nanlalamig ang aking katawan at namamawis ang kamay ko sa sobrang kaba dulot ng sobrang pag-iisip. Ang paghinga ko ay unti-unting kinakapos habang tinatanaw ang pamilyar na daan patungo sa village namin.
"We are here," Matthew announced as he parked his car, then looked at me worriedly.
Napalunok ako at ilang beses pang kumurap ng tingin sa aming bahay saka mabagal na binuksan ang pinto ng kanyang sasakyan.
It felt like a dejavu. Kung paano ako lutang na lumabas ng sasakyan noon at nadatnan ang mga nagkakagulong tao. Ang kaibahan lamang ay hindi mga pulis at ambulansya ang naririto kung hindi ang mga tauhan namin sa organisasyon at mafia ni Matthew.
Lakad-takbo akong pumasok sa bahay at nadatnang nakaupo sa sofa ang mga kasamahan kong humahawak sa organisasyon. Bakas sa kanilang mukha ang pangamba at pag-aalala samantalang tutok naman sa kanyang laptop si Noella na animo'y may minamadaling mahanap.
"What happened? Where's Daddy and Cjay?" garalgal kong tanong na ikinakuha ng atensyon nila.
Aycxe jaw tightened as she looked at me softly.
"Tito's in your room. Dra. Cuasay and Dra. Vheyda are operating him, I am sorry to say this, but he is in critical condition," aniya, bakas ang lungkot sa kanyang tono.
Nanlambot ang tuhod ko sa narinig. Ang lakas na pilit kong iniipon kanina ay unti-unting nawala sa aking katawan.
Isang matipunong braso ang sumalo sa akin mula sa bewang ko. Hindi ko man siya tingnan ay kilala ko ang kanyang presensya. I felt him kissed my head like it's his way saying he's there with me.
"Ano'ng nangyari? Paano nangyari ang mga ito? Ang kapatid ko, nasaan? Can you fvcking tell me what the fvck is going on?!" naiiyak na sigaw ko sa frustasyon at inilibot ang paningin ko sa bahay para hanapin ang presensya ng kapatid ko.
"Cjay?" garalgal kong tawag.
"Cjay?!" pag-uulit ko sa malakas at basag na tono ngunit walang Cjay na lumabas para magpakita sa akin.
Bagay na kailanman ay hindi nangyari.
Ganoon na lang ang pangamba at takot ko habang hinihintay ang paglabas niya.
"Cjay, hindi na natutuwa si Ate, ah," nanghihina kong sabi.
Nagsimulang humikbi si Noella at puno ng dispensang tumingin sa akin.
"I'm sorry, it's my fault. I lowered my guard. I am sorry, Sophia," aniya.
"Cjay was abducted, Sophia," kagat labing dagdag niya kasabay nang pagpatak ng kanyang mga luha.
Cjay was abducted, Sophia.
Cjay was abducted, Sophia.
Cjay was abducted, Sophia.
Tuluyan na nga akong nabuwal sa aking pagkakatayo at napaupo sa sahig. Agad na umalalay sa akin si Matthew kasabay ng paulit-ulit niyang paghagod sa likod ko.
BINABASA MO ANG
ATRÓMITOS ORGÁNOSI #1 : POISONER (COMPLETED)
RomanceR18|MatureContent|Romance|Action #COMPLETED - - - One organization; five merciless women. Behind their innocent faces hide their true identities. They can kill without feeling guilty. Mercy? It has never been in their vocabulary. There's only one...