CHAPTER 13

28K 1.1K 105
                                    

"Ano ba, Matthew? Uuwi na nga ako," asar kong wika habang nakatayo sa harap ng pintuan.

Amphotta ba naman kasi puro nakaharang ang mga bantay niya.

"Hindi ka pa magaling," aniya habang prente na nakaupo sa ibabaw ng kama.

Matalim ko siyang tiningnan. Nitong mga nakaraang araw ay halos ito na ang routine namin, magbangayan.

Well, tuwing gabi lang naman. Paano ba naman kasi, palagi siyang tumatabi sa akin.

Anak ng tokwa naman, si Joseff nga na naging boyfriend ko hindi ko nakatabing matulog tapos siya. Grrrrr!

"Like what I've said, sa bahay na ako magpapagaling. May kapatid pa akong iniwan doon. Ano ba, Laqueza, naasar na ako! Kaninang-kanina pa!"

Tumayo siya at naglakad patungo sa akin, bakas sa labi niya ang kanyang sinusupil na ngiti. Pinagkrus ko naman ang mga braso ko habang mataray siyang tinitigan.

"In one condition," he said sternly despite of his playful look.

I raised my left eyebrow. "Ahuh? At ano naman iyon? May kondisyon ka pa talaga."

Mas lalo pa siyang lumapit sa akin at yumuko dahilan para maging dalawang daliri na lang ang layo niya sa mukha ko. I was lost in his eyes, hindi ako agad nakapag-function dahil tila hinigop ng mga mata niya ang buong lakas ko.

"Date me when you finally recovered," he said with his raspy voice.

Ano raw? Date?

Ako, makikipag-date sa kanya?

Luh! Asa s'ya.

"Sabihin mo nga. Lumaklak ka ba ng gayuma?" nagngingitngit kong tanong.

He just shrugged.

"Tell me, bakit ba kating-kati ka na pakasalan ako?" seryoso kong tanong sa kanya.

In a snap, all his emotion disappeared.

"Like I said before, no particular reason, I just want you to be my wife," he answered, dripping his cold voice.

Umismid ako at tipid na tumawa. "You think you can fool me?" I said sharply.

Unti-unti namang umangat ang kabilang gilid ng labi niya.

"My, my, my. This is the reason why I picked you to be my wife. You're smart, strong-willed and straightforward. Now, tell me, why do you think I want to marry you?" he asked without taking his eyes from me.

"For business, for your name, for your Mafia. Am I right or I am right?" agad kong sagot sa malamig na boses.

Hindi naman siya umimik at nanatili lamang na nakatitig sa mga mata ko, nanunuri, naghahanap.

Tatlong marahan na palaklak ang siyang nakaagaw ng atensyon naming dalawa. Pareho naming inalis ang paningin sa isa't isa at tumingin sa labas ng silid.

I saw an old man. I bet he's on his 50's based on his physical appearance. Awra pa lang niya ay nagsusumigaw na iyon ng kapahamakan at kapangyarihan. Hindi rin nakaligtas sa akin ang pagkakahawig nila ni Matthew. Nakahilera naman sa magkabilang gilid niya ang kaninang mga tauhan na nakaharang sa pintuan.

Lalo kong pinalamig ang emosyon ko habang nakatingin sa ginoo. Ngumiti ang matanda sa akin ngunit wala akong mabakas na anumang kasiyahan mula roon.

"My son really picked a good choice," he stated.

I rolled my eyes and looked at Matthew again.

"Uuwi na ako. Bahala kayong mag-ama r'yan," nakangiwing sambit ko dahil wala akong balak makipagpatintero ng salita sa kanila.

ATRÓMITOS ORGÁNOSI #1 : POISONER (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon