CHAPTER 24

26.4K 899 99
                                    

"Ano ba'ng problema mo at hindi ka mapakali r'yan?" nakaangat kilay kong usisa nang lingunin ko si Matthew.

Nandito kami ngayon sa salas at nanunuod ng isang action movie. Kanina ko pang napapansin na hindi siya mapakali, panay ang pagkilos niya at wala ang atensyon sa pinanunuod na palabas.

It's been two days since I made Deynize fall asleep. Pinabuhat at pinadala siya ni Matthew kay Vexxon pauwi sa bahay niya. Mula rin no'ng araw na 'yon ay hindi na muli siya sumubok magpakita sa amin o ni kay Matthew man lang.

Mukhang natakot ang gaga. Dapat lang dahil lason na talaga ang isusunod kong ipakain sa kanya.

Matthew bit his lower lip and hugged me from my waist. He buried his face on my neck as if he don't know how to start speaking.

"Spill it, Laqueza," inis kong wika dahil kanina pang nawala ang atensyon ko sa pinanunuod.

"Wife..."

Hindi naman ako umimik at hinintay na lang ang idudugtong niya.

"Let's date," pahina niyang sabi.

Natigilan ako at marahan na kumawala sa kanya. Tinitigan ko ang mukha ni Matthew, namumungay ang mga mata niya habang bahagyang nakanguso ang kanyang labi.

"What did you say again?" paglilinaw na tanong ko.

Umungot siya at sumubsob sa aking balikat na animo'y hiyang-hiya sa kanyang ginagawa.

Cute.

"I said, let's date. Please..." Namamaos na sabi niya.

"Why?" I asked, confused because of his sudden invitation.

He pulled away and looked at me softly.

"I just want us to experience what couples normally do," he answered.

Nakagat ko naman ang dila ko sa loob ng aking bibig para mapigilan ang ngiti na gustong kumawala sa labi ko.

"Okay. Let me change first. Ikaw baka gusto mo ring magpalit."

Tumango siya bilang pagsang-ayon, pinatay niya ang telebisyon at sabay kaming tumayo para pumunta sa silid namin.

As usual, his hands possessively wrapped around my waist as we walked up the staircase.

I could say, our relationship was getting better and better as the days goes by. Bagay na hindi ko aakalaing mangyari. Parang kailan lang nang mahigpit ko siyang tanggihan at kamuhian dahil sa pagiging arogante ng dating niya ngunit ngayon ay ito ako, lubog na lubog na sa kanya sa hindi maipaliwanag na dahilan.

Kung napatay ko kaya siya noon, sino ang kasama ko ngayon?

Natawa ako sa sarili kong pag-iisip.

Magaling maglaro si kupido. How come that I am now falling to the man I planned to kill?

Nakarating na nga kami sa silid at naligo nang magkasabay. Oo, nakaisa na namang madali ang loko.

Naging normal na rin sa akin na makipagtalik sa kanya, alam kong mali dahil hindi pa kami ikinakasal pero taksil talaga itong katawan ko sa mga haplos niya.

It took us an hour to fixed our selves and left the house. Kotse na niya ang napagdesisyunan naming gamitin dahil aminado akong mas mabilis 'yon kaysa sa akin, well, very konti lang naman.

"Mall?" I said when we reached our destination.

Akala ko naman mga bonggang restaurant.

"I said normal couple right," paglilinaw niya na para bang nababasa ang iniisip ko.

ATRÓMITOS ORGÁNOSI #1 : POISONER (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon