CHAPTER 32

23.4K 906 113
                                    

"Use this." Sumalubong si Aycxe sa 'kin habang may hawak na supot pagkalabas ko ng cr.

I raised my left eyebrow and stared on it.

"It's a freaking pregnancy test you fvcker," she hissed and shove the thing on my chest.

"Yah! Careful!" agad na suway sa kanya ni Rose.

Ngumiwi naman si Aycxe at inirapan siya ng tingin.  Si Shiela at Noella ay natawa na lamang habang nakaupo sa kama at pinanunuod kami.

"Ikaw ama?" Aycxe mocked.

Pinakyuhan naman siya ni Rose at saka naglakad palapit sa 'kin. "May sumasakit ba?" nag-aalalang tanong niya.

Hindi na napigilan ni Noella at Shiela tumawa nang malakas  sa kanyang inasta. Si Aycxe naman ay marahang napatampal sa kanyang noo at napailing bago naglakad palapit sa iba naming kasamahan.

"I'm ayos lang. You kalma there baka mahighblood you sa nerbyos," I answered.

Pare-parehong sumama ang kanilang mukha.

"Yeah, back to her old self," Noella murmured and plugged an earphone to her ears.

"Parang 'di nagmukmok ng halos isang buwan," pakinig kong dagdag ni Shiela.

Sinamaan ko naman sila ng tingin at napabaling kay Aycxe na seryosong nakatingin sa akin.

"What?" maarteng tanong ko at namewang.

Mabilis na umigting ang kanyang panga.

"Binili ko 'yan, Sophia, para gamitin hindi para i-stock. Dalian mo r'yan at iiwanan kitang letche ka," asar na sabi niya.

Kahit kailan talaga napaikli ng pasensya.

Napanguso nalang ako at muling naglakad pabalik ng banyo. Ang totoo ay kanina pa akong kinakabahan sa dalawang dahilan; tungkol sa lalaki na tinutukoy ni Aycxe at tungkol sa aking kalagayan. Hindi ko alam kung nasusuka ba ako sa kaba o talagang nagbubuntis lang talaga ako?

I took a deep breath and took the kit outside the paper bag. Binasa ko ang direksyon na nakasulat at ginawa ang bawat hakbang na naroon.

Ilang sandali ang nakalipas ay nakatingin na lamang ako sa parisukat na instrumento habang inaantay ang resulta niyon.

What the fvck?

Tulala akong napatitig doon at saka naglakad palabas ng banyo. Mabilis na nagsitayuan at naglapitan sa 'kin ang aking mga kaibigan. Kahit ang nagpupumilit magpakalamig na si Aycxe ay nahahalata ang kanyang pagkasabik na malaman ang resulta.

"Could you fvcking spill the result you bitch!" inis na asik ni Noella nang hindi pa rin ako nagsasalita.

Napakurap ako at mabagal na iniabot sa kanila ang pregnancy kit.

"OH MY GHOSH!" Noella and Shiela yelled and hold their mouth in shock.

"Congrats," Aycxe simply greeted 'though her eyes were shouting in happiness.

Maluha-luha akong napangiti sa kanila.

"You're really pregnant, Sophia, " Rose mumbled in an awe and walk closer to me for a hug.

Emosyonal akong napangiti at napahawak sa aking manipis na t'yan nang nakalayo na sa 'kin si Rose.

"There's a life inside me," I whispered.

"Obviously, so fvcking take care of... err what should I called it? A him or a her?" Aycxe asked.

"Baby, 'yon nalang. Pati kami pahihirapan mo pa mag-isip," sagot naman sa kanya ni Shiela.

ATRÓMITOS ORGÁNOSI #1 : POISONER (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon