CHAPTER 14

28.1K 940 28
                                    

"Hi, Mommy," nakangiti kong bati bagamat naroon ang lungkot sa tono ko.

I was on my way back home when I decided to go at the hospital where Mommy was confined.

Mapait akong ngumiti habang hinahaplos ang payapa niyang mukha.

"Gising na ikaw, Mom. It's been five years, hinahanap ka na ni Cjay," mahinang pagkausap ko.

Napabuntonghininga ako ng wala akong natanggap na anumang pagtugon mula sa kanya.

I'm in the middle of combing her hair using my fingers when the door slowly opened. Napatuon ang tingin ko roon at nakita ang ama ko na nakatayo habang may hawak na bouquet ng rosas sa kanyang kamay.

Tipid siyang ngumiti sa akin saka naglakad papasok. He closed the door and went to the other side of the hospital bed.

Pinanuod ko ang paglalagay niya ng dalang bulaklak sa vase na nakapatong sa bedside table ni Mommy. Nang natapos siya sa pag-aayos ay tahimik niyang tinitigan ang nanay ko.

"She's still beautiful even when sleeping," he spoke after a few seconds.

Huminga ako nang malalim at muling itinuloy ang pagsusuklay sa buhok ni Mommy gamit ang mga daliri ko.

"I am sorry, Sophia," he mumbled.

Napatigil ako sa aking ginagawa at napaangat ng tingin sa kanya. His eyes looked at me softly. Doon ko lang napansin ang pagbabago ng kanyang pisikal na anyo.

Mayroong kaunting kulubot sa mukha niya na senyales ng kanyang pag-edad. Naroon din ang ilang puti niyang buhok na lumilitaw kapag pinakatitigan mo ng husto.

Matagal na panahon na rin nga pala ang lumipas.

"May magagawa ba 'yang sorry mo?" mapait kong tanong at iniiwas ang paningin ko patungo sa glass window ng silid.

"Naipaliwanag ko na ang rason ko, anak. Hindi mo ba ako kayang patawarin?"

Pagak akong tumawa at muling tumingin sa kanya. I stared at his eyes so he can be aware of what I am feeling right at this moment.

"I seriously fvcking understand it, Dad. Pero hindi niyo alam 'yong hirap na pinagdaanan ko no'ng nawala kayo..." Mariin akong lumunok. "Kung paano ako tumayong ama at ina sa mga kapatid ko no'ng panahon na nagdadamdam si Mommy sa pag-alis mo," maluha-luha kong patuloy.

"Kung paano ako binagsakan ng langit at lupa sa nangyari kay Mommy at nagluksang mag-isa sa pagkamatay ni Raquel," pumipiyok kong dagdag at tuluyan na ngang tahimik na napaluha. "I was left alone, Dad. Alone with my younger brother who's fvcking three years old that time." Tumingala ako para pahintuin ang mga papatak ko pang luha.

I wiped my tears and looked at him sharply. "Now, tell me, how can I forgive you easily?" I asked coldly.

"Tell me, Sophia. How can I ease your pain? Paano mo ako mapapatawad? Gagawain ko, anak," malungkot niyang usisa.

"Bumalik ka sa bahay," mabilis pa sa alas kwatrong sagot ko.

Nakita ko ang gulat sa kanyang mukha habang nakatitig sa akin. I remained my face emotionless as I stared back at him.

"Tumayo kang ama sa kapatid ko. Iyon lang sapat na sa akin, Dad, 'yon lang. Kahit ngayon lang, iparamdam mo namang may tatay pa ang kapatid ko," puno ng hinanakit kong usal.

Malalim siyang nagpakawala ng hininga at iniiwas ang paningin sa akin. "Hindi pa pwede, Sophia. Hindi pa pwede hangga't nariyan pa ang Ktinódis, lalung-lalo na si Leonardo," marahan na sagot niya habang nakatitig kay Mommy.

ATRÓMITOS ORGÁNOSI #1 : POISONER (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon